Chapter 23: Awaken

6 5 0
                                    

Neo's POV

*Toot Toot Toot*

"Doc...DOC! Gising na ang pasyente!" rinig kong sabi ng isang boses

UNTI-unti kong iminulat ang mga mata ko na para bang sobrang nangawit dahil sa pagkakapikit. Inilibot ko ang paningin ko at gayon na lamang ang pagtataka ko nang mapansing hindi ito ang kwarto ko

Nasaan ba ako?

Hindi ko maigalaw ang katawan ko...patay na ba ako? Inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling may makasagot ng tanong ko kaso wala namang ibang tao. May narinig akong bosed kanina.

Aaarghhh ang sakit ng ulo ko!

Hindi makagalaw ay parang ramdam na ramdam ko ang pagod sa bawat paghinga ko.

"Check his vital signs." rinig kong sabi ng doktor na nagkukumahog na pumasok sa kwarto ko.

Nasa ospital yata ako

"Yes doc." sagot sa kanya ng nurse na kasunod niya

May kung anu-ano pa silang ginawa sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa. Masyadong masakit amg ulo ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nandito.

Flashback

"Oo nga noh? Hahahaha! Ano kaya kung......ikaw nalang ang patayin ko Luna?"

"HAHAHAHAH tama tama! Mas gugustuhin kong patayin na unti-unti ang puso ng kapatid ko habang nakikita ka niyang walang buhay HAHAHAHA."

"Neo...maha--"

*BANG!*

"LUNAAAAAAA!!"

"LUNA!" sigaw ko. Nabigla ang mga nurse at doktor na kasalukuyang nasa kwarto ko

"Si Luna? Nadaan si Luna?! Sabihin niyo?! Doc? Yung girlfriend ko dinala rin ba siya rito? Luna ang pangalan niya." pilit kong pakausap sa doktor pero pinipigilan lang nila ako

"Mr. Casabuena, huminahon ka. Hindi makabubuti sa iyo yan." saad ng doktor

"Hihinahon lang ako pag nakita ko na ang girlfriend ko. LUNA! LUNA!"

"LUNA! PLEASE DALHIN NIYO KO SA KANYA! LUNAAA!" patuloy akong pumipiglas sa mga humahawak sa akin. Nakita kong may iniabot ang nurse sa doktor na agad ding itinurok sa akin.

Unti-unti ay naramdaman ko ang pagbagal ng paghinga ko at biglaan ang panghihina.

"L-luna..." mahinang usal ko





"Twin?! Thank God you're finally awake!!" agad akong napalingon sa gawing pinto

Sinalubong ako ng yakap ni ate na para bang sabik na sabik sa akin.

"A-ate." tawag ko sa kanya

"I'm happy because you're now awake." sabi pa niya at niyakap akong muli

"Son? It's true! You're here!! You're awake!"  si Dad naman ang nagsalita

Walang sabi-sabi ay niyakap ako ni Mom ng mahigpit.

"I thought I already lose you anak. We're sorry, we're very sorry. Please forgive us Son. I love you." naiiyak na saad ni Mom.

Gaano ba ako katagal nakatulog? Ang alam ko ay nabugbog lang ako ng mga tauhan ni---

"Bro! Welcome back! I'm happy you're already awake."

"I-ikaw.....IKAW!!" sigaw ko at agad naman silang binalot ng pagtataka

"IKAW! NASAAN SI LUNA?! ANONG GINAWA MO SA KANYA!?!" sigaw kong muli at nagsimula na naman akong magpumiglas pero pinipigilan ako nina Dad at Ashari.

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon