Neo's POVILANG linggo pa ang nakaraan at isang buwan na nga ngayon simula nang umalis si Luna rito. Naging maayos naman ang kalagayan ng mga tao rito. Nagsimula kami ng bagong buhay ngayong magaling na ako. Si Mom and Dad nagdeclare na ng family day tuwing sabado at linggo. Hindi naman kasi nila maiiwanan basta basta ang trabaho nila kaya binawasan nalang nila ang mga araw na may trabaho sila para mabigyan kami ng oras.
Si kuya Geo naman eh busy sa pagiging accountant niya, talagang pinagbubutihan niya ang trabaho niya. Batid ko na pangarap niya talaga ang pagiging accountant kaya naman hindi na ako magugulat kung isang araw ay sa kanya ipamana ni daddy ang kumpanya. Magaling magpaikot ng pera si kuya at alam niya na ang pasikot sikot na galaw ng pera.
Si ate naman nadito parin sa Pilipinas. Hindi pa naman daw siya required na bumalik sa New York. Through email parin siya nagsesend ng mga gawa niya. Batas siya eh. Wala tayong magagawa.
(-.-)
At ako......gulong gulo parin. Ewan ko ba, simula nung hindi ko na nararamdaman ang presensya ni Luna, mas lalo siyang hinahanap ng katawan ko. Kahit ng tenga ko hinahanap hanap yung boses niyang masakit sa tenga. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Ito ang unang beses na mangyari sa akin ang ganitong pakiramdam. Hindi naman pupwedeng may gusto ako sa kanya, dahil alam ko ang feeling ng inlove.
At hindi ko nararamdaman kay Luna yun. Pero inaamin kong may pagkakapareho.
Yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko narin yun noon. Yung hindi ako mapakali at gustong gusto kong titigan yung mga mata niya. Naramdaman ko na noon at naranasan ko rin kay Luna ngayon.
Pero kung ikukumpara ko yung dahilan kung bakit nararanasan ko iyon, malabong magustuhan ko nga si Luna. Malayong malayo siya sa taong minsan ng nagparanas sa akin kung paano magmahal.
*Tok tok tok*
"Pasok!" sigaw ko. Narito kasi ako ngayon sa loob ng kwarto ko at nakatulala sa kisame habang inuunan ang dalawa kong braso.
"Twin! Mall tayo?" yaya ni ate pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Pilitin mo muna ko." biro ko sa kanya.
Napatayo ako ng mabilis nang hubarin niya yung sandals na suot niya.
"Oh bakit ka tumayo? Pipilitin pa nga kita diba?" wala talagang kwenta biruin tong babaeng to!
"Ate naman, hindi ka naman mabiro!" sigaw ko sa kanya saka pumunta na sa cabinet ko para kumuha ng pamalit na damit
PAGKARATING namin sa mall ay hinila agad ako ni ate sa botique. Sinama niya siguro ko para may taga bitbit siya
(-.-)
"Twin anong mas maganda? Itong white o itong black?" tanong niya habang ipinapakita sa akin ang dalawang dress na nagugustuhan niya
"Bakit black saka white pinagpipilian mo? Aattend ka ng lamay?"
"Oo tapos ikaw yung pinaglalamayan." prankang sagot niya
Kahit kelan talaga hindi ako mananalo sa babaeng to.(-.-)
Napahagikgik naman ang dalawang sales lady na nagaasikaso kay ate. Eh? Anong nakakatawa? Pagbuhulin ko kayo dyan eh.
PAGKAALIS namin sa botique ay dumeretso kami sa tindahan ng mga accesories. Pustahan mamaya sa mga sapatos naman punta nito.
(-_-)
"Twin tingnan mo yung necklace oh, bagay sakin." sabi niya sabay ipinakita ang kwintas at isinubok pang ikabit sa leeg niya.
"Ang ganda." sabi ko
BINABASA MO ANG
Nae Kkeoya [COMPLETED]
Romantizm"Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At ha...