Chapter 10: Twin's Quarrel

15 12 0
                                    

Neo's POV

"Ano? Nagustuhan mo ba yung gift ko sayo?" tanong ni ate kay Luna

Silang dalawa ngayon ang magkaharap at nagkukuwentuhan. Hindi na ako pinansin pa ni ate ilang oras na makalipas yung sinabi ko sa kanya na walking bunganga silang dalawa ni Luna. Si Luna naman batid kong nahahalata na yung iritasyon ni ate.

"Ahmm opo Ms. Ashari. Salamat po at naalala niyo pa po akong bigyan nito." sagot sa kanya ni Luna. tinutukoy niya yung dalawang libro na bigay sa kanya ni Ate.

"It's okay. Saka sabi ko naman sayo, Ash nalang ang itawag mo sa akin. And besides thankful rin ako kasi BUTI KA PA PINAGPAPASALAMAT MO YUNG MGA BINIBIGAY KO SAYO." mahinahon pero alam kong nagpaparinig si ate nang iemphasize niya yung mga huli niyang sinabi.

*Ehem Ehem*

Tumikhim ako upang magpapansin. Siniringan lang naman ako ni Ate.

"Ate----" hindi ko na natapos yung pagtawag ko sa kanya dahil muli na naman siyang nagsalita

"This one entitled Mortal Queen, ang genre niya ay Fantasy tapos itong isa naman Romance, More Likely Yours. Sana magustuhan mo yung story. Tagalog yan kasi yan yung mga nauna kong ipapublish dito bago ako nagtrabaho sa New York." kuwento niya kay Luna patungkol sa hawak nitong mga libro.

Napatingin naman si Luna sa gawi ko at halata sa kanya ang pagka ilang sa sitwasyon naming magkapatid.

Ang babaw naman ng dahilan nito kung magtampo. Pang asar ko lang naman sa kanya yung Walking bunganga ah. Nakakagalit na ba yun? Saka si Luna naman yung original eh.

(._.)

"Ah wow hehe ang galing naman. Excited na kong mabasa." naiilang na sagot ni Luna

"Buti ka pa noh? Naappreciate mo ko?" muli na namang pagpaparinig ni ate.

"Ate." pagtawag ko sa kanya pero tiningnan niya lang ako. Maging si Luna ay tiningnan rin ako. Halata sa kanya na hindi niya alam ang gagawin niya sa kambal ko. Naiipit siya sa amin ni Ashari!

"Damn! Ate ano bang problema mo?! Kung naiinis ka dahil sa sinabi ko sayo na walking bunganga, ok fine! I'm sorry. I just find it....funny."

Pinasadahan niya muna ako ng tingin

"The hell I care. Damn that stupid humor of yours." God! Inuubos niya ang pasensya ko.

Muli niyang hinarap si Luna kaya naman napuno na talaga ako

"My God Ashari! If you're here para makipagkuwentuhan kay Luna pwede umalis nalang kayo pareho! I am the patient but your right there doing chitchatts with my NURSE! You can leave as of now. Tutal sayo na nanggaling na hindi kita maappreciate at hindi ko ipinagpapasalamat ang mga ginawa mo, then go! Bring Luna and let her be your sister! At ikaw naman Luna! It's already 4 pm would you mind if I take my snack?" iritado kong saad sa kanilang dalawa

Napatayo naman si Luna at tila nataranta dahil hindi na nga niya namalayan ang oras.

"I'm sorry Sir. Neo gagawa na po ko ng meryenda mo." sabi niya na akmang lalabas na ngunit pinigilan siya ni Ashari

"Wait, I'll go with you." tuluyan na nga silang lumabas ng kwarto at naiwan akong magisa. Hindi ko nalang ininda ang inis nararamdaman at mas pinili nalang na magpahinga


LUMIPAS ang halos kalahating oras ay muling bumalik si Luna. Iniabot niya sa akin ang maliit na plato na naglalaman ng dalawang sandwich. Ipinatong niya naman sa malapit na drawer ang gatas.

Nanatili kaming tahimik habang kumakain ako. Wala akong balak magsalita kaya bahala siya kung siya ang unang babasag ng katahimikan.

