Chapter 9

53 3 0
                                    

"Ma, nasaan sila Drix at Mae?" tanong ko agad ng makalabas ako ng kwarto ko. Ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.

"Iinom inom ka tapos hindi mo kaya. Ikaw talagang bata ka" bulyaw sa akin ni mama at inabot sa akin ang isang tableta at tubig.

"Umalis na ang mga kaibigan mo, babalik na lang daw kapag malapit na ang board exam. Aasikasuhin daw muna nila ang graduation nila tsaka na raw ulit magbabakasyon" dere-deretsong sambit ni mama habang pinapainom ako ng gamot pampawala ng sakit ng ulo.

"Eh si Jahnice, ma, nagpunta ba dito?"

"Oo kaso tulog ka pa. Nagpapaalam na doon daw muna siya sa Manila kasama ang magulang niya."

"Ah sige po" tanging sagot ko lang. Magiging tahimik ako ng ilang araw habang wala sila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

Agad kong binagsak ang sarili ko sa sofa habang nakatingala sa ceiling. Iniisip ko kung anong mga gagawin ko sa susunod na araw, tinatamad akong mag-review para sa board exam. Gusto ko sana, magpahinga lang muna bago ang exam.

"Oo nga pala, tumawag ang Kuya Maverik mo. Susunduin daw niya tayo bago mananghalian kaya ayusin mo na ang gamit mo." sambit ni mama habang inilalapag ang almusal ko sa center table.

"Opo pero bago tayo umuwi, dadaanan muna ako sa site namin sa may De La Salle. Titignan ko po kung ano nang nangyari roon panigurado eh tapos na yun" nakangiti kong sambit kay mama

"Sige ba, para makita rin namin ano kinalabasan ng pinagkaabalahan mo nitong mga nakaraang term mo" nakangiti niyang tugon at iniwan na ako para mag-ayos ng mga gamit namin.

Natapos ako sa pag-aagahan, niligpit ang pinagkainan at iniwan muna si mama sa unit ko. Lumabas muna ako para hanapin ang namamahala sa mga unit dito. I'm just renting my unit since I started entering college.

"Aalis ka na?" bungad sa akin ni Ate Dianne pagkalabas ko ng unit.

"Oo Ate Dianne, marami rin akong memories na maiiwan dito pero wala naman akong sapat na pera para bilhin ang unit na 'to" malumanay kong tugon pero may lungkot sa boses ko

"Bibisita ka pa rin dito ha" sabat naman ni Zess

"Syempre naman. Ngayon, kailangan ko munang kumita malaki na ang nagastos nila mama sa akin" natatawa kong sambit sa kanila

"Oh siya, nanjan ba ang mama mo?"

"Oo ate, pakitulungan na lang siya pwede? Pupunta lang ako sa information desk para maayos ang pag-alis ko"

"Sige na, dalian mo na baka mag-antay ang kapatid mo" natatawang tugon ni Ate Dianne. Kilala niya si Kuta Maverik dahil batchmate sila noong highschool kaso may mga kalokohan si kuya kaya ayun, hindi alam saan patungo.

Dumeretso na agad ako sa information desk para ayusin ang mga papers na kailangan para sa pag-alis. Agad din namang naaprobahan dahil ayun sa kontrata ko ay 6 years stay lang ako pero may isang taon pa kaya ibinalik ang panghuling bayad ko.

"Salamat po Ma'am Mirriam" sambit ko at nakipagkamay sa kanya

"Hindi ko paparentahan yang unit mo, hahayaan ko lang yan jan. Aantayin ko ang pagbabalik mo, Engr. Senna" nakangiti niyang tugon.

"Tsaka niyo naman po ako tawaging Engineer kapag nakapasa na po ako sa board exam at sisiguraduhin ko po, nakadikit na roon ang apelyido hindi lang ang pangalan ko" nakangiti kong tugon sa kanya

"Makakapasa ka, ikaw pa ba? Kaya mo yan" at sabay nagpaalam na ako sa kanya tapos bumalik na sa unit ko.

Naririnig ko ang ingay na nagmumula unit ko pagkalabas ko ng elevator. Mukhang hindi lang sila Ate Dianne at Zess ang naroon. Agad akong pumasok at nakita silang nagsisiyahan sa may sala.

Summer LoveWhere stories live. Discover now