Prologue

520 10 6
                                    

This is work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of author's creative imagination are used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is absolutely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from of use the contents of the story in other ways. Please acquire consent to the author.

Reminder:
Some places are real and to be found in the healthy land of the Philippines. Don't copy, plagiarism is a crime.

----


"Hi there everyone"

"Mukha kang tae"

"Alam mo, irita ka. Nananahimik ako sa kwarto tapos kakatukin mo ko, ang ganda na nang binabasa ko eh"

"Hinahanap ka ng fans namin oh. Ito may tanong sila"

"To Ate Senna, yieee ate senna"

Tinignan ko lang siya habang inaasar ako. Nakaharap kami sa monitor kasi naka-live sila ngayon kasama ang pinsan ko. They do this kasi wala pa silang mga shows, so para makasa nila ang mga fans nila, nagli-live sila frequently and now nandito sila sa unit ko para manggulo.

"To Ate Senna, anong story po ang nagpaiyak sayo ng sobra from @//elyse123" pagbibigkas niya ng tanong habang nakatingin sa akin.

"Me: Financial Accounting, Taxation, Auditing Problems, Auditing Theory, Advanced Accounting" natatawa kong sambit habang nakaharap sa monitor.

"Abnormal talaga" sambit pa nila

"Anong genre po ng stories ang binabasa mo? from @//sammyghorl" pagbabasa niya ulit ng tanong. Madalas kapag nagli-live sila, naabutan nila akong nagbabasa ng libro kaya ginugulo nila ako at naririnig yun ng fans nila kaya ganun ang mga tanong sa akin.

"More on fictions at mystery/thriller ang binabasa ko, depende sa trip ko" nakangiting sagot ko habang nakatingin sa monitor. Infairness sa mga 'to, umaabot sila ng 5K+ viewers kahit eme eme lang content ng live nila.

"Ito wait, from @//yza456, can you give a message po sa isang member ng PHlanets and don't mention him" natatawang sambit ng pinsan ko.

Kilalang banda ang PHlanets sa bansa at isa sa miyembro nila ay pinsan ko, si Samson Austin. They came up the name of their band from the name of our country, they took the acronym of it which is PH and because they have their own planet when it comes to music, the make it PHlanets. Their goal is to bring their planet to other places to show how beautiful and amazing everyone is. They are composed of 5 members at lahat sila close ko. Si Kuya Samson ang tumatayong leader and si Clever Romero ang matagal na niyang nakasama, nadagdagan sila ng tatlo, si Michael Natividad, Joshua Gamboa and Ivan Cruz.

"Isip ka ng isa samin na bibigyan mo ng random message pero wag mo i-mention tapos huhulaan namin, kung sino makahula will ask you a question" dagdag pa ulit niya

"Bakit parang na-hot seat ako rito bigla" napapailing akong natawa habang nagsasalita.

"Okay fine, to this person, thankyou for being there for me always, to check me out and guide me for everything. Ahmm, ano pa ba? I'm always here too no matter what happen. yun lang" natatawa kong sambit tapos nagtitinginan sila.

"I got a hint, pinsan mo yan" natatawang sambit ni Kuya Josh. Honeslty, si Kuya Sam and Kuya Josh lang ang tinatawag kong Kuya sa kanilang lima.

"Nope, that's not me. Madalas nga akong wala" natatawang sambit ni Kuya Sam.

"I guess, si Ivan yan" nakangiting sambit ni kuya

"Yah" simple kong sagot tapos tinignan si Ivan

"From @//dnlxx ang sweet po ni Ate Senna and Kuya Ivan, I ship them" babaeng boses na ginawa ni Clever

"Palubugin ko yung ship"

"Mais gusto niyo? Malawak maisan niyan ni Senna"

"Senna All!!!" sabay-sabay nilang sigawan.

"Hiyang hiya sa maisan mo"

"Jan nagsimula lola't lola ko" natatawang pang-aasar sa amin ni Michael

"Exposed na ako masyado rito ha" natatawa kong sabi sa kanila.

"Last na, a message for moonskies"

"Ambaho naman, sino nagpangalan ng fandom niyo, pasapak"

"Ako" sagot ni Ivan

"Pasapak ng pagmamahal" natatawa kong sambit sa kanya

"Yieeeee, may namumuo. Namumuong tae" sigaw naman ni Kuya Josh

"Okay, to all Phlanetics or moonskies o phlatonics! o ano mang tawag nila sainyo. I'm happy to be part of this live, continue to support this idiots and love their music. Hope to see you all soon. Iloveyou all" sabay nag-flying kiss ako bago umalis sa harap ng monitor.

Naririnig ko pang nagsasalita sila Kuya Sam sa harap ng monitor. I prepared something to it, for sure tatambay pa yang pa yan dito bago maisipang umalis at iwan ako nang tahimik.

"That was a blast" bulalas ni Kuya Sam pagkapasok ng kitchen.

"Definitely, hindi ko aakalain aabot tayo sa more than 5K viewers" abot tengang ngiti ni Michael.

"Ano yan?" tanong ni Ivan ng makalapit sa akin.

"Pagkain"

"Alam ko, I mean ano yang pagkain na niluluto mo"

"Baked mac, I know favorite mo 'to. So here we go, let's eat" nakangiti kong sambit sa kanila habang naghahain ng meryenda.

"Hoy, ikaw Ivan madalas ka pala rito" pakikiisyoso ni Kuya Josh

"Bakit? Bawal ba? Malapit lang naman 'to sa school namin" depensa naman niya

"Hayaan niyo na nagpapaalam naman sa akin" nakangiti na sabi ni Kuya Sam. "But don't forget your limitation, Ivan. Alam mo ang estado mo at pinsan ko yan" pagpapaalala niya sabay turo sa akin

"Yes, Kuya Sam. Ayaw ko rin naman na masangkot sa kung ano anong issue lalo na 'to si Senna" sabay ngumiti siya sa akin. Hays, ang swerte ko lang kasi as a fan of their band, nakakasama ko sila at isa sa mga tinitilian ng lahat, madalas kong kasama, si Ivan.

Natapos silang kumain at inayos ang mga gamit nila hanggang sa umalis na sila. Nagpaiwan sandali si Ivan.

"Bakit?" taka kong tanong sa kanya

"Wala, I just want to stay a little bit. Hindi kita nasolo kanina" nakangiti niyang sambit

"Alam mo, ang korni mo na naman"

"Sabihin mo kinikilig ka lang"

"Kinikilig your face"

"Babalik ako"

Hinalik niya ako sa noo at nagpaalam ng umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makasakay siya sa elevator.

I hope this would not the end. I'm happy to be with him. Ang daming umaasang babae sa kanya and I'm glad na ako yung pinagtutuunan niya ng pansin.

Ivan Cruz is mine

Natatawa kong sambit habang iniisip siya. Nababaliw na ako sa lalaking yun.



A/N
Hope you'll like it, luvs. Keep reading and voting, mwaaaaa!!!

Summer LoveWhere stories live. Discover now