Hindi ko namalayan nakatulog pala ako at napasarap pa. Nagising lang ako sa mga maiingay na boses na nanggagaling sa sala namin. Lumabas ako ng kwarto para malaman kung sino ang mga maiingay nayun.
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang mga yun kaya agad ko silang niyakap ng makita nila ako.
"Kelan pa kayo dumating?" taka kong tanong sa kanila
"Kanina lang, eksoyted 'tong babaitang 'to buti na lang parehas tayong mga hindi na busy kaya gora lang kami" sagot naman ni Mae
"Tanga, sabihin mo lang gora ka lang kahit saan pa yan basta may moni moni" sabay binato niya ng unan si Mae.
"Kind of" pilya nitong sagot kaya napailing na lang kami.
"Isa lang ata makakausap ko ng matino dito eh. Magsilayas na lang kayo, iwan niyo 'tong isa" tukoy ko kay Hendrix sabay tinignan si Jahnice at kita ko ang pagtalim ng mga mata niya kaya nginisian ko lang siya.
"How's school?" biglang tanong naman ni Hendrix na ikinatahimik nilang dalawa.
"Ayos naman, naging hectic lang ang schedule kasi last term na at graduating. Kayo ba?" pabalik ko namang tanong sa kanila.
"Ayos din naman, pasang awa lagi pero masaya and daming papi mamsh" natatawang sambit ni Mae kaya napailing na lang sa kanya
"Nakakabaliw. Hindi ko alam bakit ko naisipan sa Manila mag-aral, look at you two ang saya ng pag-aaral niyo sa St. Raphael Academy sa Lipa." napapailing na sambit ni Hendrix sa amin ni Jahnice
"It's a good choice to study there. Malapit sa lahat, sa malls, markets and especially sa unit namin. Hindi rin mahirap ang byahe kasi halos walking distance lang ang unit namin ni Senna. The school is awesome and it's near to De La Salle Lipa" pagkukumento naman ni Jahnice.
Honestly, hindi naman kalakihan ang school namin but there are different buildings for different courses. It's behind SM Lipa and along the way kaya hindi talaga mahirap sa byahe.
Nagkwentuhan muna kami bago ako nag-ayos ng sarili. Inaantay lang nila ako hanggang sa matapos ako.
"Ready?" bungad naman sa akin ni Mae na mukhang excited na excited na kung saan man kami pupunta
"Ano meron at giyang giya kayong umalis?" taka kong tanong sa kanila at nginitian ako.
"Nakalimutan mo na agad? Fiesta sa bayan, madaming ganap ngayon kaya habang maaga pa lang tara na at simulan na ang magsaya tsaka mo na isipin yang pagre-review para sa board exam, pare-pareho lang tayong magte-take niyan." dere-deretsong sambit ni Jahnice at hinatak na ako palabas ng bahay. Nagpatianod na lang ako sa kanya.
"Ano sasakyan natin?" taka namang tanong ni Mae.
"Hindi tayo magka-kasya sa motor ko" turo naman ni Hendrix sa Black Beast Ducati Motorcycle niya.
"Apayabang naman drix" bulalas naman ni Mae
"Tang'na antayin niyo si Senna ang maglabas" sambit naman ni Jahnice
Napailing na lang ako sa kanila at bumalik sa itaas para kunin ang motor ko. It's Ducati Panigale V4R. It's in red color, regalo sa akin 'to ng mga kapatid ng mag-18th birthday ako.
"Apayabang. Sige makakaangas kami jan" bulalas naman ni Jahnice
"Sino bang may sabing magpapa-angkas kami?" sabay naming sambit ni Hendrix at sinuot na ang mga helmet namin sabay pinaandar ito. Iniwan namin ang dalawa kaya natatawa ako habang nagmamaneho papuntang bayan.
Nakarating kami sa bayan na wala ang dalawa. Natatawa kami habang tinatanggal ang helmet namin. We parked our motors near Celtos convenient store and waiting the two.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen Fiction(Summer Series #2) Senna Guevara, a simple selfless province girl who doesn't care about the wealth of their family because she believes she don't own anything from that. She always depend on everyone told her and do it for them. So, when her cousin...