Chapter 01:He is

46 15 0
                                    

Neo's POV

*Tugs tugs tugs*
*Insert Party Sounds*

"JUST FEEL THE BEAT OF THE MUSIC!! PARTY PARTEEEE!!!!" sigaw ng Dj sa taas kung saan siya ang nagmamanipula ng musika

Narito ako ngayon sa bahay ng isa sa mga naging kaibigan ko noon birthday niya kaya inimbitahan niya ako

"Neo Matt!!!Bakit nagiisa ka lang?Why don't you join us to dance? The floor is always free!" bungad ni Brix, siya yung may birthday ngayon

"Nah! I'm fine here, just enjoy your night dude." sabi ko nalang

"You sure? You know what? Mukhang marami naman ang gustong makasama ka eh. Kung nakakahubad lang ang titig kanina ka pa sana walang damit." sabi niya at ngumisi-ngisi pa

Napatingin naman ako sa paligid ko at ayun nga ang mga matang nakatitig sa akin. Mga mata ng mga babaeng kapos sa tela kung manamit.

"Just don't mind them. Kaya ko ang sarili ko and by the way happy birthday pala." pagbati ko sa kanya at inangat pa ang baso kong naglalaman ng alak.

"Sige salamat. Just enjoy the drinks." sabi pa nito at tinapik siya sa balikat para umalis.

Tanging pagtaas nalang ng kamay ang naisagot ko sa kanya

Sumasabay sa beat ng malakas na tugtugin ang kabog ng dibdib ko. Gustong gusto ko ang ganitong pakiramdam

Tuloy tuloy lang ako sa pagiinom at hindi na ininda kung may tama na ba ako

Maya maya pa ay may bigla nalang kumapit sa kaliwang braso ko

Mabilis ko itong kinabig at masama siyang tiningnan

"Oohh easy man. I just want to have a drink with you, mukhang mag isa ka eh." anas ng babaeng kaharap ko ngayon

Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at hindi ko ipagkakailang maganda siya, maging ang katawan niya

Pano ko hindi makikita ang magandang katawan niya eh halos maghubad na siya sa harap ko

(-_-)

"I'm Lacey if you don't mind." saad niya gamit ang nakakainis na tono

"I really don't mind and I don't need you. Get lost." sabi ko saka tinuon muli ang atensyon sa hawak na baso

"Aww sayang naman I really want to know more about you eh. May I know your name??" wika niya habang pinapasadahan ng kanyang kamay ang balikat ko

At naiinis ako don

"Pwede bang lumayas ka na sa harap ko at wala ako---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya ako kinabig at hinuli ang aking mga labi.

Wala sa sarili ko siyang itinulak kaya muntik na siyang mahulog mula sa mataas na upuang kinauupuan niya

"What the hell did you do?!You have no right to kiss nor touch me or anythi---" bigla nalang akong bumagsak sa sahig dahil may biglang sumuntok sa akin.

Tiningnan ko kung sino ngunit dahil na rin sa may tama na nga ako ay hindi ko na maaninag kung sino ito.

Hinawakan niya ang kwelyo ko at marahas na itinayo

"Ang kapal ng mukha mong G*go ka para sulutin ang babae ko!"

"Ako pa ang nanulot eh yang babae mo nga ang lumalandi at bigla bigla nalang nanghahalik. Pero infainess bro ang lambot ng labi ng girlfriend mo ahh." Pangiinis ko rito

"G*go ka ahh!!!" Sigaw niya saka sinuntok muli ako

Sumalampak ako sa sahig dahil sa lakas ng suntok niya

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon