"Drix?" bulalas ko pagkalabas ng kwarto
"Oh gising na yung tulog mantika" saad ni Mae kaya inirapan ko lang siya
"Bida ka na naman, si Drix yung pinansin ko oh" sagot ko naman sa kanya
"Ginagawa mo rito? Nasa Manila ka na ah" baling ko kay Hendrix
"Ayaw mo ba ako nandito?" baling niya naman sa akin
"Abno, bakit nga? Akala ko iniwan mo na tuluyan si Jah, magce-celebrate sana kami"
"Baka magawa ko yun" nakangising sambit niya
Naupo ako sa may couch sa sala habang pinapanood ang dalawa na abala sa kung anong ginagawa nila.
"Ito pala yung requirements na kailangan sa Eco State Firm, nagpunta na ako roon nung isang araw bago ako bumalik dito" saad ni Hendrix sabay inabot sa akin ang mga papeles
"Seryoso ba 'to?" taka kong tanong sa kanya pero may ngiti sa mga labi
"Malamang, magugulat ka kung sino head engineer. May project na rin palang naghihintay sa atin, pag-aapply mo na lang kailangan"
"Bakit ako?"
"Bakit hindi mo tanong sa head engineer?"
"Sino ba?" tanong ko pero wala akong natanggap na sagot sa kanya
Bumalik ako sa kwarto ko para ayusin ang mga papeles na kakailangain. College Diploma ang importante at kailangan din ng ilang blueprints. Kinuha ko ang canister ko at ayos pa naman ang mga blueprints ko kaya hindi na ako nag-abala na gumawa pa.
"Drix, nakausap mo ba yung CEO ng firm?" tanong ko sa kanya habang palabas ulit ng kwarto
"Hindi, yung HR lang humarap sa akin pero sabi ng head engineer kapag kumpleto na raw ang team tsaka raw magkakaroon ng meeting para mapaliwanag ng buo ang project" pagpapaliwanag niya naman at napatango ako
"Last time kasi, sabi sakin ng secretary ng CEO ng firm gusto daw ako nun makausap. Baka kako may idea ka sa kanya kung sakaling nakausap mo" saad ko naman
"Baka bet ka" pang-aasar niya sakin
"Sira, bawal sa trabaho yun" natatawa ko namang sambit at binato sa kanya ang canister ko
"Matutuwa sana ako kung may laman 'tong blueprints eh"
"Hindi ka na nagbago, hilig mo manggamit ng ibang gawa"
"hoy isang beses ko lang ginawa yun, nagmamadali"
"Ang dami mong kaibigang Architect Student dun, hindi ka nagpatulog"
"Edi may nagselos" saad niya at tumingin kay Jah na kakarating lang ng bahay.
"Ano the, gulat na gulat?" pang-aasar ko sa kanya.
Agad na nilapitan ni Jah si Drix kaya napailing na lang ako sa naging itsura ni Mae. Para siyang nakakita ng tae, diring diri.
"Mae, nanjan si kuya oh" pang-aasar ko sa kanya kaya agad siyang napatayo.
"Gago ampota!" sigaw niya sa akin na halatang gulat na gulat pa rin
"Sayang walang video, ganda sanang panoorin paulit-ulit eh" pang-aasar ko sa kanya ulit.
Tinitigan lang ako ni Mae ng masama. Maski si Jahnice at Hendrix ay taawang-tawa sa naging reaksyon niya. Hindi naman kinalaunan ay dumating nga si Kuya pero wala man lang kaemo-emosyon ang mukha. Tinignan ko naman nag mukha ni Mae na hindi magawang makatingin sa amin.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen Fiction(Summer Series #2) Senna Guevara, a simple selfless province girl who doesn't care about the wealth of their family because she believes she don't own anything from that. She always depend on everyone told her and do it for them. So, when her cousin...