Chapter 14

44 3 0
                                    



"Hoy gising" sigaw ng kung sino sa akin kaya napabalikwas ako.

"Ang aga aga nambubwisit kayo" iritado kong tugon sa kanila na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Sorry ha, gusto lang naman namin na mapanood ang pagsikat ng araw kaya ikaw wag kang pasikat at bumangon ka na para samahan kami" dere-deretsong tugon ni Mae habang nakakrus ang mga braso.

"Kayong dalawa, wala kayong sasabihin?" baling ko naman kanila Hendrix at Jahnice na magkaakbay

"Wala, support lang kami dito kay Mae" saad naman ni Jahnice kaya napairap na lang ako

"Magsilayas kayo sa kwarto ko"

"Susunod ka ha! Maghihintay kami tulad ng paghihintay mo sa kanya" natatawang sambit naman ni Mae bago isara ang pinto ng kwarto ko.

Bumangon na lang ako dahil mukhang wala naman akong choice dahil sa gagawan ng tatlo. Tiningnan ko ang oras sa side sa table ko and for the God's sake, it's just 5 in the morning. Mamumuti ata talaga buhok ko sa mga 'to. Nagpalit lang ako ng damit, naghilamos at nagtootbrush sabay lumabas na ng bahay. Naabutan ko naman silang tatlo na nag-aantay habang nagkukuwentuhan.

"Ano nahithit niyo ngayon?" Tanong ko agad sa kanila ng makalapit ako.

"Amoy ng plastic, nagbapango ka na?" natatawang tugon ni Mae

"Tantanan mo ko, hindi maganda gising ko"

"Atleast, maganda ang nanggising" saad naman niya ulit kaya napairap ako at naglakad na pababa ng bahay. Sumunod naman sila sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang tabing dagat. Naririnig ko na nagkukuwentuhan sila sa likuran ko pero hindi ko sila pinansin. Nakarating kami sa parang cliff sa tabing dagat at naupo.

"May naalala ako" bulalas ni Mae habang inaayos ang pagkakaupo niya.

"Ako rin" saad ni Jahnice

"Ano?" painosenteng tanong naman ni Hendrix

"Kung ginising niyo ako para bwisitin, aalis na ako" pagbaling ko sa kanila

"Napakabitter mo" bulalas naman ni Mae

"I'm not" pagtanggi ko naman sa kanila

"Kung hindi ka bitter, kwento mo nga kung bakit ayaw mo na sa sunrise" panghahamon sa akin ni Jahnice.

"Wala akong sinabing ayaw ko sa sunrise. I'm a great fun of sceneries that God's made. Sometimes, I hate sunrise because it reminds me of Miguel. We used to watch the sunrise and sunset even the sky full of stars. Masyado kasi akong nasanay na ganun yung ginagawa namin" mapait kong sambit sa kanila

"Hannga't hindi mo kinakalimutan ang mga nakasanayan niyong gawain noon hindi ka makakapag-move forward. If you're still looking from the past and hoping that someday something might happen and it will comeback, let me tell you dear, iniwan ka ng walang dahilan kaya wala rin siyang dahilan para balikan ka" makabuluhang sambit ni Mae sa akin kaya natahimik ako.

Nagsimula nang sumilay ang panibagong umaga, hudyat ng panibagong pag-asa. Maybe, Mae's right, palagi kong iniisip yung mga posibleng mangyari without knowing that I'm stuck from the past, from the pain that it gave me.

"Cloe Senna, I know you're strong and independent woman pero alam ko ring marupok ka pero sana magdesisyon ka naman para sa sarili mo hindi dahil sa mga taong nakapaligid sayo. You're 22 freaking years old pero lagi yung sinasabi ng iba ang pinapakinggan mo. Look, your cousin Nickie, she's happy now and I can see it through her eyes" bulalas ni Mae sa akinna nakayuko na

"You don't know anything, Mae. Yes, she's might happy now but I know that happiness she has now will fades away soon when she knew everything." Sagot ko naman sa kanya habang nakauyo pa rin.

Summer LoveWhere stories live. Discover now