TRITON VENTURA 14

58 6 16
                                    

Lei's Point of View

Nagising ako mula sa aking mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman kong may liwanag na tumatama sa aking mukha. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at saka napatingin sa bintana ng kwarto ko.

"Hmm..." itinaas ko naman ang aking dalawang kamay sa magkabilang bahagi ng ulo ko at uminat para banatin ang mga natutulog pang mga buto ko.

"Good morning!" may ngiti sa aking nga labi nang sabihin ko iyon at saka ako naupo sa aking kama. Tiningnan ko naman ang orasan na nasa side table ko. Alas-sais na ng umaga.

Bumangon na ako sa kama ko at inabot ko naman ang cellphone ko na nakapatong sa sidetable para magpatugtog. Hinanap ko sa playlist ko ang kanta ng SB19 na Go Up at pinatugtog ito.

Nang magsimula na ang kanta ay tumungo naman ako sa banyo at hinayaan lamang na nakabukas ito para marinig ko ang kanta. Habang naghihilamos ako ay sinasabayan ko iyong kanta.

"Yeah, we gonna go up!
Ibibigay ko ang aking puso..."

Ilang minuto pa ang itinagal ko sa banyo para maghilamos at magsipilyo ay lumabas na rin ako para kumain ng agahan. Hindi pa ako naligo dahil masyado pa namang maaga para pumasok. Pinatay ko na muna ang cellphone ko na tumutugtog bago ako lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko agad ang mga ilang katulong na nasa baba at naglilinis. Nagsimula na akong naglakad pababa ng hagdan at tinungo ang kusina. Pagpasok ko sa kusina ay nadatnan ko roon si ate Nene na naghahanda ng pagkain.

"Good morning, miss Lei." naka-ngiting bati nito sa akin nang makita niya akong pumasok ng kusina.

"Good morning."

"Maupo ka  muna diyan at lulutuhin ko lang itong itlog at hotdog na ulam mo." wika nito at saka binuksan ang ref na nasa tabi niya para kumuha ng itlog at hotdog.

Napatingin naman ako sa suot niya. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme papasok sa paaralan at wala man lang siyang suot na apron.

"Anong gusto mong luto ng itlog? Sunny side-up o scrambled egg?" tanong nito.

Lumapit naman ako sa kanya at kinuha sa kamay niya ang itlog at hotdog na kanyang lulutuhin.

"Ako na ang magluluto, ate. Baka madumihan pa iyang uniform mo." nginitian ko siya bago ko tinungo ang kalan.

"Pero..."

"Marunong ako magluto, ate. Huwag ka pong mag-alala hindi masusunog itong mansion." biro ko sa kanya dahilan para tumawa siya.

"Sabi niyo po, e. Sige po, maiwan ko po muna kayo. Tawagin niyo na lang po ako pag tapos na po kayong kumain at huhugasan ko po ang pinagkainan niyo."

Umiling naman ako.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan ko ate Nene. Tutal hindi pa naman ako naliligo." sagot ko.

"Miss Lei baka makarating ito sa Lola mo. Ayaw kong mapagalitan. Nakakatakot pa namang magalit ang Lola mo." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Don't worry, hindi ito makakarating kay Lola and besides ako naman ang nagprisinta na gawin. Kaya sige na, punta ka muna sa sala at hintayin mo ako roon at sabay na tayong pumasok mamaya." saad ko at saka tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong magluto.

"P-po?" napatigil naman ako sa ginagawa ko at saka hinarap siya. Akala ko umalis na siya kanina pa.

"Sabay po tayong papasok?" tumango lang ako at muling hinarap ang niluluto kong hotdog.

"Oo, sabay na tayo mamaya dahil parehas naman tayo ng eskwelahan na pinapasukan at para makatipid ka na rin. But..." humarap ako sa kanya at tinuro siya gamit ang sandok na hawak ko. "ngayon lang a? Baka akala mo araw-araw tayong sabay na papasok." paliwanag ko sa kanya.

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon