TRITON VENTURA 13

65 6 10
                                    

Lei's Point of View

"What are you saying that you don't know where my mom is? You know that she's still alive, right? Kaya paanong hindi niyo alam kung nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Lola at halos napatayo pa ako sa kinauupuan kong silya.

"Francheska..." mahinang saad nito at saka siya dahan-dahang umupo at sumandal sa headboard ng kama. "I admit that I lied to you about your mother." napatingin siya sa akin. "Almost twenty years ko na itinago sa'yo na buhay ang mama mo at twenty years din kitang pinagkaitan na magkaroon ng ina. Sorry, for doing that. Gusto ko lang naman na maging maayos ang buhay mo kaya ginawa ko iyon, apo."

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Para maging maayos ang buhay ko inilayo niyo ako sa tunay kong ina? Bakit ginawa niyo iyon? Anong mali kung kapiling ko ang mama ko? Lola alam mo na noong bata pa ako uhaw ako sa pagkakaroon ng ina. Araw-araw kitang tinatanong tungkol sa mga magulang ko pero ni pangalan nila ipinagkait mo sa akin. Maski nga mga mukha nila hindi ko alam. Kaya sabihin niyo sa akin. Bakit inilihim niyo ang tungkol sa mga magulang ko lalo na ang tungkol sa mama ko? Bakit Lola? Bakit?" nagmamakaawamg tanong ko sa kanya.

Namayani naman ang katahimikan sa loob ng kwarto nang bitawan ko ang mga salitang iyon. Ang tunog lamang ng aircon at ang pagpatak ng tubig mula sa dextrose ang tanging maririnig mo. Nakatingin lang ako kay Lola. Nakayuko ito habang magkasalikop ang kanyang dalawang palad.

Alam kong may gumugulo sa isipan niya base sa itsura niya ngayon. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatingin siya sa mga palad niya.

Alam kong hindi na naman niya sasagutin ang tanong ko kaya naman napagpasiyahan ko na lamang na umuwi na lang. Lumapit naman ako sa couch na nasa loob ng kwarto kung saan nandoon ang bag ko at saka kinuha ito.

Muli kong nilingon si Lola at ganoon pa rin ang posisyon niya. Napabuntong hininga na lamang ako nang linagay ko na sa balikat ko ang bag. Nagsimula naman na akong naglakad papunta sa pinto ng kwarto at handa ko na sanang buksan ang seradula nito nang magsalita siya.

"Twenty years ago when that incident happened..." napatigil naman ako sa pagbubukas ng pinto. Ibinaba ko ang kamay kong nakahawak sa seradula at humarap ako kay Lola.

Nakatingin siya ngayon sa akin. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pangungulila.

"Habang abala ako sa ginagawa kong paper works ay tumawag si Francis sa akin. Siya ang ama mo. Ang kaisa-isa kong anak na nasa Baguio. Isa siyang owner ng isang resto bar at sa Baguio niya naisipan magtayo ng business niya. Halos isang taon din siyang hindi umuwi rito sa Manila dahil busy siya sa pagpapalago sa kanyang business kaya naman nagulat ako nang sabihin niya sa aking may asawa at anak na siya. Hindi ako makapaniwala. Noong gabing iyon ay hindi ako makatulog dahil kinabukasan ay darating sila sa mansion at ipapakilala niya ang kanyang mag-ina sa akin.

Parang ayaw tanggapin ng utak ko nang sabihin sa akin ni Francis na ang kanyang asawa ay isang katulong sa Baguio. Si Lillia. Ang mama mo. Hindi ko lubos matanggap na mahuhulog sa isang katulong ang anak ko at higit sa lahat ay mayroon silang anak at ikaw iyon. Galit na galit ako noong araw na dumating kayo sa mansion lalo na sa mama mo. Sinabihan ko siyang mukhang pera dahil alam kong iyon lang ang habol niya sa anak ko pero nagkamali ako. Nagalit sa akin ang anak ko at sinabi niya sa aking hindi na siya magpapakita ulit pa sa akin kung ganoon ang trato ko sa mama mo.

Mabilis ang takbo ng sasakyan niya noong umalis sila ng bahay. Masakit para sa akin bilang ina ang ginawa sa akin ni Francis na sinagot niya ako at sinabing kakalimutan na niya ako bilang ina niya. Agad kong inabot ang telepono na nasa sala at tinawagan siya. Hihingi ako ng sorry dahil sa mga masasakit na salita na lumabas sa bibig ko tungkol sa mama mo. Noong tinawagan ko siya ay sinagot naman niya ito pero hindi pa ako nakakaapgsalita nang makarinig ako ng malakas na ingay sa kabilang linya. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang malakas na busina ng mga sasakyan at ang pag-iyak ng sanggol. Tinawag ko ang pangalan ni Francis nang makarinig ako ng sirena ng ambulansya sa kabilang linya pero wala akong narinig na boses ng anak ko. At nalaman ko na lamang na wala na siya, na patay na ang anak ko at ang tanging nakaligtas lang sa aksidente ay ikaw at ang mama mo."

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon