Chapter 12: New Nurse?

13 11 0
                                    

Neo's POV

"Makakuwi ka na Neo! You're going home!" halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko

"Talaga ate?! Ayoss hahaha!" masaya naman siyang tumango sa akin. Pero napaisip ako bigla.

"Pero ate, diba sabi, apat na linggo bakit naging apat na araw nalang?" tanong ko

"Nakausap ko kasi yung doktor mo, sinabi niya na maganda daw ang nagiging resulta ng mga test sayo sa loob ng apat na araw na nagising ka kaya naisip kong isuggest na iuwi ka nalang para sa bahay ka nalang imonitor. Pumayag naman siya kasi maayos naman na raw ang lagay mo, pero gaya nga ng sabi ko, kailangan ka paring mamonitor kaya kailangan mo ng makakasamang nurse sa bahay." sagot niya. Si Luna agad ang naisip kong private nurse. Atleast magiging madali sa akin na maging mabait sa kanya gaya ng pangako ko sa sarili ko sa oras na magbati kami ni Ashari.

"Teka, asan na si Luna gusto kong sabihin sa kanya to!" masayang saad ko kay ate.

"Huh? naabutan ko siya kanina, pauwi na ata. Gabi na kaya. Saka hindi mo na kailangang sabihin sa kanya, hindi naman na siya yung magiging private nurse mo eh. Nakuwento sa akin ni kuya Geo kung gaano ka kainis dun sa Nurse mo saka nawitness ko rin nung asar-asarin mo siya kahapon kaya napagisip isip ko na hahanap nalang ako ng panibagong nurse na magbabantay sayo." tila may kung anong bagay ang kumirot sa dibdib ko nang marinig ko iyon. Gusto kong magalit kay ate sa hindi malamang dahilan.

"P-pero at---" pinutol niya ang dapat sana'y sasabihin ko nang alalayan niya akong mahiga na

"Alam mo ang mabuti pa, magpahinga ka na, bukas ng umaga susunduin ka namin ni kuya, bukas rin ng gabi uuwi sina Dad. Goodnight twin, kailangan ko na rin magpahinga eh." sabi niya saka humalik sa noo ko.

Paglabas niya ng kwarto ay saglit pa akong natulala at nanghinayang sa mga nasayang na oportunidad na maging kaibigan si Luna kung hindi ko lang pinairal ang kasungitan ko.

Tila nilamon ako ng liwanag at pagdilat ko ay natanaw ko na ang sikat ng araw. Umaga na pala. Susunduin ako ng mga kapatid ko para umuwi na. Naisip kong matagal ko ng hinintay ang sandaling ito na umalis sa lugar na ito dahil sa pagkairita ko kay Luna. Pero nakakatawang isipin na aalis ako rito na nalulungkot dahil hindi ko siya makakasama.

"We're here Neo Matt." bungad ni Ashari kasama si Kuya

"Nagdala ako ng pamalit mong damit. Magbihis ka na at nang makauwi na tayo. Nagluto si Yaya Lyn ng paborito mong Chicken Curry!" lumiwanag ng panandalian ang mukha ko dahil sa nabanggit na ulam ngunit mabilis rin itong napalitan ng lungkot nang maalala ko na nilutuan rin ako ni Luna ng ganon.

Kinuha ko ang damit at tumungo na sa banyo para maghilamos at makapagbihis na rin. Habang nasa loob ay pinlano ko pa na makiusap kay ate na si Luna nalang muli ang gawin niyang nurse ko pero para akong naduwag na leon nang makaharap ko na si Ate.

"Let's go?" yaya niya. Wala na akong ibang nasabi kundi ang tumango na lamang.

Habang palabas ng ospital ay tinangka pang hanapin ng mga mata ko si Luna pero hindi ko siya nakita.

