Chapter 06: Walking Bunganga

14 12 0
                                    

Neo's POV

"Nurse Luna. Eto na po yung pagkain ni Sir. Neo." sabi ng isa pang nurse saka kinuha ni Luna ang dala nitong tray.

Lumapit siya sa akin saka inilapag ang tray sa maliit na lamesa saka ipinatong sa kama ko.

"Ayan kumain ka na. Enjoy your meal." pangaasar niya pa.

"Ano to? Ba't puro dahon?" reklamo ko nang makita ang inihain niyang pagkain

"Anong dahon? Hindi ka ba naturuan sa Nursery? Kamatis yan saka Broccoli."

"I know! What I mean is bakit ito ang ipapakain mo sa akin? Wala bang steak o kaya beef o hotdog manlang?"

"Hindi mo ba narinig, O sadyang hindi ka lang nakinig sa mga sinabi ko kanina? Diba dapat kumain ka ng masusustansya dahil napakaraming unhealthy bacterias ang naninirahan dyan sa katawan mo kaya kailangan mo ng maraming vitamins. Ayan! Rich in Vitamins and Protein yan. Puro ka steak, Beef, Hotdog! Supalpalin kita dyan eh." imagine ang konti lang nung sinabi ko pero kulang nalang magpamisa siya (-.-)

"Anong appetizer ko?"

"Asin you want? Pampagana rin yun." pilosopong sagot niya

Napasapo nalang ako ng noo ko dahil sa kawalang kwentang kausap ng babaeng to

"Tss...edi pano ko kakainin yan ngayon?"

"Edi isubo mo! Jusko naman kailangan pa bang imemorize yan?"

Napatuhog nalang ako ng malakas sa kamatis saka nanggigigil na isinubo ito. Pinasadahan ko lang siya ng masamang tingin pero ginantihan niya lang ako ng nakakalokong ngiti.

"Isawsaw mo sa sauce para hindi ka maumay." pangaasar niya pa sabay ngisi

PAGKATAPOS kong kumain ng hindi ko pa sigurado kung pagkain ba yon o damo ay lumabas na si Luna para ibaba ang pinagkainan ko saka nagpaalam na maglalunch na rin siya

Parang nakaramdam ako ng kaunting kapayapaan nang panandaliang mawala ang walking bunganga na ang pangalan ay Luna. (-_-)

Ang boring naman. Dapat pala pinadala ko kina mommy yung cellphone o kaya laptop ko para naman may magawa ako dito kahit papaano. Imagine, almost a month ko pang makakasama ang walking bunganga na yon. Sana lang hindi masunog ang tenga ko. (-.-)

"Bro! Neo Matt! Haha I'm glad you're finally awake." nagulat ako nang may biglang sumigaw sa pangalan ko. Gayon nalang ang gulat ko nang makitang si Kuya Geo ito.

"Kuya!" dali dali akong niyakap ni kuya. Nang maghiwalay kami ng yakap ay pinasadahan niya ako ng tingin

"Grabe hindi ako makapaniwala. Gising ka na nga!" saad niya sabay tapik ng paulit-ulit sa balikat ko

"Oo nga gising na nga ako! Ready na ulit makipagrambulan hahah." Biro ko

"Mukha nga hahah tingnan mo nga yang hitsura mo. Mukha kang tambay sa haba ng bigote mo ahahahahah." ganti niya

Hinawakan ko naman agad ang baba ko. Oo nga ang haba na nga.

"Oo nga." wala sa sariling sambit ko kaya napahalakhak si kuya.

"Hahaha yaan mo bukas babalik ako dito tapos magdadala ako ng pang ahit para naman luminis yang mukha mo." pang aasar niya

"Salamat ah." sarkastiko kong banat

"Anyways, dinala ko nga pala itong phone mo baka sakaling makawala ng boredome." sabi niya sabay halungkat sa bag niya. Iniabot niya sa akin ang phone ko na agad ko namang inabot.

"Uyy salamat kuya. Iniisip ko pa nga lang sana na ipakuha sayo to kapag dumating ka kaso dala mo na. Astig ka talaga kuya hahaha." kaya lagi akong kinukumpara sayo nina mommy noon eh....pero hindi ko na yun sinabi. Ang bitter naman masyado hahaha

"Haha wala yun. Naisip ko lang talaga na baka mainip ka dito kasi nasabi sa akin nina mommy na magtatagal ka pa dito ng halos isang buwan kaya bago ako umalis eh chinarge ko na yan para madala ko." paliwanag niya

"Salamat talaga kuya ah. Alam mo hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala akong magiging libangan dito. Imagine tatagal ako ng isang buwan dito na kasama ang isang Walking Bunganga?" nakasimangot kong sabi

"Ano? Walking Bunganga? Ahahahahhahaha anong klaseng trip yan Neo hahahahah." walang humpay na tawa ni kuya

"Tch! Walking bunganga. Edi isang madaldal na bunganga na tinubuan ng mukha!" angal ko.

"Ahahahahahahha siraulo! Sino naman yang walki--pfftt ahahaha walking bunganga na yan hahahahah!!" tanong niya pero wala paring tigil sa pagtawa

"Yung private nurse na kinuha ni Ashari para magbantay sa akin. Yon walking bunganga, sa lahat ba naman ng kukunin ng kapatid mong yun eh yung kapareho niya pa. Mga babaeng kung magsalita kulang nalang magpamisa sa sobrang haba.(-_-)" sagot ko

"Ahahahaha hoy ikaw hahaha tigil tigilan mo yang ugali mo hahaha kambal mo yon tandaan mo." pangaral niya pero tawa naman ng tawa

Hindi nalang ako sumagot sa kanya at hinintay lang na tumigil na siya sa kakatawa.

"Anyways...grabe yang sense of humor mo ah. Hindi ko mareach! Hahaha yan ang bagay na meron ka pero wala ako hahaha ibang klase. Walking bunganga hahahahah!!" hindi ko alam kung nangiinsulto ba siya o tuwang tuwa lang talaga siya sa binigay kong title kay Luna

"Time to take your meds Sir Neo!!" ayan na ang walking bunganga

Sabay kaming napalingon ni Kuya sa taong pumasok sa pinto

"Oops. Sorry may bisita po pala kayo. Excuse me sir kailangan ko lang pong ipainom sa pasyente itong gamot." pagpapaalam niya kay kuya

Wala sa sarili namang tumango si Kuya. Nakatitig lang siya  kay Luna at kulang nalang ay ngumanga siya. Don't tell me nagagandahan siya sa babaeng yan?

"Eto inumin mo. Baka umangal ka pa, isasalaksak ko tong gamot sa lalamunan mo." banta niya

"Wala naman akong sinsabe. Akin na nga!" sabi ko sabay agaw ng tubig at gamot sa kanya.

"Ayan masaya ka na? Makakaalis ka na...walking bunganga." halos pabulong lang ang huli kong sinabi kaya alam kong hindi niya ito naintindihan.

"Ano kamo?"

"Wala sabi ko salamat."

"Wala tapos sabi mo salamat. Gulo mo rin eh noh?"

Napaikot ko nalang ang paningin ko dahil sa sinagot niyang yon.

Umalis na rin siya pagkatapos non kaya binaling ko ang paningin ko kay kuya sa ngayon ay nakatingin sa akin nang may pagtataka.

"Bakit?" tanong ko kaya naman napaayos siya.

"Ayun? Siya yung walking bunganga na sinasabi mo?"

"Oo siya nga. Kita mo naman diba. Parang si Ashari kung magbanta. Kulang nalang magdala ng palakol saka itutok sa akin para lang mapasunod.(-.-)"

"Bro! Ang ganda namang walking bunganga yon!"

"Ayon? Maganda? Saan banda? Sa bunganga?"

"Hahaha siraulo! Buong akala ko matandang nurse ang tinatawag mong walking bunganga! Eh halos kaedad mo lang yun eh! Ang ganda bro! Chix!" Napatingin ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya

"Kailan ka pa natutong tumingin ng Chix?"

"Bro naman! Hindi ako kagaya mo na galit sa babae noh! Saka totoo namang maganda yang nurse mo ah! Tingnan mo rin kase yung mukha wag puro kinig sa bunganga! Ang kagandahan hindi pinapakinggan, pinagmamasdan!"

Napaisip ako dahil sa sinabi niya..........

















........wala walking bunganga paden nakikita ko(-_-)

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon