Epilogue

15 5 1
                                    

Neo's POV

2 years later

"Hello?" sagot ko sa tawag na natanggap ko

"Hello brad! Wag kang mawawala mamaya ah! Tandaan mo huling gimik na natin to bago magtraining sa camp!" napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya

"Oo wag ka mag-alala! May pupuntahan lang ako pero susunod ako." sagot ko sa kanya

"Sigurado ka ah. Aasahan ka namin mamaya." paninigurado nito.

"Oo nga HAHA. Sige na ibababa ko na ito. Aalis na rin kasi ako."

"Sige mag-ingat ka."

"Salamat." ibinaba ko na ang cellphone saka ito ibinulsa. Sa lumipas na dalawang taon ay ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Tama nga ang sinabi ni Leon, huling gimik na namin ito bago kami gumraduate at makapagumpisa sa pagtetraining bilang isang pulis.

Pero bago iyon ay may gusto muna akong puntahan. Matagal na noong huli kaming nagkita. Miss na miss ko na siya.


Adrastea Fillone
Born: May 28, 1999
Died: August 04, 2017

Inilapag ako ang isang bungkos ng bulaklak saka sinindihan ang tatlong pink na kandila. Napangiti ako habang ginagawa iyon. Sa pagkakaalala ko, ginawa ko rin ito sa panaginip na iyon. Kasama si Luna.

"Hi hon. Nakikita mo ba ako?" tanong ko sa kanya na animo'y may sasagot sa akin.

"I'm sorry. Sorry kung ngayon lang ako nakapunta ulit. Naging busy kasi ako eh. Alam mo ba hon na na-commatose ako? At habang tulog ako, may napanaginipan ako. Sa panaginip nga na iyon ay dinalaw pa kita eh. Dinalaw kita kasama ang babaeng minahal ko sa panaginip na iyon." kwento ko

"H-hon? B-bakit ganun?" unti-unti ay bumagsak na naman ang mga luhang minsa'y naging karamay ko na sa aking kalungkutan

"A-ang sabi nila, pag na-comma daw ang isang tao, may possibility na makita nila yung mga namatay na nilang mahal sa buhay. P-pero bakit ako....bakit hindi kita nakita? Bakit kung sino pa yung hindi ko kilala...siya pa yung nakita ko? Siya pa yung napanaginipan ko?" sunod-sunod na tanong ko kahit alam kong wala namang sasagot sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha ko saka nakangiting tumingin muli sa lapida niya. Hinaplos ko ito.

"Miss na miss na kita." nakangiting ani ko

Tumingin ako sa kalangitan. Maaliwalas ang panahon. Hindi nakakasilaw ang liwanag.

"Nakatingin ka kaya sa akin ngayon Hon?" mahina akong napatawa nang sabihin ko iyon.

"Sa tingin mo hon? Totoo kaya si Luna? Nakikita mo kaya siya mula diyan sa langit?" muli akong napatawa dahil sa mga pinagtatanong ko sa kanya. Minabuti ko nalang na tumayo at magpaalam sa kanya

"Bye hon. Don't worry, bibisitahin kita ulit rito. I love you." sabi ko habang nakatingin sa lapida niya

Tahimik lang akong nagmaneho. Masyado pang maaga para sa usapan namin nina Leon. Pero saan naman kaya ako pupunta?

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay dinala ako sa isang pamilyar na direksyon.

Bumaba ako sa kotse ko at pinagmasdan ang paligid.

Ito yung park malapit sa ospital kung saan ko unang nakilala si Luna sa panaginip ko. Minsan ko nang naisio na baka narito si Luna. Kaya minabuti kong pumunta rito paminsan-minsan. Noon nga ay halos araw-araw akong nandito. Pero dahil sa pag-aaral ko ay hindi na ako madalas na nakakapunta rito. Maging sa ospital na iyon ay ipinagtanong ko na si Luna pero wala talaga silang kilala. Hanggang sa napagdesisyunan kong tumigil na.

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon