Chapter 5

53 4 0
                                    

Wala akong narinig na ingay paglabas ko ng kwarto ko. Binuksan ko ang kabilang kwarto at walang tao roon. Tahimik ang buong paligid. Napunta sa salamin sa may sala ang mata ko at may nakita akong post it note.

Inaya ko sila papunta rito sa Mangrove Farm namin, hindi na kita ginising kasi alam kong ayaw na ayaw mo yun. See you later, mamaya ka na namin guguluhin.

-Jah

Napapailing na lang ako habang binabasa ang mensahe niya. Alam na alam niya talaga na hindi ko titignan ang cellphone ko kahit may message pa roon. Nag-ayos na ako ng sarili at inabala ang sarili ko sa pagre-review. Ilang araw na lang din ay graduation na namin at magte-take na ako ng board exam.

Lumipas nang mabilis ang oras at wala pa rin sila. Naisipan kong lumabas muna ng bahay at sa susunod na araw na itutuloy ang review ko. Palabas na ako ng bahay ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko agad ito at hindi naka-register ang number. Sinagot ko na lang dahil walang tigil ang pagtunog.

"Hello" bungad ko pagkasagot ng tawag.

"Is this Ms. Senna of St. Raphael Academy?" tanong agad sa akin sa kabilang linya.

"Yes, speaking" pormal ko namang sagot.

"I am Leez Claro, the Secretary of Eco State Firm where you entered for your On-the-job training, the head wants to talk to you after your graduation" pormal naman nitong banggit at napangiti naman agad ako.

"Sure. Thankyou Ms. Leez, after a week I'll pass my resume there" sagot ko naman at namatay na ang tawag.

I never met the head of that firm kasi inassign agad kami sa mga location namin for the training. Even in the last day namin sa firm, hindi namin siya nakita, he's too busy person daw.

"Ngiting-ngiti ka naman diyan" bati sa akin ng lola ko pagkarating ko sa bahay nila.

"Masaya lang po ako, la. Akalain mo yun, hindi pa ako nakaka-graduate pero may tumawag na agad sa akin para makausap ng boss nila" nakangiti kong pangkukuwento sa kanya habang nasa labas ng bahay nila.

"Nako mabuti yan, ibalita mo yan sa tito chad panigurado matutuwa yun. Darating din pala ang daddy mo at ilang pinsan, magkakaroon daw ng handaan." masaya namang sambit ni lola. Si Tito Chad ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral ng mabuti, pinangarao niya rin maging Engineer noon kaso sa kakulangan sa pera hindi natuloy pero ngayon successful I.T na siya. Si daddy naman, pangalawang asama ni mama at tanggap namin siya. We saw him our original father.

"Kelan daw po sila darating?"

"Ngayon na, kaya maghanda ka na. Tulungan mo ko ilabas ang mga gamit. Nasa byahe na raw sila. Ang Tito Chad mo naman, sa Manila manggagaling kasama ang girlfriend niya at ang daddy mo, susunduin ng mama mo" sagot naman ni lola at tinulungan ko na siya mag-ayos ng mga gamit.

Buhat dito, buhat doon, buti na lang dumating ang ilang mga pinsan nila tito chad kaya may nakatulong kami ni lola sa pag-aayos ng mga gamit. Mahilig kasi si lola magtago ng mga gamit kaya iyon, kapag kailangan pahirapan ilabas.

Natapos kaming mag-ayos bago magdilim. Umuwi muna ako ng bahay at wala pa rin ang mga kaibigan ko. Naligo ulit ako at nag-ayos ng sarili. Bumalik ako sa bahay ni lola at nadatnan ko na roon ang mga pinsan ko, sila tito at daddy. Naghahanda rin sila ng mga lulutuin. Mukhang magkakaroon kami ng family reunion ngayon ah.

"Oh nanjan ka na pala Engineer" bati naman sakin ni Daddy ng makita at mahigpit akong niyakap.

"Ikaw talaga Dy, wala pa nga eh. Baka maudlot kakabati niyo" natatawa kong sambit at niyakap siya.

Summer LoveWhere stories live. Discover now