Lei's Point of View
Nakahiga na ako ngayon sa kama ko habang ang isang braso ko ay nakapatong sa mga mata ko. Hindi kasi maalis sa isipan ko iyong sinabi ni Damon sa akin kaninang kumakain kami ng hapunan. Habang kumakain kasi kaming tatlo, ako, si Lola at si Damon ay hindi ko napigilan iyong bunganga kong magtanong kung bakit biglaang may fiancé na ako. At hindi ako makapaniwala nang sagutin ni Damon ang tanong ko kay Lola.
"Don't tell me, you forgot what you promised me eleven years ago?"
What does it mean? What I promised to him eleven years ago? Did I promised to him that I will marry him someday that's why he's my fiancé now?
Inis naman akong bumangon sa kama ko at napatingin sa alarm clock na nasa side table ko. Alas-diyes na ng gabi pero heto pa rin ako at naghahanap ng kasagutan sa sinabi sa akin ni Damon kanina. Nakakaasar siya! Bakit kasi hindi niya pa sinabi sa akin kanina kung ano ba iyong ipinangako ko sa kanya eleven years ago!
"Nakakainis talaga iyong Chinese na iyon!" ginulo ko naman ang buhok ko at saka pabagsak na nahiga muli sa kama ko. Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa inis. Habang nakahiga ako ay dumako muli ang mga mata ko sa side table kung saan ko inilagay ang papel na binigay sa akin kanina ni Kuya guard. Kinuha ko naman ito at saka umupo at sinumulang binasa ang nakasulat dito.
Halos manginig ang mga kamay ko habang binabasa ang nakasulat sa papel. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nabasa ko.
Agad ko namang naitago ang papel na hawak ko sa likod ko nang marinig kong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at lumapit dito at saka binuksan. Bumungad sa harap ko si manang Felly na may hawak na isang baso ng gatas.
"Alam kong hindi ka pa natutulog dahil nakita kong bukas pa rin ang ilaw sa kwarto mo kaya naman ipinagtimpla kita ng gatas. Ito inumin mo habang mainit-init pa." inabot sa akin ni manang ang gatas kaya tinanggap ko ito.
"Salamat po." tumango lang naman siya at nagsimula ng maglakad paalis nang tawagin ko ulit siya.
"Manang Felly..."
"Bakit hija? May kailangan ka pa ba?" tanong nito.
Mahigpit ko namang hinawakan ang basong nasa kamay ko at napatingin dito. Alam kaya ni manang Felly ang totoo? Kung tatanungin ko ba siya tungkol doon sasagutin niya kaya ako? Paano kung...
"Hija?" napaiktad naman ako sa gulat nang hawakan ako ni manang sa balikat ko.
"N-nothing. You may take a rest manang." Hindi ko na tinuloy pa na nagtanong kay manang Felly kaya pumasok na lamang ako sa kwarto ko. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay napasandal ako sa pintuan at saka ko kinuha ang papel na nasa bulsa ko at muling binasa ang nakasulat dito.
I miss you, Princess. - Mom
Agad akong napabangon sa kama ko nang marinig ko ang tunog ng alarm clock na nasa tabi ko. Nasapo ko naman ang ulo ko at saka pinatay ang alarm clock.
"Akala ko totoo na iyon. Panaginip lang pala." wika ko at saka ibinalik sa side table ang alarm clock na hawak ko. Pagkapatong ko rito ay halos manigas ako nang makita ko iyong kapirasong papel na nasa side table ko. Iyon iyong papel na nasa panaginip ko.
Napatakip naman ako sa bunganga ko. Don't tell me totoong nangyari iyon kagabi at hindi panaginip? Napasabunot na lamang ako sa buhok ko nang makita ko ang isang baso sa side table ko. Iyon iyong baso na may lamang gatas na binigay ni manang Felly sa akin. Hindi nga panaginip iyon kundi totoong nangyari.
Umalis naman ako sa kama ko at agad akong dumeretso sa banyo para maghilamos. Hindi kasi ako makapaniwala. Paano nangyari iyon? Paanong nagkaroon ako ng sulat mula kay mama? Paano? Pinatay ko naman ang gripo na nasa harap ko at saka tinukod ang dalawang kamay ko sa sink ng lababo at saka ako tumingin sa aking repleksiyon na nasa salamin.
Ang dami kong tanong sa aking isipan pero hindi ko alam kung masasagot ang mga ito. Gusto kong malinawan. Gusto kong malaman ang totoo.
Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya lumabas ako ng banyo. Si manang Felly pala ang pumasok. Dala-dala nito ang aking uniporme na sa tingin ko ay plinantsa nito.
"Good morning, hija." bati nito sa akin at saka nito nilapag ang uniporme ko sa kama. "Nakahanda na iyong pagkain sa baba, sunod ka na lang." wika nito at akmamg lalabas na sana siya ng kwarto nang pigilan ko siya.
"Manang can I ask you something?" desperada na talaga akong malaman ang totoo. "Manang kilala mo ba ang mama ko?" nakita kong nagulat si manang Felly sa tanong ko kaya mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa na tanungin siya.
"Sorry, hija pero hindi ko kilala ang mama mo." alam kong nagsisinungaling siya kaya naman hinawakan ko siya sa kanyang kamay at nakikiusap ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
"Manang please..." tinanggal naman ni manang Felly ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Kung gusto mong malaman ang tungkol sa mama mo, magtanong ka sa Lola mo. Wala ako sa posisyon para sagutin ang mga tanong mo, hija. Mas mabuting ang Lola mo ang sumagot sa mga tanong mo." pagkasabi iyon ni manang Felly ay lumabas na siya ng kwarto ko.
Bumagsak naman ang dalawang balikat ko sa sinabi ni manang Felly. Bakit ba ang hirap sa kanilang sagutin ang tanong ko? Maski si Kuya Roger kung tatanungin ko siya tungkol sa mga magulang ko ayaw niya akong sagutin. Sila lang kasi ni manang Felly ang alam kong nakakaalam tungkol sa mga magulang ko dahil silang dalawa lang ang matagal ng naninilbihan dito sa mansion. Bakit ba sa tuwing gusto kong masagot ang mga tanong ko ay lagi lamang nilang sinasagot na, "Sa lola mo na lang tanungin ang mga bagay na iyan, hija." Paano ako magtatanong sa witch na iyon kung sa tuwing magtatanong ako sa kanya ay iniiba niya ang usapan. Ayaw niyang sagutin ang mga tanong ko.
Matapos akong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at dumiresto sa kusina. Nadatnan ko naman doon si Lola na nagkakape habang may hawak na dyaryo sa kanyang kaliwang kamay.
"Good morning, Lola." bati ko sa kanya at saka hinalikan siya sa pisngi bago ako humarap sa hapagkainan.
Habang nagsasandok ako ng kanin ay tinawag ko siya. Gusto ko kasing tanungin siya ulit tungkol sa mama ko.
"Lola, can I ask you something?" tanong ko sa kanya.
"Go on." sagot nito. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at abala pa rin siya sa pagbabasa ng dyaryo.
"Where's my mother?" napatigil siya sa pagbabasa ng dyaryo at matalim akong tiningnan.
"Francheska, how many times have I told you that your mom is dead?" galit na sagot nito.
"You sure that she's dead?" buong tapang ko siyang tinanong. Inilapag naman niya sa mesa ang hawak nitong dyaryo at tiningnan niya ako ng mabuti.
"Of course she's dead! Nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya namatay kasama ang anak ko, ang papa mo." paliwanag nito sa akin.
Oo patay na ang mga magulang ko. Iyon ang kwento sa akin ng Lola ko. Baby pa lang ako nang mamatay raw sila. Habang lumalaki ako ay lagi kong tinatanong kay Lola kung sino ang mga magulang ko at kung nasaan sila pero ang tanging sagot lamang na nakukuha ko mula sa kanya ay ang mga katagang patay na sila. Habang lumalaki ako at nagkakaroon ng isip hindi ko maiwasang hindi mainggit sa mga katulad kong bata na may mga magulang. Ano kaya ang pakiramdam kung may mama at papa ka na kasama? Simula bata magpahanggang ngayon kasi hindi ko alam ang mga pangalan ng mga magulang ko maski ang mga mukha nila. Sa tuwing tatanungin ko kasi si Lola tungkol sa mga magulang ko ay pinapagalitan niya ako. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong may tinatago siya sa akin kung bakit gano'n na lamang siya umasta.
"Then how can you explain this?" inilabas ko sa bulsa ko ang papel na may sulat galing sa mama ko at saka ko ito inilapag sa mesa.
"Francheska..."
BINABASA MO ANG
Triton Ventura [COMPLETED]
Novela JuvenilSperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20