Chapter 17: Confession

5 3 0
                                    

Neo's POV

"Hayy nakakapagod." wika ni ate saka sumalampak sa sofa

Bakas nga ang pagod sa mukha niya

Pero mas gusto kong bigwasan siya. Isa na namang pagkakataon ang nasayang na sana naka amin na ako kay Luna pero dahil sa magaling kong kambal ay hindi nangyari yon. Sana hindi nalang siya tumulong.

(-.-)

"I'm thinking twin. What if yayain ulit natin si Luna bukas? Kaso baka may pasok siya. Ano sa tingin mo twin? San natin pwedeng isama si Luna?"

"Sa Subic." sagot ko

"Masyadong malayo."

"Ikaw na mag isip ikaw naman masusunod."

"Ikaw na! Ikaw tong pumoporma kay Luna eh. Hindi nga lang halata Hahahaha."

(-_-)

"Sa Rest House natin sa Batanggas."

"Wag dun masyadong historical yung hitsura ng bahay don." akala ko ba ako na masusunod?

(-.-)

"Ikaw na bahala bwiset."

"Galit ka?"

"Hindi nagsasabi lang."

"Galit ka ata eh."

(-.-)

"Bahala ka dyan." sabi ko saka umakyat na sa kwarto.

"HOYYY UTANG NA LOOB MO SAKIN KUNG BAKIT KAYO NAGKAKASAMA NG LUNA MO HOYYYYY!!"

Megaphone amp!

Pake ko kung siya ang dahilan ng pagkakasama namin ni Luna. Eh dahil naman sa kanya parang hindi rin ako nakikita si Luna.

(-_-)

It's already 7:15 pm

At wala akong ginawa kundi ang mag-isip nang mag-isip

Paano kaya kung dumiskarte ako palihim kay Luna?

Yung style ng mga secret admirers?

Kaso magmumukha naman akong stalker non

(-.-)

Baka matakot pa sa akin si Luna

Ano kaya kung wag na ko makinig sa mga sinasabi ni ate

Palpak lagi eh (-_-)

*Tok tok tok*

Katok yan wag kayong ano(-.-)

"Pa--"

"Twin nagyayaya si Luna sa bahay nila. Movie Marathon daw. Iniisip ko nga eh kung nagtatrabaho pa kaya tong babaeng to? Lagi nalang libre pag niyayaya! Ngayon naman siya pa tong nagyayaya. Ano twin, sama ka?" hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil derederetso na siyang pumasok at nagsalita sa harap ko

"Ayoko sumama hindi rin naman ako mapapansin ni Luna don."

"Pano ka mapapansin eh halos hindi ka naman nagsasalita. Mas marami pa yung kwento namin ni Luna kesa sa sinalita mo eh."

Eh pano ako makakapagsalita eh kasama ka

(-.-)

"Basta ayaw kong sumama."

"Ang arte mo. Bahala ka nga." sabi niya saka nag walk out. Inamba kong batuhin siya ng unan pero lumingon siya kaya yung unan niyakap ko nalang (-_-)

K I N A B U K A S A N......

Nakahiga lang ako sa kama ko at nakatunganga.

Dapat pala sumama nalang ako kina ate. Mukhang kanina pa siya nakaalis

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon