Neo's POV
"K-kuya?...." hindi makapaniwalang usal ko
"Bro! I'm glad you're finally here." sabi niya suot ang nakakalokong ngisi
"B-bakit mo g-ginagawa to? Ak-akala *cough* k-ko---"
"Akala mo naghihingalo na ko noh? Hahaha." sarkastikong tawa niya
Lumapit siya sa akin saka lumuhod sa harap ko para magkapantay kami
"Ang galing ko umacting noh? Napaniwala kita." sabi niya saka tumawa na naman ng pormal
"Ba-bakit mo to g-ginagawa?" nanghihinang tanong ko
Tumigil siya sa pagtawa. Tumayo siya saka tumalikod na.
"Isunod niyo siya sa akin." utos niya saka nagsimula nang maglakad
Kinaladkad ako ng mga tao niya kaya wala na akong magawa. Nanghihina na ako. Halos hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko.
Huminto kami at sapilitan akong pinaluhod. Hawak parin ako ng dalawang lalaki.
"Mahal, gising na." rinig kong sabi ni kuya. O dapat ko pa ba siyang tawaging kuya?
Tiningnan ko kung sino ng tinawag niyang mahal. Pero halos manghina ang tuhod ko at parang hindi na nito kayang suportahan ang pagkakaluhod ko nang makita kung sino ang tinawag niyang mahal
"L-luna?.....LUNA!!" buong pwersang sigaw ko
Nakatali siya sa isang upuan at hindi tulad ng huli kaming nagkita ay dalawa na ang pasa niya sa mukha. Tumulo ang mga luha ko nang makita ang kalagayan niya. Ibig sabihin.....s-si kuya ang nananakit sa kanya?
Hinaplos niya ang mukha ni Luna at unti-unti naman itong gumising.
"May bisita tayo." agad nilibot ni Luna ang tingin niya at huminto sa gawi ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya at unti-unti ring tumulo ang kanyang mga luha.
"Neo...." mahinang usal niya
"Luna...anong nangyari...?" tanong ko
"Shut Up bro! Kinakausap ko pa ang mahal ko eh." sabi ni kuya saka hinaplos muli ang pisngi ni Luna. Agad namang umiwas si Luna sa mga palad nito.
"Mahal?" hindi makapaniwalang tanong ko
Binigyan naman ako ni kuya ng makahulugang ngiti saka muling hinaplos ang mukha ni Luna na agad din naman niyang iniwasan.
"Oo. Mahal." pormal muli siyang tumawa at pumunta sa lamesa na malapit sa kinatatayuan niya saka kinuha ang isang......baril?!
"K-kuya..." usal ko
"Bakit Neo? Hindi ka ba makapaniwalang meron ako nito?" saad niya habang hinihimas-himas ang baril
"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?!" sigaw ko
"Hindi pa ba halata? Gusto ko si Luna." pagkasabi niya non ay hinaplos niya sa mukha ni Luna ang baril. Tuloy na tuloy ang pagbuhos ang mga luha ko dahil sa nakikita kong kalagayan ngayon ni Luna.
"Gusto ko siya, at gusto ko siyang mapasakin. Pero mangyayari lang yon, pag nawala ka na." dagdag niya saka itinutok sa direksyon ko ang baril.
"K-kuya.." nanghihinang usal ko
"Wag mo kong tatawaging kuya! Dahil hindi kita kapatid!" nanghihina man ay hindi ko naitago ang pagkagulat ko
"Oh? Nagulat ka? Tama ang narinig mo Neo, hindi mo ko kapatid!" nagsimula na ring tumulo ang mga luha niya
"Inampon ako nina Mom at Dad noong akala nila ay hindi na sila magkakaanak pero ipinagbuntis kayo ni mom. Noong una masaya ako kasi may magiging kapatid akong kambal. Pero unti-unting nawala iyon nang lumaki kayo. Buong buhay ko ginawa ko kayong kakumpitensya! Kasi kahit wala kayong ginagawa, kayo lang yung pinapansin nila! Alam mo ba na sobrang saya ko nang nagloko ka? Kasi sa wakas makikita rin nila yung halaga ko. Siguro sobrang saya mo ngayon noh? Nalaman mong ampon lang pala yung laging kinukumpara sayo?! Tama ako hindi ba?!" patakbo niya akong sinugod saka sinuntok ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
Nae Kkeoya [COMPLETED]
Romansa"Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At ha...