Chapter 21

31 3 0
                                    





"Ano yan?" tanong ko kay Mae na may hawak na plastik papasok ng bahay

"Lason, papatayin ko yang kapatid mo" sagot naman niya

"Siraulo, hindi nga umuwi rito"

"Gusto mo umuwi?"

"Gawa"

"Wag ako sinusubok mo"

Napailing na lang ako sa kanya. Si Mae yung tipong hindi mo gugustuhing subukin dahil panigurado ikaw ang talo.

"Magluluto ka?" taka kong tanong kay Mae habang nilalabas ang mga bitbit niya kania

"Alam kong wala akong skills pagdating sa pagluluto, kaya wag mo kong tanungin" pagtataray niya sa akin

"Eh sino magluluto?" taka ko namang tanong. Wala ako sa mood magluto kaya panigurado hindi talaga ako kikilos.

"Ako" sagot niya habang tinuturo ang sarili niya. Napalingon naman ako sa kanya kaya laking gulat ko kung sino.

"Migs" tanging nabulalas ko nang makita siya

"I know how to cook. Don't worry, I wont burn your kitchen" nakangiti niyang sambit at kinuha ang mga inilabas ni Mae kaninang mga sangkap

Pinanood ko lang kung paano siya kumilos. I know that he knew how to cook, pangarap niya nga maging chef noon pero hindi ko alam bakit siya nag-Engineer

"Tunaw na te" sambit ni Mae kaya napalingon naman ako sa kanya

"Ikaw tunawin ko jan" saad ko naman sa kanya

"In few minutes, maluluto na yun" saad ni Miguel habang tinuturo ang niluluto niya

"Ano ba niluto mo?" tanong ni Mae sa kanya

"Her favorite dish" sabay turo niya sa akin

"Caldereta?" paninigurado ko sa kanya

"Nabago na ba?" tanong niya

"Ikaw pa rin naman" saad ni Mae kaya nahampas ko siya sa braso

"What?" takang tanong ni Miguel

"Ang sabi niya, ikaw pa rin naman nakakaalam ng gusto ko" nakangiti kong sambit sa kanya

Hinatak ko si Mae papasok ng bahay. Nakita ko naman ang kakarating lang na si Jah at Hendrix na nakatambay sa tapat namin.

"Bakit hindi kayo pumasok?" tanong ko agad sa kanila

"Baka makaistorbo kami sainyo. May pangatlong gulong na nga, dadagdag pa kami" sagot naman ni Jah

"Kung ano-ano yang iniisip niyo, para kayong mga baliw" saad ko at bumalik na sa kusina

Inihahain na Miguel ang niluto niya nang maabutan ko siya. Napatingin naman siya sa kin nang maramdaman ang presensya ko.

"Taste it" sambit niya at nginitian ko siya bago lapitan

"Siguraduhin mo lang na masarap ha" nakangisi kong sambit sa kanya at tinikman ang niluto niya

"What" tanong niya

"Tastes good ha" patango-tango kong sagot sa kanya

"Well, it that's the case, I'll call your friends to join us" sagot niya at tinawag na nga ang mga kaibigan ko.

Inihanda ko ang lamesang pagkakainan namin. Mabuti na lang din ay nagsaing siya dahil wala ngang mapapala rito sa bahay kapag tinamaan kami ng katamaran. Inilagay ko sa lamesa ang mga plato, baso, kubyertos at ang niluto niya. Dumagting na rin naman ang mga kaibigan ko at naupo na.

Summer LoveWhere stories live. Discover now