Chapter 20

37 3 0
                                    


"Tita" rinig kong tawag ni Nickie kay mama na nasa kusina at nasa sala naman ako. Kakabalik lang ni mama galing Bicol kaya dito naman siya maglalagi sa bahay at resort.

"Bakit ineng?" tanong niya naman agad

"Pwede po ba magpahain ng tanghalian? Nandyan po kasi ang mga kaibigan ko, wala pong mga stock ng pagkain sa rest house" malambing niyang sambit

"Ayun lang ba? Sige ako na ang bahala, dadalhin ko na lang sa gazebo" masayang sambit ni mama base sa tono nang pananalita niya.

Umalis na rin si Nickie kinalaunan kaya pinuntahan ko naman si mama sa kusina. Napansin ko na madaming nakahandang putahe, mukhang madami siyang lulutuin ha.

"Ang dami ha" bulalas ko naman habang hinahawakan ang iba't ibang putahe

"Minsan lang naman yan" simpleng sagot ni mama habang naghahalo

"Minsan nga lang naman" saad ko at umirap sa hangin

"Tulungan mo na lang ako"

"Wag na ma, baka maisipan kong lagyan ng lason"

"Senna, yang bunganga mo ha"

"Tsk"

Umalis na ako ng kusina. Iba rin ang pamilya ko, ang daming time para sa iba. Hindi naman ako nagseselos dahil naiintindihan ko naman sila na mayroon silang iba't ibang responsibilidad pero yung sa akin man lang sana maisipan din nilang may naghihintay sa kanila. Si Kuya Mak, halos sa resort na tumira, si mama puro bisita ang inaatupag at si daddy, hands on sa hardware niya sa Bicol at sa taniman niya. Halos bibihira kaming magkasama-sama.

"Mas maasim pa yang itsura mo sa manggang kinakain namin" saad ni Mae pagkarating sa bakanteng lote na may kubo katabi ng resort ng mga Sandoval.

Sa mga Sandoval pa rin itong bakanteng lote pero hindi pa nila ine-extend ang resort nila kaya naging taniman ito ng mangga at langka, nilagyan lang ng kubo para may matatambayan.

"Kailan ka pa natutong kumuha ng mangga?" tanong ko sa kanya pagkaupo ko

"Wala akong sinabi na ako nanguha. Baka iyon" sabay turo niya kay Miguel at Hendrix na nasa taas ng puno at si Jah naman ang tagapulot ng mga nalalaglag na mangga

"Aos, mauubos na mga pinapanguha nila pero hindi pa sila nakakatikim" saad ni Jah nang dalhin niya ang isang basket na may mangga

"Masarap, gusto mo?" alok sa kanya ni Mae

"Magbalat ka" saad niya ulit ng akmang kunin ni Jah ang inalok niya

"Mabulunan ka sana" saad naman sa kanya ni Jah.

Napailing na lang ako sa bangayan ng dalawa. Bumaba na rin sa punong inakyatan nila si Miguel at Hendrix at lumapit na rin sa kubo kung nasaan kami.

"Mangga ba 'to?" takang tanong ni Mae habang hawak ang isang mangga

"Takaw takaw mong kumain, hindi mo alam kung mangga yan" saad sa kanya ni Hendrix

"Ang baho, amoy gamot" dagdag pa ni Mae

"Tungaks, apple mango kasi yan. Tikman mo, masarap" sagot ko naman sa kanya at binalatan ang mangga

Halos masuka si Mae nang tikman ang mangga kaya ang lakas nang tawanan naming lahat.

"Napakatakaw kasi" sambit ni Miguel kaya inirapan lang siya nito

"Gusto mo tubig?" alok ni Jah sa kanya at tumango naman.

Nakatalikod si Mae sa may dagat kaya hindi niya makikita kung ano ang ginagawa ni Jah. Malakas ang kalokohan ni Jah, sa dagat siya kumuha ng tubig at dahan dahan na bumalik. Inabot niya ang baso na may tubig kay mAe habang nagpipigil ng tawa.

Summer LoveWhere stories live. Discover now