Chapter 20: Failed Monthsary

4 3 0
                                    

Neo's POV

"WELCOME TO ANTIPOLOOOOOOOO!!!!" masayang sigaw ni Ashari sa unahan namin habang nakabukas pa ang magkabilang braso.

"Ash, madaming tao." saway sa kanya ni Kuya

Hindi niya pinansin ito tumakbo papalapit samin saka hinatak si Luna. Nagkabitaw tuloy ang magkahawak naming kamay.

"Hoy! Ashari! Saan mo dadalhin ang girlfriend ko!" sigaw ko nang patakbo niyang hinila si Luna paakyat ng daan kung nasaan ang gate.

"Ang OA mo twin! Natural papasok sa loob alangan dito lang tayo tumunganga sa labas. Shunga neto. Magbo-boyfriend ka nalang Luna sa Shunga pa. Hayy." nagtanong lang naman ako andami na naman niyang sinabi (-.-)

Kahit kailan talaga panira ang kambal ko. Dapat sana ay kaming dalawa lang ni Luna ang magpupunta rito pero ano pa nga bang aasahan mo sa kambal kong pinaglihi sa chismosang kapitbahay (-.-)

Flashback

"Malapit na ang monthsary natin ah? San mo gustong magcelebrate?" tanong ko kay Luna. Gusto ko sana maging special ang unang buwan namin bilang magkasintahan

"Ikaw bahala, hindi naman ako gaanong maalam sa mga lugar lugar diyan eh. Saka bakit hindi nalang dito sa inyo? Movie bond tayo." sagot niya

Naisip ko na rin yan pero mas magandang makasama ko ang girlfriend ko sa ibang lugar lalo na at sa isang special day. Relationship goals nga sabi nila. Wala lang napapanood ko lang sa mga Vlog. (^_^)

"Pero mas maganda sana kung maka experience tayo na magcelebrate sa ibang lugar. Saka unang buwan natin 'to, gusto ko na maging memorable."

"Hayy, magtataka pa ba ako? Eh puro kakornihan nga pala yang dumadaloy sa dugo mo." napakagrabe naman niya (-.-)

"Saan mo nga gusto?" tanong ko.

"Ikaw na mag-isip wala naman akong alam na ibang lugar. Gusto mo sa ospital. Hahahah." sagot niya

(-.-)

Wala akong nagawa kundi ang magresearch ng magandang spot or romantic place para mapuntahan namin ni Luna. Kaso yung mga lumalabas, halos lahat malayo. Yung iba sa mga beach, Sulu, Bagiuo at ahmm sa Tagaytay. Pero syempre excempted na yung Tagaytay. Alam niyo naman kung anong alaala meron ako sa lugar na iyon.

"Antipolo Cloud 9. Ano sa tingin mo Yam? Sabi dito tinatawag din siyang 360 degrees. View perfect shot daw ang lugar na ito. Maganda mag sight-seeing. For me Romantic iyon." sabi ko. Tumango tango naman siya habang nakatingin sa pictures.

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon