TRITON VENTURA 6

80 7 18
                                    

Triton's Point of View

"What the hell are you doing here?" Hindi na ako nagulat sa inasta ni Lei nang makita niya akong nasa harap ng mansion nila. Ayaw na ayaw kasi nitong pumupunta ako sa kanila kahit noon pa. Ayaw kasi ng Lola niya na may lalaking pumupunta sa mansion nila dahil hindi raw iyon magandang tingnan lalo't dalaga siya baka kung ano ang isipin nang makakakita.

"Hi." kaway ko sa kanya pero isang irap lang ang natanggap ko sa kanya. Umatras naman ako sa kinatatayuan ko nang buksan nito ang gate at agad akong hinila papunta sa motor ko at kinausap ako.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo Triton na bawal kang pumunta rito sa mansion dahil baka makita tayo ni Lola at pagalitan niya ako? Kung wala kang sasabihin please, umuwi ka na Triton." pagkasabi niya iyon ay agad ko naman siyang niyakap.

"Triton..." rinig kong tinawag niya ang pangalan ko.

"I'm sorry, Lei." hinigpitan ko iyong yakap sa kanya.

Tinapik naman niya ako sa balikat kaya agad akong lumayo sa kanya.

"I'm really sorry."

"Sorry for what?" tanong nito.

Nagkibit-balikat lang naman ako. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nag-s-sorry ngayon sa kanya.

"I just want to say sorry. Pakiramdam ko kasi may nagawa akong mali lalo na kanina kasi bigla ka na namang nagalit at sinungitan ako." naalala ko tuloy iyong nangyari kanina. Iyong bigla na lamang siyang nagalit at sinungitan ako.

"Don't be sorry, wala ka namang ginawa para magalit ako sa'yo." tipid itong ngumiti. "Kung wala ka ng ibang sasabihin mabuti pa siguro kung umuwi ka na kasi may ginagawa pa ako." pipigilan ko sana siyang huwag munang umalis dahil may ibibigay ako sa kanya pero nakita ko na lamang siyang naglakad palayo sa akin. Nilabas ko naman sa aking bulsa ang isang kulay asul na kahon kung saan nakalagay doon ang ibibigay ko sana kay Lei. Agad ko namang naitago sa likod ko ang hawak ko nang magsalita muli ito kaya napatingin ako sa kanya.

"Ingat ka sa pag-d-drive mo." tumango lang naman ako bilang sagot.

Nang makapasok na si Lei sa loob ng mansion ay sumakay na rin ako sa motor ko at nagsimula ko nang paandarin ito palayo sa lugar na iyon pero hindi pa ako nakakalayo nang makita ko sa side mirror ng motor ko ang isang lalaking kausap ni Lei sa loob ng mansion habang ginugulo nito ang buhok ni Lei.

Bigla akong napapreno sa nakita ko at agad akong napalingon sa kanila. Nakita kong hinabol siya ng lalaki papasok ng mansion. Sino iyon? Pinsan kaya niya?

Nang makarating ako sa bahay ay agad naman akong sinalubong ni mama. May mga ngiti ito sa kanyang labi habang palapit ito sa akin.

"Kumusta ang araw mo, anak? Naibigay mo ba sa babaeng matagal mo ng gusto iyong bracelet?" tanong nito sa akin nang makalapit ako sa kanya.

Tipid ko lang siyang nginitian at inabot sa kanya ang kahon na nasa bulsa ko kung saan nandoon ang bracelet na sana'y ibibigay ko kay Lei kanina.

"Akala ko ba..." Hindi na itinuloy pa ni mama ang sasabihin niya nang iniwan ko na siya sa may harap ng bahay. Alam kasi nito ang tungkol sa babaeng matagal ko ng gusto pero hindi nito alam ang pangalan ni Lei basta ang alam niya lang ay may gusto akong babae matagal na kaya naman siya lagi itong bumibili ng ireregalo ko kay Lei sa tuwing sumasapit ang araw kung kailan nagtapat ako sa kanya na gusto ko siya. Ngayong araw na ito ang ika-apat na taon kung kailan nagtapat ako sa kanya na gusto ko siya at magpahanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya.

Agad akong dumeretso sa kwarto ko at naupo sa kama ko. Inilabas ko naman ang cellphone ko at saka tiningnan ang screen ng cellphone ko. Nandoon ang isang litrato namin ni Lei na kinuha ni Apollo noong grade seven pa lang kami. Kung titingnan mo ang litrato nakangiti kami pareho ni Lei habang nag-uusap.

Tanda ko pa kung ano iyong pinag-uusapan naming dalawa noon.

"Alam mo ikaw, bolero ka talaga." tumawa si Lei at saka ako hinampas sa braso dahilan para mapatawa rin ako.

"I'm serious, Lei. I like you!" nakangiting sambit ko sa kanya at tiningnan ko siya sa kanyang mga mata.

"I like you too!" sagot niya at saka ako nginitian. Parang biglang huminto ang oras nang sabihin niya iyon. Shit! Am I dreaming, again?

"Anak..." napatingin naman ako sa pintuan ng kwarto ko nang marinig ko ang boses ni mama.

Tumayo naman ako sa kama at saka ito pinagbuksan. Nakita kong may dala itong tray na may lamang cookies at saka juice.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong nito sa akin kaya nilakihan ko ang bukas ng pintuan.

"S-sure. Pasok po kayo." pumasok naman si mama at saka dumeretso sa side table na malapit sa kama ko at saka doon niya ipinatong ang dala niyang tray.

"Mag-meryenda ka na muna. Bagong luto ko lang iyang cookies."

"Sige po, salamat."

Nginitian lang naman ako ni mama at saka nagsimula na itong maglakad palabas ng kwarto ko. Lumapit naman ako sa tray na iniwan ni mama at saka kumuha ng isang cookies.

"Triton..." napalingon naman ako nang tawagin niya ako. "Almost four years mo ng kinukwento sa akin iyong babae na gusto mo but I still don't know her name. Can you tell me the name of this lucky girl?" may pilyong ngiti ang sumilay sa bibig ni mama.

"Come on, Triton." natatawang sambit nito at saka sumandal sa pintuan ng kwarto ko. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Her name is Lei." nakita ko namang tumaas ang isang kilay ni mama.

"Lei? Who?" alam kong gusto niyang malaman ang buong pangalan ni Lei kaya naman sinabi ko sa kanya at hindi ko inaasahan ang naging reaksiyon niya. Halos matumba siya sa kinatatayuan niya nang sabihin ko ang buong pangalan ni Lei kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya para alalayan.

"Ayos lang po ba kayo?" Hindi niya ako sinagot at tiningnan niya ako sa mga mata ko at saka ito nagsalita.

"W-what's her name a-again?" Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi pero nakita ko sa mga mata ni mama ang magkahalong lungkot at saya nang tanungin niya ako.

"Eileithyia Mharie Francheska Isabelle Vizconde."

"Oh, my God!" nasapo nito ang kanyang bibig.

Bakit anong meron sa pangalan ni Lei? Bakit ganoon na lamang ang reaksiyon ng mama ko?

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon