Neo's POV"Ang gwapo mo naman, sayang lang at tulog ka...pero mas gwapo ka naman pag tulog."
"Maayos naman ang vitals mo, bakit hindi ka pa gumigising?"
>>>>>>>>>>
"Ang tagal mo naman gumising? Hindi ka ba napapagod matulog?"
>>>>>>>>>>
"Uyy 3 months na, hindi ka pa ba gigising? Grabe, kapatid mo pala si Ms. Ashari? Akala ko ka apelyido mo lang.... Sikat na Author yun sa hollywood...idol ko nga siya eh sana makita ko siya in person."
>>>>>>>>>>
"Uyy, Sir. Neo galing dito yung kapatid mo...grabe kambal pala kayo? sobrang ganda niya pala saka magkamukhang magkamukha kayo. Sayang sana gumising ka na habang hindi pa siya bumabalik sa New York."
>>>>>>>>>>
"Sir. Neo nakabalik na sa New York si Ms. Ashari sayang hindi mo siya naabutan.....alam mo ba at ginawa niya akong private nurse mo kasi nalaman niya na fan niya ako..pero okay lang naman hindi ka naman siguro mahirap alagaan pag gising ka na noh?"
>>>>>>>>>>
"Hey! 4 months na, kelan ka ba gigising? Alam mo curious na ako kung anong boses mo, kung paano ka ngumiti, saka kung paano ka tumawa.Curious din ako kung anong kulay mg mga mata mo. Kay Miss Ashari kasi kulay green. Miss na miss ka na rin ng family mo."
>>>>>>>>>>
"Sabi nila, para daw magising ang taong commatose, ipapaamoy daw sa kanya yung mga favorite food niya tapos ipaparinig yung favorite song niya. Kaya tinanong ko sa parents mo kung anong fave food mo tapos fave song mo. Sana naman gumana noh? Oh ito amuyin mo....hmmmm ambango ng chicken curry diba?......bayan wa epek naman eh! Oh ito pakinggan mo... Remix ng mga party song. Mahilig ka raw kasi magparty..........Wala talaga? Anu bayan!!"
>>>>>>>>>>>>
"Kinukulayan ang isipan pabalik sa nakaraan..Wag mo ng balikan patuloy ka lang masasaktan....Tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tinadhana...Sadyang mapaglaro itong mundo.....Hayy ang ganda ng kantang yon.."
>>>>>>>>>>>>
"Gising ka na....."
UNTI-unti kong iminulat ang mga mata ko na para bang sobrang nangawit dahil sa pagkakapikit. Inilibot ko ang paningin ko at gayon na lamang ang pagtataka ko nang mapansing hindi ito ang kwarto ko
Nasaan ba ako?
Hindi ko maigalaw ang katawan ko...patay na ba ako? Inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling may makasagot ng tanong ko kaso wala namang ibang tao
"Walang sofa sa langit.....baka nasa ospital ako." sabi ko nang mapansin ang sofa sa tabi ng pintuan
"Oh my God!! Gising ka na!!" dali dali akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na mas bata siguro sa akin ng ilang taon pero parang magkaedad lang kami kung titingnan... At mukhang isa siya sa mga nurse dito..Nasa ospital nga ako
"Yah...you're too loud!" reklamo ko pero hindi parin siya tumigil at mas lumapit pa sa akin. Pinindot pindot niya ang ilong ko kaya naman hinampas ko ang kamay niya ng mahina para itigil ang ginagawa niya
"Ano ba?! What do you think you're doing?!" asar na tanong ko
Lumaki ang mata niya saka parang tangang tumalon talon at sumigaw sigaw
BINABASA MO ANG
Nae Kkeoya [COMPLETED]
Romansa"Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At ha...