NAPASILIP ako sa bintana ng kotse upang pagmasdan ang bahay na aming tinitirhan. Matagal tagal na rin. Namiss ko ito. Alam kong hindi ko gaanong naapreciate ang lugar na ito dahil sa rebelde nga ako noon pero ngayon na nangako na ako sa pamilya ko, gagawa kami ng bagong mga alaala sa bahay na ito.

"Neo ijo! Masaya ako at magaling ka na." bungad ni Yaya Lyn sa akin pagpasok namin ng bahay. Si yaya Lyn ang siyang tumayong ina sa akin noong ikinahihiya pa ako nina Mom at Dad. Hindi man siya kabrutal ni Ashari, ramdam ko naman ang pag aalala niya.

"Naku Yaya Lyn. Hindi pa po magaling ang kumag na yan. Mamaya lang po ay darating na yung Nurse niya para bantayan siya rito." sabat ni Ate. Kung maka kumag naman to wagas

(-.-)

"Ganoon ba? Eh mabuti naman at napayagan kang umuwi? Ay di bale, halika at ipinagluto kita ng paborito mong ulam." saad niya saka iginayak na ako sa kusina

"Yaya namiss ko yung luto mo ahh." sabi ko naman sa kanya.

"Aba dapat lang ano. O hayan kumain ka ng marami para mabilis ang paggaling mo." saad niya at siya na ang naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Salamat yaya Lyn." sagot ko. Sumunod naman sina Ate at Kuya

Napatingin naman ako sa pagkain ko. Si Luna nanaman ang naalala ko.(._.)

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang lumapit ang isa pa naming kasambahay.

"Ma'am andito na po yung Nurse ni Sir. Neo." sabi niya

"Really? Sige papuntahin mo siya rito at yayain mong kumain. Yaya Lyn paasikaso naman po yung kakainan niya." agas namang sumunod si yaya Lyn sa iniutos ni ate

Bakit ba ambait niya dun sa bagong nurse? Hindi naman si Luna yun. Buti sana kung si Luna yun. Sana kasi si Luna nalang eh.

Ramdam kong sumama ang mukha ko dahil sa mga iniisip ko. Maging masungit rin kaya ako gaya ng ginawa ko kay Luna? Malay mo hindi niya ako matagalan tapos si Luna nalang ulit yung kunin ni ate.

TAMA! Pahihirapan ko siya!

"Goodmorning Ma'am, Sir." awtomatiko akong napalingon sa pinanggagalingan ng boses na yon




"LUNA!!" sigaw ko. Napatingin naman silang lahat sa akin. Hindi ko maitago ang saya ko.....p-pero paanong......

"Ako lang ba to? O totoong masaya ka na si Luna ulit yung nurse mo?" binigyan ako ni ate ng makahulugang tingin. Napaayos naman ako ng upo.

"Well anyways, I know I surprised you Neo kasi sinabi ko na hindi na si Luna ang magiging Nurse mo but then I realize na mas mabuti kung si Luna ulit ang magiging nurse mo dahil sa naging magandang performance niya as your nurse. Napapasunod ka rin niya kaya naman I decided na siya na ang dalhin dito for your further monitoring." paliwanag ni ate.

Hindi ko lang pinahalata pero pakiramdam ko ay nagningning ang mga mata ko nang marinig yun kay ate.

"Luna, come here, eat with us. Mamaya ipapahanda ko na kay yaya yung kwarto mo." lumaki naman ang mga mata ko ng marinig iyon.

"Wait, What do you mean Ashari? Dito matutulog si Luna? Hanggang kailan?" tanong ni Kuya

"Hanggang sa matapos yung 1 month monitoring kay Neo kuya, I found out na sa apartment lang siya tumutuloy kaya naman naisipan ko na dito na muna siya para hindi na siya mahirapan, besides may contact naman siya sa hospital para marecord ang lagay ni Neo." sabi ni ate

Hindi lang ako makaimik pero sa loob loob ko ay gustong gusto kong pasalamatan si Ate dahil sa pagbalik niya kay Luna.

























Hayy ano bang nangyayari sa akin.

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon