Chapter 11

46 3 0
                                    

"Sa café na tayo mag-breakfast. Dalhin mo na rin ang gamit na kailangan mo, we can review there if ayaw mo naman, liblary tayo" sambit ni Mae pagkabangon ko sa higaan.

Hindi ko siya agad sinagot at dumeretso sa bathroom para maligo at magbihis na agad. Magtatanghali na rin ng magising ako kaya hindi ko na inisip ang breakfast.

Inayos ko ang mga gamit ko, isang libro na tinatapos kong reviewhin ang dinala ko at nagpaubaya na kay Mae kung saan kami pupunta. Bumaba na kami sa unit at naabutan si Jahnice at Hendrix sa lobby. Nagtanguan lang kami at walang imik na umalis. Naglakad lang kami papunta sa isang café at nang makarating ay umupo na agad sa may dulong bahagi.

"Order niyo?" tanong sa amin ni Hendrix ng makaupo kami

"Libre mo?" tanong ko agad. Alam ko na may sa pagkakuripot 'tong isang 'to.

"KKB, baliw" sagot niya agad

"Kelan Ka manlilibre, Baliw? yun ba meaning ng KKB?" pang-aasar ko sa kanya

"Gusto mo manahimik, Senna?" at iyon na nga ikinatahimik ko.

"Coffe Latte and blueberry cheesecake" sagot ko sa kanya at pasimple pang tumagawa ang tatlo. Mga abno talaga.

Kinuha lahat ni Hendrix ang order namin pati na rin ang mga bayad, hindi talaga papatalo si loko. Habang hinihintay ang order namin, sinimulan ko na mag-highlight ulit sa libro ko. Busy naman sila Jah at Mae sa mga cellphone nila, well hindi pa sila magbo-board exam kaya chill pa.

"Here you go guys. Kainin niyo yan ha, bawal magtira, minsan lang ako manlibre" tuloy-tuloy na sambit ni Hendrix habang ibinababa ang mga order sa table namin.

"Kapal mong hayup ka" singhal sa kanya ni Mae

"Bagay pala sayo maging waiter, wag ka na mag-Engineer kuripot ka rin naman baka pati materyales sa gagawin na project kurakutin mo" pang-aasar ko sa kanya

"Gago" sambit niya sabay iniwan ang tray na walang laman sa katabing table at umupo na sa tabi ni Jahnice.

Tahimik lang kaming apat habang nagre-review kami ni Drix. Mukhang itong café na 'to ay tambayan talaga ng karamihan sa mga nagre-review and most of the people here are students of UST. Hindi na ako nagtaka kung bakit The One Torre De Santo Tomas 'to. It's a huge cafe to accommodate all the students who want to save their past times.

"Wanna go to different café?" kapagkuwan ay tanong sa amin ni Mae habang kumakain pa rin. I don't know kung pang-ilang order na niya yun ng cake.

"San naman?" tanong naman agad ni Jahnice

"Coffee Project, walking distance. Diyan lang yun sa may Tolention St." sagot naman agad niya.

"You son of bitch, count me in" sagot ako ni Jahnice sabay turo kay Mae at inirapan, hindi ko talaga alam ano sapak ng mga utak ng mga 'to.

"Come on guys! Madami pang café dito. We can go there as many times we want." nakangiti niyang sambit habang inaayos ang gamit niya. "You know, Senna madami kang mami-meet dun. You want sa café tayo near San Beda, madaming papi dun or walk along Arellano University, baka bet mo ng mga Law or RadTech student, masarap din este yung mga pagkain lalo na yung Unli Wings" dagdag niya pa kaya napapailing ako sa kanya. Gala talaga 'tong babaitang 'to.

"Pati mga taga-Beda alam na alam mo ha. LaCo may alam ka rin? CEU, UE, FEU, Mapua, ano?" tuloy tuloy na tanong ni Jahnice sa kanya habang palabas kami ng café

"Kulang pa girl, NU pa" dagdag pa ni Mae sabay tatawa tawa siyang napapailing 

"Halos ata ng university dito sa ubelt napasok mo na" sambit ko sa kanya

Summer LoveWhere stories live. Discover now