"Hindi siya galit. Mas galit pa ako sayo dahil sa ibinigay mong pangalan sakin. Ang panget. Hindi mo manlang pinaganda. Walking bunganga talaga?" nilingon ko siya matapos niyang sabihin iyon

Hindi ko inaasahan ang pag ngiti niya kaya napangiti rin ako.

"Sorry na. Ayun yung naisip ko eh. Ano ba dapat?" biro ko

"Sana manlang kahit Talkative Nurse nalang o kaya Queen of Mega phone. Oh kung may galit ka talaga, matatanggap ko pa yung Walking Speaker kaso walking bunganga talaga eh. Ang baho." mahina siyang natawa dahil sa sinabi niya. Sumabay rin ako sa pagtawa pero napatigil rin ako nang maalala ko si Ashari.

"A-anong sabi niya sayo? Sabi mo kanina hindi siya galit?" tanong ko

"Ah oo, hindi naman siya galit. Inaasar ka lang niya kanina nung hindi ka niya pinapansin. Naging totoo lang nung masigawan mo kami kanina." napaisip naman ako dahil sa sinabi niya

"So galit na talaga siya?"

"Sa ngayon pwedeng oo. Alam mo kasi nakuwento niya sa akin noon kung gaano kayo ka close. Alam mo ba habang tulog ka pa noon nung umuwi siya, araw araw siyang nandito. Walang oras na iniwanan ka niya. Doon niya nakuwento sa akin kung gaano ka kapasaway saka kung ano yung totoong dahilan kung bakit ka naospital. Alam mo bang proud na proud sayo ang ate mo. Kitang kita ko yun habang nagkukuwento siya. Minsan nga raw nalulungkot siya kasi pakiramdam niya wala siyang kuwentang kapatid kasi hindi ka niya matulungan sa mga pinagdadaanan mo. Na wala siyang magawa sa tuwing uuwi ka na parang awang awa sa sarili mo. Hindi lang niya nakuwento sa akin kung bakit ka nagkaganoon pero ang tanging alam ko lang ay mahal na mahal ka ng ate mo. Kaya sana magkaayos kayo. Aba! Pinangarap ko kaya magkaroon ng ate na gaya niya. Ako kasi ang ate kaya gusto ko rin maranasan na magkaroon ng nakatatandang kapatid." mahabang kuwento niya.

"Sa tingin mo anong pwede kong gawin para makabawi kay ate." tanong ko sa kanya

"Sa bawat pagkukuwento ng ate mo sa akin noon. Lagi niyang sinasabi na sana magbago ka na. Kasi yun lang daw ang alam niyang paraan para mapabuti ka. Siguro kung tutuparin mo yun mas magiging masaya siya." Noon ko lang naalala ang mga sinasabi niya sa akin noong hindi pa ako naaaksidente. Mapapansin na noon palang ay nais na talaga ni ate na bumalik ako sa dati. Siguro nga panahon na para pakinggan ko siya. Pangalawang buhay ko na rin ito kung tutuusin.

Huminga ako ng malalim saka sumulyap kay Luna.

"Mukhang kailangan ko ngang gawin yun. Para kay ate!" nginitian niya naman ako saka inabot sa akin ang gatas

"Mabuti yan. Pero pwedeng malaman kung bakit mo kailangang magbago? Ano ka ba dati?" tanong niya

"Bakit ko naman sasabihin?" pangaasar ko sa kanya

"Luh?! Hoy may kasalanan ka pa kaya saken! Sa dinami-daming nickname yung mabaho pa talaga anak ka ng bunganga oh!" natawa naman kami pareho dahil sa sinabi niya

"Hahahaha Walking bunganga! Bagay naman sayo ah!" sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Magkukuwento ka o kukuwentuhan mo ko?" pabirong banta niya

"Kuwento mo sa pagong hahahahah." napairap nalang siya dahil sa sagot ko

"Saka na siguro pag bati na kami ni Ashari saka pag hindi ka na nanaket." pabiro kong sagot






"Baliw."

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon