Nagising ako sa mga sunod-sunod na katok sa pinto namin. Ang aga aga, sino naman kayang makakaisip na manggulo ng ganitong oras. Lumabas ako ng kwarto ko at sakto namang kakalabas lang din ni Mae at Hendrix ng kwarto. Nagkatinginan kaming tatlo at pare-parehong nagtataka.
"Aga naman ng manliligaw mo" pang-aasaar naman agad ni Mae
"Masyado ngang maaga, sa sobrang aga wala naman" sabay irap ko sa kanya at binuksan ang pinto.
Pareho kaming tatlo na nagulat kung sino ang nakita namin. I was stuuned, I don't know what to do. Nagulat ako sa mag-asawang sampal na lumapat sa pisngi ko kaya nagising ako sa katotohanan.
"Nasaan ang kapatid ko?" tanong niya sa akin na may galit pa rin sa mukha
"Tanungan ba ako ng nawawalang kapatid?" balik kong tanong sa kanya habang nakangisi at nakahawak sa isang pisngi kong sinampal niya.
"Inuulit ko, nasaan ang kapatid ko? Sagutin mo ang tanong ko dahil hindi lang sampal ang kaya kong gawin sayo" seryoso niyang sambit sa akin
"Alam ko, kaya mo ring mang-akin ng hindi naman sayo" nakagising ko pa ring sambit sa kanya
"Wala akong inagaw sayo"
"Ah wala ba? Well, wala rin ang kapatid mo dito" at ibinagsak ko ang pagsara ng pintuan at sinandal ang sarili ko doon. Napairap naman ako at napabuntong hininga nang makaraning na naman ako ng sunod-sunod na katok.
"Ikaw naman sumampal para patas tsaka mo sabihin nasaan ang kapatid niya" natatawang sambit ni Mae kaya natawa rin ako sa naisip niya.
Binuksan ko ulit ang pintuan at sila pa rin ang naroon kaya naisip ko ang sinabi ni Mae. Sinampal ko siya sa kanang pisngi, "Para yan sa pang-aangkin ng hindi naman sayo at ito naman para sa pagsira ng umaga ko" at sinampal ko naman siya sa kaliwa na ikinagulat ng mga mgulang niya.
"Nasa rest house niyo ang anak niyo. Huwag kayong humingi ng respeto mula sakin kasi hindi yun binibigay" seryoso kong sambit ng akmang magsasalita si Tita Lizel. Sinarado ko na ang pintuan at napaupo na lang ako sa sahig.
"Ang galing, sayang wala si Jah for sure matutuwa yun" sambit ni Mae habang pumapalakpak-palakpak pa.
"Good Job, Sens" nakangising sambit ni Drix at nag-apir kami.
Pumasok naman si mama sa bahay galing sa pinto ng kusina, kasama niya si kuya. Gulat naman sila ng makitang nakaupo ako sa sahig at medyo namumula ang pisngi kaya agad na hinawakan ni mama.
"Sino ang may gawa nito sayo? Si Dylan o Lizel?" dere-deretsong tanong sa akin ni mama
"Si Dylan po. 'Wag ka na mag-alala mama, nakaganti na ako" ngumiti ako ng nakakaloko kaya natawa rin si kuya at tinulungan ako tumayo. Pumunta kami sa rest house ng mga Sandoval at kita namin ang kaba sa kanila.
"Anong ginagawa niyo dito?" mahinahong tanong sa amin ni tito pagkalapit namin sa kanila.
"Makikibalita lang kung iiwan na kayo ng anak niyo kapag nalama niya ang totoo" natatawang sambit ni Kuya kaya natawa rin ako. Tinignan kami ni mama kaya natigil kaming dalawa.
"Ang kakapal ng mukha niyo" sigaw naman sa amin ni Dylan
"Sino kaya ang mas makapal ang mukha sa ating dalawa?" sigaw ko sa kanya
"Ikaw, duh!" pagtataray niya
"Nakuha pa nga magtaray" bulong ko kay Kuya kaya napailing siya
"Well atleast ako walang inagaw" kaya naman natahimik siya.
"Sino ka sa tingin mo para sabihin sa anak ko ang tinatago namin?" sigaw ni Tita kay mama, halatang tinatansya niya pa ang sarili niya kaya ngayon lang nakapag-react.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen Fiction(Summer Series #2) Senna Guevara, a simple selfless province girl who doesn't care about the wealth of their family because she believes she don't own anything from that. She always depend on everyone told her and do it for them. So, when her cousin...