Chapter 24: Dream

10 5 0
                                    

Neo's POV

6 months later

"Namiss ko tong kwarto mo."

"Kwarto kong walang laman Hahaha."

Naalala ko na naman.... Pinasadahan kong muli ng tingin ang kwarto ko. Dito ako sinagot ni Luna.....sa panaginip ko.

Muli akong napangiti

"You know some of korean words?"

"Ah yeah I used to be a fan of  korean dramas and Kpop."

"Ahhh so you know what Mianhe is??"

"Sorry?sorry yun diba??basic korean lang naman alam ko hehe."

"Hahah yah its sorry, how about Saranghaeyo?"

"Yan yung pinakamadali! I love you!"

"Huwag mo nang ipagsigawan alam ko naman yun."

"Ha.Ha sira!!"

"Just kidding...but you know what? every time I'm looking at you I just found a best korean word for you."

"Ano yon? Yepudde for beautiful? Alam ko na yun."

"Hahaha hinde!"

"Hinde? eh ano??"

"Nae kkeoya."

"Nae kkeoya? Ano yun??"

"You're mine...Nae kkeoya meaning, You're mine in tagalog, Akin ka"

"Ahhhhh Nae kkeoya"

"Nae kkeoya."

"San mo naman nakuha yan?"

"Wala narinig ko lang kay Ashari."

"Ako rin. I found a korean word for you."

"Ano yun?"

"Meomulleojweo." sagot niya.

"Ano naman ibig sabihin nun?"

"Stay with me. Yun ang meaning non."

"I will. I will stay with you Luna. No matter what."

"Sinasagot na kita."

"Paki ulit nga ng sinabi mo."

"Hahaha. It's a yes Neo. Sinasagot na kita."

Walang anu-ano'y tumulo na naman ang mga luhang saksi sa nararamdaman kong pangungulila kay Luna. Agad ko itong pinunasan at lumabas na ng kwarto.

"Mom! Dad! Happy 25th anniversart to the both of you." bungad ko nang maabutan sina Mom at Dad sa salas.

Agad naman akong niyakap ni Mom.

"Thank you Neo anak." sabi niya sa gitna ng yakap namin

"Son! Ikaw ang magdadrive sa amin papuntang hotel ah. Susunod nalang daw kasi sa Venue ang kuya mo. Alam mo naman iyon, Busy sa negosyo." halos pabirong habilin ni Dad

"Sure Dad!" sabi ko saka nakipagfist bump pa sa kanya

Simula noong makarecover ako ay talagang bumawi na sila sa akin. Napatawad ko na rin sila. Kung meron mang pagkakapareho ang mga nangyayari ngayon sa naging pangyayari sa panaginip na iyon, siguro ito yung, pagiging mabutig magulang nina Mom at Dad.

"Ma'am, Sir, si Manang Linda ho nandito." sabi ng isa sa mga katulong dito sa bahay

"Talaga? Papasukin mo." sagot ni Mom

Nae Kkeoya [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon