Chapter 17

39 3 0
                                    


"Wake up pipol of the world!!" rinig kong sigaw galing sa sala kaya napabangon ako at agad na lumabas ng kwarto ko.

"Gusto mo ma-stapler bibig mo?" tanong ko agad kay Jah na tatawa-tawa lang

"Napakaingay naman!" sigaw naman ni Mae na kakalabas lang ng kwarto

"Mantika ba kayo?" tanong niya sa amin kaya agad namin siya hinampas ni Mae

"Mapanakit!!" bulyaw naman niya at napailing na lang kami

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kusina para sana magluto ng umagahan namin kaso nandun na si Kuya at busy'ng busy magluto ng kung ano.

"Bida ka na naman niyan" saad ko ng makalapit sa kanya at kumuha ng toated bread na ginawa niya

"May kamay ka di ba? Bakit hindi ka magluto ng iyo" saad niya at nilayo ang niluto niya

"Pa'no ako magluluto eh magbibida ka na naman dun sa magkapatid, pagbuhulin ko kayo"

"Selos ka?"

"Kuya, please lang ang kadiri"

"Tawagin mo na ang mga kaibigan mo para mag-almusal na" saad niya kaya ipinagtaka ko, ilang araw na silang nandtio pero ni minsan hindi man lang niya naisip ang mga ito

"Nakikita mo pala sila" nakangisi kong sambit

"hOy Senna gutom na kami" sigaw ni Mae at narinig ang mga yabag nila papuntang kusina

"Kailan ka pa naging estatwa?" tanong sa kanya ni Jah nang mapansin na natigilan siya

"Busog pa pala ako" sabi niya at agad na umalis ng kusina kaya napailing na lang kami ni Jah sa kanya

"Anyare?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko

"Malay ko" sagot naman ni Kuya

"I'm not talking to you"

"Ah okay, sunod ka na lang dadalhin ko 'to sa mga Sandoval" saad ni Kuya kaya naguluhan din ako

Hindi ko na lang muna iniisip ang mga nagpapagulo sa akin. Sumunod na ako kay Kuya. Naabutan ko naman na nandun na si mama kasama si Dylan. Hindi pa rin kami nagpapansinan, sigruo hindi naman nila mapapansin iyon lalo na't nanjan si Nickie.

Lumabas na ng bahay si Nickie at agad naman siyang dinaluhan ng kapatid niya.

"How was your sleep, little sis?" tanong ni Dylan nang makababa si Nickie ng bahay. Agad naman siyang sinagot ng kapatid niya, kinulit din siya ni Kuya kaya halatang hindi maganda ang tulog niya.

"His voice is familiar to me. I don't know if someone trivked me" seryoso niyang sambit habang hinahatak ang upuan.

Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya, for sure kung nakikita ni Lander 'to ngayon matutuwa pa siya, isa't kalahating abnormal pa naman yun tulad ng kapatid niya.

"Baka naman namali ka lang ng rinig kasi may tao kang iniisip kaya yung boses niya ang narinig mo" pangungumbinsi ko sa kanya pero alam kong nagpapakilala na paunti unti si Lander sa kanya

Tahimik kaming nag-umagahan sama-sama. Nang matapos ay nagtulungan kami magligpit. Inaya ni Kuya si Nickie na sumama sa kanya mag-tour at agad naman siyang pumayag.

"Ayos, siya naaya ako hindi" pagtatampo ko sa kanya

"Napakaarte mo, bigwasan kita" at natawa naman ako kay Kuya

"Bantayan mo haa, kapag napapabayaan pa naman nawawala" sambit ko at umalis na at dumeretso sa bahay.

Naglalakad pa lang ako papuntang bahay ay may naririnig na akong sigawan. Nakinig muna ako sa ilang mga bulyawan bago tuluyang pumasok ng bahay.

Summer LoveWhere stories live. Discover now