Neo's POV
Hindi na nga bumalik pa kinagabihan si Ashari. Siguro nga ay nagtampo iyon sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Wala naman kasi siya sa lugar magpanggap na hindi namamansin eh! Tuloy akala ko totoo! Minsan napapaisip ako kung author pa ba siya o balak niya ring mag artista. Hanep umacting eh
(-.-)
"Breakfast na Sir. Neo." bungad ni Luna saka inilapit sa akin ang almusal ko.
"Ito yung gatas mo ah, lagay ko na muna rito." sabi niya saka ipinatong ang baso ng gatas sa may drawer.
Tahimik ko lang na kinakain ang dala niyang almusal sa akin. Sunny side up egg saka dalawang sausage ang ulam ko. Umupo si Luna sa madalas niyang pwesto sa kanang bahagi sa gilid ng kama ko.
"Nagkausap na ba ulit kayo ng ate mo?" tanong niya
"Hindi pa nga eh. Hindi na siya bumalik kagabi saka hindi rin siya tumatawag. Siguro nagtampo talaga yun sa akin." sagot ko.
"Hayaan mo na muna. Hindi ka naman siguro matitiis non."
"Sana nga." tipid lang na sagot ko
Mabilis ko nalang na tinapos ang pagkain ko kaya nagpaalam na rin lumabas si Luna.
"Babalik nalang ako mamaya. Mag pahinga ka na muna." tumango nalang ako bilang tugon
Hindi mawala sa isip ko si Ate. Ano kayang pwede kong gawin para mawala yung inis nun sakin? Pupunta kaya siya ulit dito? Sina Mom at Dad hindi na nakabalik ulit kasi may business trip sa Singapore. Si kuya naman malay ko kung ano na nangyari don.
Dinampot ko ang phone ko saka nagkulikulikot ng kung anu-ano. Napadpad ako sa Settings at nakita ko ang Private Safe dito. Naalala kong dito ko pala itinatago yung mga epic pictures ni ate noon.
Binuksan ko ito pero may hinihingi itong pattern. Pilit kong inalala kung ano bang pattern ang ginamit ko rito. Ilang beses ko pang sinubukan hanggang sa napangisi nalang ako nang mabuksan ito.
Pero agad ring napawi ang ngisi ko ng makita ang laman ng photos sa private safe ko. Pinindot ko ang isa sa mga litrato na narito saka pinagmasdan ito.
Dahan dahan kong inilapat ang kamay ko sa screen ng phone ko at pinasadahan ng mga daliri ko ang kabuuan ng mukha ng babaeng nasa litrato.
Those brown eyes, namiss ko ang mga matang ito. Napunta ang tingin ko sa mga labi ng babaeng nasa litrato. Maliit ito at buhay na buhay ang natural na kulay nito. Muli ko pang pinagmasdaan ang kabuuan ng kanyang mukha hanggang sa tuluyan na ngang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
"Adrastea...." sambit ko sa pangalan ng taong------
"BROOO!! Did you miss me?" napalingon ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko nga si kuya na komportableng naglalakad patungo sa direksyon ko. Dali dali kong itinago ang phone ko at pasimpleng pinunasan ang luha ko
"Sir Neo. Nakasabay ko siya sa Elevator pa akyat rito. Eto nga pala ang vitamins mo inumin mo muna." kasunod naman ni kuya si Luna saka inabot nga sa akin ang vitamins ko.
"Ang swerte mo sa nurse mo Neo. Dapat lang maging mabait ka sa kanya." pang aasar ni kuya. "Sana ako rin maalagaan mo nurse Luna noh?" dagdag niya pa.
Napatingin naman ako kay Luna saka inabot pabalik sa kanya ang ininuman kong baso.
"Depende kung magpapasagasa ka rin saka mako commatose, ipakiusap mo rin sa kapatid mo na ako ulit yung kuning private nurse para sayo." walang alinlangang sagot ni Luna kay kuya.
"Pfftt." pagpipigil ko ng tawa.
Sinamaan naman ako agad ng tingin ni Kuya. Kinindatan naman ako ni Luna

BINABASA MO ANG
Nae Kkeoya [COMPLETED]
Romance"Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At ha...