Chapter 22

34 3 0
                                    

"Ma, alis na ako" sambit ko kay mama habang palabas ako ng kwarto ko.

Ngayon ako babalik ng Maynila kasama ang mga kaibigan ko bukod kay Jahnice dahil siya ang magpapatakbo ng farm nila pero bibisita naman siya sa amin paminsan-minsan.

"Siguro ka na, anak?" tanong ni mama habang hawak hawak ang braso ko

"Ano ba ma? Hindi naman ako mag-iibang bansa. Magtatrabaho ako sa firm, ma" natatawa ko namang sambit kaya natawa rin siya

"Nangangailangan din kasi ang tito mo ng mga bagong Engineers sa firm nila kaya baka naman" saad ni mama na tinutukoy ang firm ng mga Sandoval, ang Engineering and Architectural Sandoval Firm

"Ma, nauna na akong um-oo sa Eco State Firm at may project nang naghihintay sa akin" pagpapaliwanag ko naman

"Pero hindi ka pa naman pumipirma ng kontrata" saad ni Kuya na kakapasok lang ng bahay

"Kahit na Kuya, nagsisimula pa lang ako sa profession ko kaya ayaw ko namang masira"

"Yan ka na naman Cloe, lagi na lang yung masasabi ng iba yung iniisip mo. Hindi ba pwedeng gawin mo yung dahilan kung bakit mo pinili yang propesyon mo? Punyetang mga bunganga ng iba na yan, may masabi lang hindi alam may nasasaktan sila" sigaw ni Kuya na ikinagulat naman naming lahat.

Biglang napalabas ng kwarto si Mae dahil sa pagsigaw ni Kuya. Halata ang pagtataka sa mukha niya pero iniwas niya agad ang tingin niya kay Kuya.

"Mauna na ako, ma. Ingat po kayo" saad ko ng makalabas ako ng bahay

"Ikaw ang mag-ingat anak pero sana pag-isipan mo ang sinabi ko" saad ni mama at niyakap ako.

"Mae, tara na. Naghihintay na si Drix sa baba" tawag ko kay Mae na palabas pa lang ng bahay

Napansin ko na lumabas galing kusina si Kuya at napatingin sa akin. Hinatak niya sa may braso si Mae kaya napatigil siya.

"Keep safe" rinig kong saad ni Kuya kay Mae

"Noong safe ka sa akin, kineep mo ba ako?" tanong sa kanya ni Mae na ikinabilog ng bibig ko dahil sa gulat.

Nabitawan ni Kuya ang brasong hawak niya kay Mae. Tinalikuran niya  ito dahil siguro sa pagkahiya. Umirap sa hangin si Mae at lumakad na papalapit sa akin.

"You got it bad ghorl" natatawa kong sambit sa kanya

"Shut up, Senna" iritado niyang sambit sa akin na ikinibit balikat ko na lang.

Naglakad na kami papunta sa sasakyan ni Hendrix. Hindi ko alam sa lalaking 'to kung saan niya napupulot ang mga sasakyan niya kasi wala naman siya dalang sasakyan kapag pumupunta sa amin o sadyang hindi ko lang nakikita.

"Pinagsakluban ka ata ng langit at lupa" sambit ni Drix nang makalapit kami sa kanya at binubuksan ang compartment ng sasakyan niya

"Baka gusto mong baon kita sa lupa para makita mo na ang langit" mataray na sagot sa kanya ni Mae at patabog na binuksan ang pinto ng sasakyan at sinara nang malakas.

"Anyare dun?" takang tanong ni Drix

"Hindi raw siya kineep nung safe siya sa kanya" natatawa kong sagot sa kanya

"Alam na, iniwan o siya ang nang-iwan"

"Actually both, iiwan na siya dapat kaso nauna siya ng ilang minuto kaya siya yung nang-iwan pero iniwan din."

"Ha?"

"Oh di ba magulo, hindi ko rin alam ano ganap sa kanila eh"

Napailing na lang si Drix at pumasok na sa driver's seat ako naman sa passenger's seat. Nagbyahe na kami papuntang Manila. Tahimik lang kami hanggang sa makalabas ng bayan. Naisipan ni Drix na buksan ang radio ng sasakyan niya kaya naman nagkaroon ng kaunting ingay.

Summer LoveWhere stories live. Discover now