Chapter 13: Talent

12 10 0
                                    


Neo's POV

ISANG linggo na rin matapos kong matuklasan na si Luna parin pala ang magiging nurse ko. Sa isang linggo na yun ay masasabi kong naging mabait naman ako kay Luna. Lahat ng inihahabilin niya ay sinusunod ko. Randam ko na naiilang siya dahil hindi siya sanay sa ikinikilos ko pero sinusubukan parin naman niya na maging normal sa pakikitungo sa akin.

Atleast natutupad ko yung pangako ko sa sarili ko na magiging mabait na ko sa kanya

"Huy!! Ano ba? Kanina pa kita kinakausap nakatulala ka lang dyan." napakurap ako nang itulak ako ng mahina ni Luna. Kanina pa pala siya dyan. Hindi ko manlang napansin.

"Ay sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagmumuni-muni lang ako rito, hindi ko naman inaasahang pupunta siya rito. Katatapos lang naman namin mag tanghalian, nainom ko naman na yung vitamins ko kaya hindi ko inakalang sasadyain niya ko rito.

"Sabi ko kung may kailangan ka ba." sagot niya

"Wala naman." sagot ko habang nakatingin sa kanya. Ewan ko ba ah, pero nitong mga nagdaang araw na malapit siya sa akin, hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Parang ang payapa kasi.

"Huy! Ano na? Nasasanay ka na sa kakatulala ah. Ano ba iniisip mo?" puna niya sa akin. Oo nga ba't ba natutulala nalang ako bigla bigla? Hayyss

"Wala! Bored lang." sagot ko nalang

"Bored ka? Sige magkuwentuhan nalang tayo." sabi niya saka umupo sa kama katabi ko.

"Feeling close ka? Ano namang pagkukuwentuhan natin? Hindi ako mahilig magkwento. Bahala ka jan." sagot ko sa kanya. Totoo naman eh. Nakakatamad magsalita

(-.-)

"Eh? Eto naman! Sige na." pangungulit niya pa.

"Ayoko. Wag ka makulet."

"Eh sige! Magtatanong nalang ako." napatingin naman ako sa kanya. At binigyan siya ng nagtatakang tingin

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin? Ikaw lang may karapatang mabored?" pabalang niyang sabi

Napairap nalang ako ng mata dahil sa sinabi niya.

"Oh sige eto first question! What's you're favorite color?"

"Ano to slambook?"

"Eeh! Sagutin mo nalang."

"Black and Blue."

"Who's you're ideal girl?"

"IU."

"Eh? Kilala mo si IU? Anyways, eto what do you prefer, hollywood or Kpop?"

"Kpop."

"Really? Paano?"

"Because of Ashari and another person."

"Sino naman yung another person na yun?" napaisip naman ako sa itinanong niya. Sasagutin ko ba o hindi?

"None of your business."

"Sungit na naman." reklamo niya

"Ano na? May itatanong ka pa?"

"Wala na kong maisip eh." tumayo siya matapos sabihin yun. Sinundan ko naman siya ng tingin. Parang pinag-aaralan niyang mabuti ang kwarto ko

"Ang blangko ng kwarto mo. Wala ka bang ibang hobbies?Sabi mo diba mahilig ka sa robots? Asan na?" humarap siya sa akin saka tinanong yun

"Bukod sa mga nasira ni Ashari, Ipinamigay ko na sa mga apo ni Yaya Lyn. Wala na rin akong ibang kinahihiligan kundi ang magparty. Yun nalang ang hobby ko." sagot ko

Tumango tango siya matapos kong isagot yun

"What's your talent?"

"Talent? Wala ata ako nun." sagot ko saka mahinang tumawa

"Eh? Walang taong walang talent. Dali na isipin mo mabuti!" pangungulit niya pa

Nagkunwari akong nagiisip

"Makipagbugbugan?" sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa sinabi kong yun

"Bakit? Hindi naman ako magaling  kumanta, hindi naman ako sumasayaw, hindi rin ako gaya ni Ashari na magaling bumuo ng istorya, at mas lalong hindi ko mapapantayan si kuya sa accounting at si dad sa negosyo. Kaya anong isasagot ko eh wala naman akong kayang gawin." mahabang sagot ko

"You know what? Talent is not the BEST thing you can do, it is about what CAN you do. Kaya imposibleng wala kang kayang gawin! Hindi naman porque mas magaling sila sayo, eh hindi mo na magagawa yung kaya nilang gawin. Nagkataon lang na mas kaya nila yun, lalo na kung iniisip mo sa sarili mo na ikaw mismo hindi mo kaya." paliwanag niya

Talent is not the best thing you can do, it is about what can you can do. Tama siya, pero anong magagawa ko, eh wala akong maisip na talent ko eh.

(-_-)

"I still don't know what will I answer to you. Ikaw ba? What's your talent?" balik ko ng tanong sa kanya

"Well, I do not have beautiful voice, but I can sing. I'm not into dancing, but I know how to dance. I may not have a hand like a painter but I know how to use pencils and crayons. Base on my answers, I can say that I have my talent, hindi man ako sing galing ng iba, atleast I know what are the things I can do. Kaya ikaw, may talent ka, siguro hindi mo lang maappreciate yung mga bagay na kaya mong gawin, kasi nako-concious ka sa kayang gawin ng ibang tao, iniisip mo na mas magaling sila kaya mas pinipili mo nalang balewalain yung kakayahan mo kaya nasasabi mong wala kang talent." mahabang salaysay niya. Hindi nalang ako umimik at tumingin nalang sa malayo.

"Saka mo na sabihin na wala kang talent kapag hindi ka na nakakapagsalita kaya hindi ka na makakakanta, kapag wala na yang dalawang paa mo para makasayaw ka, at kapag wala ka ng mga kamay para humawak pa ng lapis at krayola!" dagdag niya pa

"Ang brutal mo naman."

"Kailangan kong sabihin yun sayo, kasi pati sarili mo pinagdududahan mo. Alam mo, hindi mo naman kailangan ikumpara yung sarili mo sa kakayahan ng ibang tao, kasi may sarili kang kakayahan. At kapag nagtiwala ka sa sarili mo, kahit gaano pa sila kagaling, magagawa mo silang pantayan." napako lang ang paningin ko sa kanya dahil sa mga sinabi niyang iyon.

"Oh? Ba't ganyan ka na makatingin? Tama ako noh?" tanong niya

"Yeah, I think so. Thank you for telling that. I hope makita ko nga kung ano yung mga kaya kong gawin." I said sincerely while looking in her eyes

"Makikita mo rin yun. Ibukas mo lang ang mga mata mo." sagot niya

I smiled at her and she also do the same thing. Hindi ko alam pero unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya.

MATAPOS nga ang tagpong iyon ay mas lalo pang naging makabuluhan ang pag stay ni Luna sa bahay. Marami akong natuklasan tungkol sa kanya at marami rin siyang nalaman tungkol sa akin. At sa isang buwan na nagkasama kami ay hindi ko maitatangging napapalapit na nga ako ng husto sa kanya.

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon