Chapter 19

25 3 0
                                    



"Aga mo naman nandito" saad ko nang makita si Kuya sa may kusina ng bahay. Madalas kapag marmi kasing bisita sa resprt, doon na siya tumitigil. Nakakapagtaka lang at nagpapabalik-balik siya rito

"Bahay ko rin 'to" simple niyang sagot pero hindi man lang tumitingin sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at umalis na sa kusina.

Pumunta ako sa tapat ng bahay para tumambay. Tulog pa si Mae kaya walang mangungulit sa akin, hindi ko naman kung nasaan ang dalawang ibon.

"Hindi mo ko ginising" singhal ni Mae nang makita ko sa labas ng pintuan

"Sana sinabi mo kagabi na gisingin kita para napag-isipan ko kung pa'no ka gigisingin" nakangisi kong sambit sa kanya

"Napakabrutal mo talaga" singhal niya ulit at umalis na sa harapan ko.

Ilang araw o halos linggo na akong nananatili rito pero ayos lang din dahil kahi papaano ay nalilibang ako. Nasisigurado ko, kapag nagtrabaho na ako sa firm ay wala na akong oras para magbakasyon pa at magliwaliw.

"Senna!! Senna!!" sunod-sunod na sigaw ni Jahnice paakyat ng bahay

"Ii-stapler ko na yang bunganga mo, napakaingay" singhal ko naman sa kanya

"Nanjan pala si Miguel ah" saad niya at nawalan agad ako ng gana na kausapin siya

"Tapos?" walang buhay na sagot ko sa kanya

"Ampalaya kayo jan!" sigaw naman niya at saktong lumabas si Mae at tatawa-tawa pa

"Oh ano na ngang kwento ghorl?" pag-uusisa ni Jah at umupo pa sa tabi ko

"Spill the tea" masayang saad pa ni Mae

"Spill the tea ha? E, kung itapon ko sainyo 'tong kape na iniinom ko? Kapeng barako pa naman 'to, matapang baka magustuhan niyo" sagot ko sa kanila at akmang itatapon sa kanila kaya nagsitayuan sila at umiwas sa akin

"Puro kabrutalan na lang nanjan sa isip mo" singhal ni Mae at inirapan ako

"Puro pakikialam naman sa buhay ko ginagawa niyo" singhal ko pabalik sa kanila

"Buti nga pinapakialaman namin eh, magulat ka kung si Miguel pakialaman namin edi nag asa baluta ka na" natatawang sambit ni Jah at nag-apir na naman sila ni Mae

"Tigil tigilan niyo na nga si Senna" saad ni Hendrix kaya naman natuwa ako. "Baka umiyak yan, mahirap magpatahan ng isip bata" saad niya pa kaya inirapan ko na lang siya. Pumasok na ulit ako ng bahay pero rinig na rinig ko mga tawanan nilang tatlo.

Wala akong ginawa maghapon kung hindi ay magkulong sa kwarto ko. Hindi na rin naman ako ginulo nila Mae pero hindi ko alam kung saang lupalop na naman ng lugar na namin naglalagi ang mga yun. Nakarinig ako ng mga mahihinang katok galing sa labas ng kwarto ko kaya tumayo ako para tignan iyon.

"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong aagd sa kanya nang pagkabukas ng pintuan

"Are you not happy to see me here?" nakangisi niyang tanong

"Your friends told me na nag-iisa ka rito kaya sabi nila mapapalabas kita ng kwarto mo to have fun" saad niya pa kaya naapairap ako.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na nakatingin sa amin sa may labas ng pintuan at lahat sila naka-peace sign. Inirapan ko ang mga 'to paara pumasok sa kwarto ko at sinarado ang pintuan. Nagpalit lang ako sandali bago lumabas ulit.

"I thought you wouldn't come" nakangiti niyang sambit sa akin habang nakasandal sa may gilid ng pintuan

"Feeling ba pangalan mo?" nakakrus ang mga braso kong tanong sa kanya

Summer LoveWhere stories live. Discover now