Chapter 07: Chicken Curry

10 10 0
                                    

Neo's POV

UMALIS na rin si Kuya matapos palipasin ang ilan pang oras dito sa ospital. Kailangan niya pang magpahinga dahil galing siya sa trabaho niya bago pa man siya pumunta dito. Nag half day lang din siya ngayong araw para nga madalaw ako.

Gamit ko ang phone ko habang nanonood sa youtube. Kung ano nalang ang pinapanood ko dahil hindi naman ako nasanay na gumamit nito. Mas gusto ko parin ang magparty pampalipas oras.

DINNER na kaya kinakabahan na ako sa kung ano nanamang halaman ang ipapakain sa akin ng walking bunganga kong nurse. Akala ko ba nasa Ospital ako? Eh bakit parang nasa Zoo?

(-.-)

"It's Dinner time sir Neo!!" halos sambahin at banggitin ko na lahat ng santong kilala ko para ipagdasal na san matinong pagkain naman ang ihain niya sa akin kahit ngayong gabi lang.

Napabagsak nalang ako ng balikat ko makita kung ano ang ipapakain niya sa akin.

"Vegetable salad? Really? Sa dinner?"

"Luh? Di mo alam yon? Diba mayaman kayo? Uso yan sa inyo diba? For diet?" konti nalang talaga mauubusan na ko ng pasensya sa babaeng to eh. Imagine unang araw ko palang siya nakakasama pero gustong gusto ko na siyang isumpa.

(-_-)

"Anong tingin mo sa akin? Kailangang magdiet? 6 months akong tulog remember? Kaya wala pa kong matinong kain!" Reklamo ko. Bago pa yata ako maging healthy mamamatay muna ako sa gutom

(-.-)

"Oh ba't parang kasalanan ko pa? Hindi ako ang nagdedecide ng pagkain mo! Yung doktor! Wag ka sakin magalit. At saka isa pa. Hindi ka pwedeng biglain sa pagkain kasi hindi makakabuti sa'yo."

"Then what's the best for me and what for kung hahainan mo ko ng ganyan kung hindi ko naman maka---" hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko ng sumigaw siya

"FINE!! IPAGLULUTO KITA NG CHICKEN CURRY BUKAS JUST MAKE SURE NA KAKAININ MO YAN NGAYON!" nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo.

Dahan-dahan kong inabot ang tinidor at unti unting sumubo. Pero bago pa man pumasok ang pagkain sa bibig ko ay muli akong nagsalita.

"Just promise me you'll make it for real." sabi ko

"Ang alin?"

"Na you will cook for me."

"Oo na, ipagdasal mo lang na hindi ako pagalitan ng doktor mo." pagtapos niyang sabihin yon ay lumabas na siya.

Saglit naman akong napangiti dahil don.

Finally my Chicken Curry....

K I N A B U K A S A N

Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa paningin ko. Nang umayos ako ng upo sa kama ay nakita ko si Luna na inaayos ang kurtina.

"Good Morning Sir Neo. Handa na ang breakfast." napalingon ako sa lamesa sa tabi ng kama na kinalalagyan ng almusal ko.

"Ayan, siguro naman hindi ka na magrereklamo niya ah. Boiled egg with Rice." napangiti nalang ako saka kinuha na ito at nagsimula ng kumain.

"Have you eat your breakfast?" wala sa sariling tanong ko

"Yes Sir. Bago ako umalis ng bahay eh nagalmusal na ako. Just enjoy your meal sir at pagkatapos ay papalitan ko na ang swero mo." hindi ko na siya sinagot pa at sinipat ang sarili kung bakit ko ba naitanong yun sa kanya

Itinuloy ko na ang pagkain at pagkatapos ay ginawa na nga ni Luna ang trabaho niya.

NAIWAN akong mag isa rito sa kwarto at malapit ng maglunch. Kanina pa wala si Luna at sigurado ako na tinutupad niya ang pangako niya na ipagluluto niya ako ng chicken curry.

Naalala ko na narinig ko siya noon na nagpaamoy ng chicken curry para daw magising ako pero hindi naman nangyari. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kung bakit ko naririnig ang boses niya kahit pa tulog ako. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba na may naririnig talaga ako. Basta may naaalala lang ako. Yun lang ang napanghahawakan ko.

Napaisip rin ako sa mga sinabi sa akin ni kuya kahapon. Hanggang ngayon kinukumbinsi ko parin ang sarili ko kung maganda ba talaga ang walking bunganga na yon eh. Pero wala akong napapala. Siguro nga hindi ko lang makita o hindi lang talaga ako marunong tumingin ng ganda sa ibang babae.

Si Mom syempre maganda yun. She has her color pale skin pero so natural naman. Bagay sa kanya ang ganoong kulay dahil natural brown din ang buhok niya na hanggang balikat niya. Maliit ang mga labi ni Mom at hindi ito natural pink pero maganda naman ito magdala ng lipcolors dahil perfect curve ang labi niya. May kaliitan rin siya pero nadadala naman sa high heels.

Si Ashari, hindi ko maitatangging sobrang ganda niya. Hindi dahil sa kambal kami pero masasabi kong iba talaga ang ganda niya kahit pa magkataong naging babae rin ako. Kamukha niya kasi ang kapatid ni Mommy na nagkataong mas maganda talaga kay mommy. Hindi man nalalayo ang hitsura namin pero may ganda talaga siya na hinding hindi ko makukuha kahit pa naging babae ako. Ashari has her natural green eyes. Half sister lang kasi ni Mommy ang tita Hailey namin na anak ni lola sa isang Australian. Yung mata niya talaga ang pinaka asset niya.

Nakuha ko naman ang mata ni Daddy. I have my Natural Gray eyes. Half German si Dad pero lumaki dito sa Pinas. Pero kahit na ibang kulay rin ang mata ko eh mas gusto ko parin ang mata ni Ashari. Kaya para sa akin. Si ate ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Bukod kay mommy at sa isang babaeng minsan ng minahal ng puso ko......

Naalala ko na naman siya.

"Lunch naaaaa!!!Here's your request King Neo. Chicken Curry for Lunch!!" halos pumalakpak ang tenga ko nang marinig ko iyon. Nakita ko nga si Luna habang hawak ang isang tray.

Rinig na rinig ko ang kalam ng sikmura ko nang maamoy ko ang paborito kong ulam.

"Ayan, muntik pa akong pagalitan ni Doc. Pero buti nalang at pinayagan niya ako. Kaso sa isang kundisyon." awtomatiko akong napalingon dahil sa sinabi niya.

"Anong kundisyon?" wag naman sanang pagextend dito

"Dalawang hiwa ng manok lang yan. The rest puro patatas at carrots na. Kailangan mo parin kasi ng maraming nutrients galing sa gulay."

"Yah it's okay! Ok na rin kahit wala ng manok basta maraming patatas eh!!" Halos magningning ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang pagkaing nasa harapan ko. Sa wakas! Tao na ulit ako at hindi kabayo!!

"Edi potato curry na yun, hindi na chiken curry hahahahhaha."

(-_-)

"Tumawa ka naman nagjojoke ako eh."

"Haha." sarkastiko kong tawa saka binanatan na ang biyayang nasa harap ko

"Walangyang to walang utang na loob." rinig kong reklamo niya.

Pinilit kong lunukin ang pagkain ko saka humarap sa kanya

"Thank you. Ang sarap ng luto mo." sincere yon promise. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya pero itinuon ko na muli ang atensyon ko sa pagkain.

















"Pwede ka naman palang ngumiti eh....mas bagay pa sayo."

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon