Neo's POV
THAT mysterious voice.....is owned by this crazy woman?!
"Oh ba't ganyan ka na naman makatingin? Hindi kita inaano dyan ah.." depensa niya
"Hell no." bulong ko
"Ano kamo? Hell no? Aba't....gusto mo na bang mamatay?" nanatili lang akong nakatulala sa kanya....
.....Grabe sila kung mag alaga sayo...yung tipong kahit na tulog ka parang nakikipagkuwentuhan sila sayo? One time nga naabutan kong sinasabi ng mommy mo na magsimula daw kayo ulit....
Kung kinakausap ako nina mommy...bakit yung boses lang ng babaeng ito ang naririnig ko?
"HOYY!! ano na natulala ka na sa kagandahan ko?!"
"What the-- Hell no!!"
"Ayy grabe naman makatanggi parang nagbibiro lang eh..."
"Neo Matt anak?!" sabay kaming napalingon sa pintuan kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Mom?
"Anak! Kamusta ka? Salamat sa Diyos at gising ka na." hinawakan ni mommy ang pisngi ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya..
Hindi ko rin napigilan pa ang pagluha dahil sa kasabikan ko sa mga magulang ko
"Son...We're so sorry about what happened to you...hindi sana nangyari ito kung tinulungan ka namin..." saad ni dad
Yakap yakap ko ang mommy ko na para bang ngayon ko lang muli naramdaman na may magulang pala ako.
"Ahmm. excuse po maiwan ko na po muna kayo.." biglang singit ni....
"Wait...what's your name by the way?" pahabol na tanong ko bago sa lumabas
"Nurse Luna nalang ang itawag mo sa akin." sagot niya nang nakangiti
Tumango ako bilang tugon saka na siya tumalikod at humakbang palabas
"How are you son? Matagal tagal kang nakatulog ahh?" biro ni dad
"I'm okay dad...Much better kasi nandito kayo." sagot ko kaya muli akong niyakap ni mom.
"I'm sorry anak...hindi ako naging mabuting mommy sayo...palaging yung mali mo lang ang tinitingnan ko...naisantabi ko lahat ng mabubuting bagay na nagawa mo...nabalitaan ko yung nangyari sayo bago ka maaksidente...You've been a hero once for a lady? Yung nanakawan ng bag tapos kahit may sugat ka na ay kaligtasan parin niya ang inisip mo para makabili siya ng gamot for her child.... I'm so proud of you Neo Matt." mahabang pahayag ni mommy
Doon ko lang ulit naalala ang pangyayaring iyon. Sa totoo lang ay maliit na bagay lang naman iyon para sa akin pero hindi ko inaakalang ang maliit na bagay na iyon ang magbabago ng buhay ko.
"We're so proud of you son, sa totoo lang hindi nga kami makapaniwala sa nalaman namin but it's real." bakas parin sa mukha ni daddy ang paghanga...ganoon ba talaga kagaling ang nagawa ko? (^_^)
"Anak, marami kaming naging pagkukulang sayo....at gusto naming punan ngayon ang lahat ng iyon. Can we start a new? New life and New experiences together?" maluha luhang tanonng ni mommy
"Mom, of course...sobrang tagal kong hinintay to...yung makasama kayo...yung masaya lang tapos walang kahit na anong makakapigil sa atin. And yes, we could start a new." sabi ko nang nakangiti
Niyakap ako ni Mommy at sumunod at sumali rin si Daddy. Ninamnam ko ang bawat sandaling hinahagkan nila ako dahil matagal na panahon ko na itong hindi naranasan.
"By the way...nasaan si kuya? Si ate?" tanong ko pagkahiwalay namin sa yakap
"Ang ate mo nasa New York pa dahil sa trabaho niya. I hope alam mo ang tungkol don pero anytime soon ay uuwi yun dito dahil nasabihan ko na siya tungkol sa paggising mo. Ang kuya mo, mamaya pa yun pupunta kasi nakapasa siya sa board exam at ayun certified accountant na siya gaya ng pangarap niya." sagot ni mom
"Wow...astig." nasabi ko nalang
Kahit papaano naman ay namiss ko rin ang kuya ko kahit na palagi siyang kinukumpara sa akin noon. Naramdaman ko naman kasi sa kanya na hindi ako kailanman naging iba sa kanya. Mas miss ko naman ang ate ko. Pero beleive me, hinding hindi ko mamimiss ang kabaliwan niya. (-_-)
"Ahmm excuse po. Ma'am, Sir, Sir Neo...may pinapasabi po si Doc... ako nalang po ang inutusan niya kasi may pasyente po siya." biglang pasok sa eksena ni Luna
"Go ahead ija." sabi sa kanya ni mommy
"Pinapasabi po ni Doc na kailangan po ni Sir. Neo na tumagal pa rito ng 4 to 5 weeks para mas lalo pa po siyang mamonitor. Kahit po kasi gising na siya eh kulang po sa vitamins ang katawan niya kaya minabuti po ni doc na dumito muna siya. Kailangan po alam ng nurse na magbabantay sa kanya ang lahat ng kakainin niya and kung kinakailangan ay ito na mismo ang magbibigay ng pagkain para sa kanya para siguradong healthy ang foods na kakainin niya. Kailangan niya pong kumain sa tamang oras at kailangan din ng nurse na bantayan yon. Kung kinakailangan ay iinom siya ng gatas at hindi ng ALAK para mas maging maganda ang result ng katawan niya sa pananatili niya rito. At ang nurse na magbabantay po sa kanya ay AKO kaya SANA po ay sumunod SIYA sa AKIN para po maging maganda ang improvement ng katawan niya. Yun lang po." mahabang paliwanag niya. At talagang ineemphasize niya pa yung mga sinasabi niya.
"Oh well, mukhang maganda nga yan. Gustuhin man namin anak na kami ang mag alaga sayo eh may mga business kaming kailangang asikasuhin. I hope you'll understand. Pero buti nalang at nandito si Nurse Luna. By the way, ikaw yung kinuha ni Ashari hindi ba?" sagot ni mommy
"Yes ma'am ako nga po yun." sagot niya habang nakangiti. Kunware mabait pero parang magkaugali lang sila ni Ashari. Parehong baliw. (-.-)
"We'll trust you ija, I hope mapasunod mo tong anak namin. May katigasan ng ulo eh." sabi sa kanya ni Dad.
"Dad." sabi ko nang may nagbabantang boses.
"Biro lang son. By the way mauuna na kami ng mommy mo. May meeting pa kami sa mga clients namin. Baka pupunta rito mamaya ang kuya mo. Get well son. Dadalaw kami rito every day bago pumasok." paalam sa akin ni Daddy
Ngumiti lang ako sa kanilang pareho saka nila ako hinalikan sa noo.
Pagkaalis nilang dalawa ay dumapo naman ang paningin ko sa babaeng nakatayo sa gilid ko.
"Oh? bakit nandyan ka pa?"
"Baka kasi ako yung private nurse mo?" walang ganang sagot niya
"Tss. Just leave. I don't need you anymore."
"Uh Oh.....dito lang ako dahil anytime soon kakain ka na ng lunch at napahanda ko na rin ang kakainin mo. Maya maya lang ay nandito na yun." pagtanggi niya
"So dito ka lang talaga?"
"Yes."
"Wala ka bang ibang pasyente?" ritang tanong ko
"Shunga lang? Private nurse nga diba? Natural ikaw lang yung pasyente ko."
Ashari ikaw ba yan? (-.-)
Wala nalang akong nagawa kung hindi ang manahimik. Siguro kapag dumating pa si Ashari ay hindi ko na alam ang gagawin ko dahil dalawa na silang baliw sa paligid ko. Baka ako na ang matuluyang mabaliw.
(-_-)
"Kapag may inutos lang si Doc saka lang ako aalis." biglang sabat niya
Hindi niya ba talaga matiis na hindi magsalita?
"Shut up ok? walang nagtatanong?"
"Oo na Sorry na! Napaka sungit mo naman! Buti pa si Ms. Ashari mabait. Mas madali pa siyang makasundo kesa sayo." reklamo niya
"Paano kayo hindi magkakasundo eh pareho kayong baliw." bulong ko
"Ano kamo?" nagbabantang tanong niya
Siniringan ko siya ng tingin saka banat ng....
"......whatever."
BINABASA MO ANG
Nae Kkeoya [COMPLETED]
Romance"Ok fine. I may not be Jeydon Lopez but I'll asure you na mamahalin kita kahit ilang sako pa ng asin ang langgamin. I will protect you not as a supremo but me as Neo. I will treat you not only my binibini but also the one who will complete me. At ha...