Chapter 03: In Comma

16 16 0
                                    

Ashari's POV

A guy who fall in love with a not so pretty girl? Masyado namang common.

How about a rich guy who fall in love to a middle age girl? Ang OA naman masyado saka baka mahirapan ako maglagay ng flow.

Nakapalumbaba ako sa harap ng monitor ko dahil wala na talaga akong maisip na story. Masyadong ino- occupy ng kambal ko ang isip ko.

Hayy nakong bata yun napaka tigas ng ulo. Nalolosyang ako ng maaga dahil sa kanya.

Napasapo ko ang buong mukha dahil parang andami dami kong pinoproblema kahit si Neo lang naman ang problema ko.

Matagal ko pang tinitigan ang monitor ko. Umaasang magsusulat siya ng sarili niyang script

(-_-)

Gawaan ko nalang kaya ng love story ang kambal ko baka sakaling bumenta

(-_-)

*phone rings*

Tiningnan ko ang cellphone ko habang tumutunog ito

Napatingin ako sa screen dahil may tumatawag. Gayon nalang ang pagtataka ko nang makitang si Neo ang tumatawag. Himala at tumawag ang loko.

"Baka magpapasundo, hindi kinaya ang kalasingan." sambit ko pa sa sarili bago sagutin ang tawag

"Hello. Neo Matt ano lasing ka na hindi na kaya umuwe??" bungad ko agad

"Hello Ma'am? Kayo po ba si Ashari? Kayo po kasi ang pinaka una sa call history ng phone ng pasyente eh." sagot ng tao sa kabilang linya

"Pasyente? Bakit pasyente? Nasaan ang kapatid ko?" naguguluhang tanong ko

"Naaksidente po ang may ari ng phone na ito. Dito po siya dinala sa ******* Hospital." dahil sa sinabi niyang iyon ay naguunahan ang kabang namayani sa dibdib ko

Binaba ko na ang tawag saka nagtext kay mommy dahil sa nangyari kay Neo

Dali dali akong nag drive patungo sa ospital na binanggit ng kausap ko kanina

Hayy nako Neo Matt ano na namang pinaggagawa mo sa buhay mo?!

"Excuse me. Asan ang room ni Neo Matt Casabuena?" bungad ko sa isang nurse na nasa lobby

"Ahmm Ma'am nasa I.C.U po siya...eto nga po pala yung mga gamit niya." sabi niya saka iniabot sa akin ang isang transparent bag kung saan naroon ang cellphone at wallet ni Neo.

"Teka bakit nasa I.C.U siya? Gaano ba kalala ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ko

"Malakas po kasi ang impact ng pagkakabangga sa kanya ng truck saka may malalim rin po syang sugat sa kaliwang tagiliran niya. Bago pa man po siya madala rito sa Ospital eh marami rami na hong dugo ang nawala sa kanya dulot ng saksak niya at dahil na rin po sa sugat na natamo niya sa pagkakabangga sa kanya." mahabang paliwanag nito

"Oh God." nasambit ko nalang

Hinayaan kong iassist ako ng nurse papunta sa I.C.U

Pagkarating rito ay sinabihan niya ako na hintayin nalang muna dito sa labas ang doktor na tumitingin sa kambal ko

Maya-maya lang ay dumating rin ang mommy at daddy kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa mga tanong nila

"Ashari anak ano bang nangyari sa kapatid mo?!" bungad ni Mommy pagkalapit nila sa akin

"Neo has been hitted by a truck." sagot ko at nagsimula nang mag unahan ang mga luha ko sa pagtulo.

"Oh my God! Yan na nga bang sinasabi ko eh! Masyadong nagpapakasaya yang batang yan kaya ayan! Ayan ang nangyari! Napahamak na siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko dyan sa anak mo Matteo!" galit na galit na asik ni mommy

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon