Chapter 16: Moves

7 5 0
                                    

Neo's POV

"Ate anong ginagawa natin dito?" matapos ang paguusap namin kahapon na sinasabi niyang tutulungan niya ako ay wala naman ng sinabi si ate sa kung anong tulong ang ibibigay niya.

Nagulat nalang ako nang magsabi siya kanina na magbihis ako at may pupuntahan kami at ngayon nga ay nandito kami sa tapat ng ospital na pinagtatrabahuhan ni Luna

"Sabi ko sayo tutulungan kita diba? Eto na yun." sagot niya

"At ano namang gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya

"Just trust me. Watch and learn." pagkasabi niya non ay pumasok na siya sa loob

"May I call on Nurse Arcillia?" pakiusap niya sa lobby

Napaayos ako ng tayo nang makita kung sino ang papalapit sa amin.

"Luna." banggit ko sa pangalan nito.

"Oh andito ka na pala, pinapatawag palang kita eh." bungad sa kanya ni ate saka nakipagbeso rito

"Ano palang ginagawa niyo rito?" tanong ni Luna na bakas talaga sa mukha ang pagtataka.

Kinabahan naman ako bigla nang dumako ang paningin niya sa akin. Bigla ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"Ahm yayayain ka sana naming kumain sa labas kung libre ka. Alam mo na, hindi ka rin naman iba sa amin. You know, friends." sagot ni ate saka ako tiningnan nang may pambubuyong tingin

"A-aah eh Oo nga. K-kung o-okay lang *ehem* kung ok lang naman." sabi ko sabay pilit na ngumiti

My God Neo Matt! You're too obvious!

"Hmmm. Libre ako at this moment. Actually papunta na nga sana akong cafe eh." sagot niya









"Talaga? Hahahaha! Grabe! Alam mo babasahin ko na talaga yan! Nakakaexcite!"

(-_-)

Anyare na? Akala ko ba tutulungan niya ko kay Luna? Ba't parang sila nalang yung tao rito?

Bored akong tumingin sa dalawa kong kasama na nagtatawanan dahil sa pinagkukuwentuhan nila tungkol sa wattpad.

"Oo tapos sinabihan niya pa na Abu sayaf raw yung lalaki kasi nga balot na balot!" kwento ni Luna.

"Hahaha suman saka abu sayaf? Hahahaha ibang klase. Double kill si kuya mong boy." natatawang ani ni ate

(-_-)

Believe me, I'm invisible.

(-.-)

"Ahm wait. Mag C-cr muna ako Ash. Lumabas ata ihi ko kakatawa." pagpapaalam ni Luna.

(-_-)

Napatingin ako kay ate. Halos maluha luha siya kakatawa. Ako halos maluha luha na sa yamot. Akala ko ba tutulungan niya ko dumiskarte? Ba't parang siya na yung manliligaw ngayon?

"Ano na Twin? Ang torpe mo naman! Hindi ka makadiskarte man lang kay Luna. Hindi ka pa umiimik dyan para ka tuloy hangin."

(O_O)

Literal na nanglaki ang mga mata ko sa narinig kong iyon

Ako? Torpe? Hindi umiimik?

PANO KO MAKAKAPAGSALITA EH NAUUNA NA SIYA?!

"Eh ate paa-"

"Hep hep! I know, alam ko na nagpapasalamat ka dahil nakakasama mo ngayon si Luna and it's all because of my help pero Neo naman. Galaw galaw baka mastroke. Hindi ka manlang makapagbitiw ng banat. Weak!"

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon