Chapter 16

35 2 0
                                    

"Ate Senna, pumunta ka raw sa bahay ng mga inay." Sambit ni Jerome pagkadating niya sa bahay

"Bakit?" tanong ko naman habang nagsusuklay ng buhok, kakagising ko lang kasi

"Nandun mga kaibigan mo tsaka nagluto ang inay" at napatingin ako sa orasan sa may salamin namin sa sala, tanghali na rin pala.

Sumunod na ako kay Jerome papunta sa bahay ng mga inay. Habang naglalakad kami, ngayon ko lang nakita ang pinagbago ng lugar namin. Tanging taniman na lang ng saging ang malapit sa kalsada at wala ng tanim na mga tubo.

"Nakauwi ka na pala ulit, Cloe" bati sa akin ng kapitbahay namin na si Ate Airene kasama ang anak niya na si Maureen.

"Noong nakaraan pa po, hindi lang masyadong nakakagala." Nakangiti ko namang sambit

"Gumaganda ka ata lalo, iba talaga kapag nakakarating ng Maynila" saambit ng Ninong Larry ko na naglalakad papunta sa bahay nila ate Airene

"Nambola ka na naman, ninong" natatawa kong sambit sa kanya at nagpaalam na para dumeretso na sa bahay ng mga inay.

Hindi naman kalayuan ang mga bahay dito pero mapapatagal ka talaga kapag binati ka ng mga kapitbahay niyo. Makikipagkwentuhan ka muna bago ka makalampas.

Pagkadating ko sa bahay, napansin ko na agad ang tahimik.

"Pinagti-tripan mo na naman ba ako, Jerome?" pagtatanong ko sa kanya at napansin na napakamot siya sa ulo niya

"Gusto mo sakal?" paghahamon ko sa kanya at agad naman siyang tumakbo sa loob ng bahay kaya hinabol ko siya.

Nagulat naman ako sa bahay na walang kailaw-ilaw. Maliwanag naman sa labas pero dito ay madilim dahil sarado ang kabilang pinto at mga bintana kahit ang dalawang kwarto. Biglang may sumabog na party popper na ikinaiktad ko at kasabay nun ay ang pagbukas ng ilaw.

"Surprise!!!" sabay-sabay nilang sigaw na ikinatuwa ko naman. Nandun sila Jah at Mae na may hawak na cake na may nakasulat na 'congratulaions' at ilang mga pinsan ko.

"Hindi naman kailangan ng gan'to" naiiyak kong sambit

"Kailangan syempre" saad ni Daddy na kakalabas lang ng kwarto kasama si Kuya at Mama na may mga matatamis na ngiti

"Congratulations Engineer Cloe Senna Austin" basa ni Mama sa tarpaulin na nasa labas ng bahay habang naglalakad kami palapit doon.

Napuno ng tuwa ang puso ko sa ginawa ng pamilya ko para sa akin. Hindi ko inakala na mag-aabala sila ng ganito samantalang hindi ko naman sinabi sa kanila ang tungkol sa pagpasa ko sa board exam.

"Paano niyo po nalaman?" tanong ko sa kanila habang pinupunasan ang mga luha ko dulot ng saya

"Ayan oh" sabay turo niya sa dalawa kong kaibigan na naka-peace sign ngayon kaya napailing na lang ako.

"Hipan mo muna 'to. Nakailang sindi kami dito para lang mahipan mo" utos sa akin ni Mae kaya napatawa ako. Pinikit ko ang mata ko at humiling muna bago hipan. Nagsipalakpakan naman silang lahat pagkaihip ko.

Inilabas naman ng mga pinsan ko ang mga niluto nila kanina at salo-salo kaming kumain lahat. Tinawag din ng inay ang ilang kapitbahay namin para sumalo sa amin. Puro papuri at pagbati ang natanggap ko sa kanila at tanging ngiti ang tugon ko sa kanila

"Nasaan ang love of my life mo?" tanong ko kay Jah habang papalapit sa kanila at umupo sa duyan

"Iniwan siya" pang-aasar ni Mae sa kanya habang kumakain

"Kaya pala pinagsakluban ng langit at lupa" dagdag kong pang-aasar sa kanya

"Tangna niyong dalawa" sambit niya sa amin kaya napatawa naman kami sabay nag-apir pa

Summer LoveWhere stories live. Discover now