Chapter 2

87 7 0
                                    


Nagising ako sa pagkalansing ng kutsara at takip ng kaldero. Pinapatunog ito ng napakagaling kong kapatid. Kakauwi ko lang dito sa bahay namin kagabi.

"Gising na! Gising na!" sigaw niya at pinagkalansing naman ang kutsara at takip na kalderong hawak hawak niya.

"Hindi ba pwedeng matulog muna ako? Umuwi ako rito para magpahinga hindi ma-highblood dahil sayo" iritado kong sagot sa kanya at tumayo na sa kama ko lumabas ng kwarto ko.

"Dami mong satsat, babangon ka rin naman" natatawa niyang sambit.

"Aga aga nag-aaway na naman kayong magkapatid" saway sa amin ni mama nang makapasok siya ng bahay.

"Ito, si Kuya ginising ako ang sarap sarap ng tulog ko eh" pagrereklamo ko naman at tinignan siya ng masama.

"Nako ka talaga Maverik" sabay pinalo siya ni mama kaya pinagtawanan ko siya.

Lumabas ako ng bahay para magpahangin. Matapos ni mama pagalitan si Kuya, pumasok na agad siya sa pagsi-sideline niya at si mama naman tinulungan ang panganay naming kapatid sa resort na pagmamay-ari ng Sandoval noo.

Humihigop ako ng mainit na kape habang nakatanaw lang sa mga berdeng puno't halaman sa tapat ng bahay namin. Nakakagaan talaga ng pakiramdam ang katahimikan.

"Hey sis" muntik ko nang madura sa kanya ang iniinom kong kape dahil sa gulat.

"Pati ba naman dito, susundan mo ko. Wala bang araw na hindi muna kita makakasama?" iritado kong sagot sa kanya.

"Lalagyan ko na talaga ng busina yang bibig mo, ang sama mo sa akin" kunwaring pagtatampo niya kaya napailing ako sa kanya.

"Tanga, hindi bagay sayo. Mukha kang asong nau-ulol" natatawa kong sambit sa kanya kaya inirapan niya lang ako.

"Ano ba pakay mo rito? Kala ko ba bibisita ka sa Manila, di ba naroon mga magulang mo?"

"Nandun naman kapatid ko tsaka kaya na nilang asikasuhin kung ano mang kailangan nila roon. Ang pakay ko rito, ang makita si Hendrix" tuwang-tuwa niyang sambit. Wala talagang pakialam si Jahnice sa business ng pamilya nila, basta nakakapag-aral siya at nasusunod ang gusto niya sapat na yun sa kanya.

"Taena, highschool pa lang tayo patay na patay ka na kay Hendrix ha! Tumawag sakin yun kahapon, kaya pala may pa-see you soon, pupunta rito" napapailing kong sambit sa kanya at nakita ko naman ang pag-ismid ng mukha niya. Kilalang heartthrob si Hendrix Velasco noong highschool kami at kilala ring gamer yun, bago pumasok ng school mag-aaya ng laro ganun din pagkatapos ng klase. Hindi ko alam bakit madami ang nababaliw sa kanya, kaya hindi na ako magtataka kung patay na patay din 'tong si Jahnice lalo na naging ka-blockmate namin yun at naging kaibigan din.

"Bakit tumawag sayo, sakin hindi?"

"Alam mo Jahnice, wag kang mag-inarte jan, hindi ka maganda. Punta ka ng Manila baka matuwa si Hendrix kasi may isang nakababa ng bundok sa atin" pang-aasar ko sa kanya.

"Masaya na ko rito, masyado lang siyang mapaghangad. Hahanap pa siya ng iba, nandito naman ako" sabay hawi niya sa buhok niya kaya iniwan ko na siya sa labas ng bahay. 

Naligo agad ako nag-ayos ng kailangan ko. Madami pa akong aasikasuhin para sa graduation namin at magte-take pa ako ng board exam kaya habang nandito kailangan ko mag-review.

"Nandito ka pa rin, tibay ha" pasimula ko nang makita si Jahnice na nakaupo sa duyan.

"Obvious ba?" mataray niyang sambit

"Wag mo kong tarayan, tanggalin ko yang mata mo, tignan natin kung makita mo pa si Hendrix o kaya naman tenga mo tanggalin ko para hindi mo marinig kapag sinabi kong gusto mo siya" pang-aasar ko sa kanya kaya bigla naman siyang napaupo sa duyan.

"Tang'na nam-blackmail ka na naman. Ano ba kailangan mo?"

"Katahimikan, maibibigay mo?"

"Of course, takpan mo lang tenga mo, tatahimik"

"Gago"

"Ka"

"Rin"

"Period"

"Aminado ka?" at natatawa ko siyang tignan nang ma-realize niya kung anong sinabi niya.

"Oo inday, ikaw lang hindi. Painosente ka, tignan mo kapag si Mae ang dumating kawawa ka sa amin" pagmamayabang niya sa akin. Isa rin sa mga naging kaibigan namin noong highschool si Mae, kilala bilang isang party goer pero disiplinado at balanse ang pag-aaral at pagpa-party niya. Minsan nasosobrahan kaya pati kami nadadamay. Kaso sa Manila na siya nag-aral ng college kasama si Hendrix at kami naman ni Jahnice ang naiwan dito sa Batangas at dito nag-aral pero Lipa naman hindi dito sa lugar mismo namin.

"Kelan ako nagpatalo sainyo?"

"Let's see"

"Nanjan si Hendrix" at bigla siyang napabalikwas kaya wala akong humpay kakatawa sa kanya.

"Ganyan pa lang ginagawa ko, nawawalan ka na sa katauhan mo. Magsama kayo ni Mae, baka umiyak lang kayo sa akin"

"Bago ko nga pala makalimutan, fiesta sa bayan bukas may concert, pupunta tayo. Hindi kita tinatanong kung pupunta tayo o hindi kaya wala kang choice kundi sasama ka sa akin."

"Pala-decide ka ha. Magre-review pa ako para sa board exam at paalala ko lang, graduation natin next month kaya di uso chill ha"

"I don't take no as answer, inday alam mo yan"

"Then accept now!" at pumasok ulit ako ng bahay para ayusin ulit ang mga gamit ko.

"Nahh ahh!! sasama ka sa akin" pagpigil niya sa akin at hinarap ko siya.

"Anong mapapala ko kapag sumama ako sayo? Sayang lang sa pera yan" iritado kong sagot sa kanya.

"Siguro wala kang mapapala pero masaya talaga yun! Ngayon na nga lang ulit tayo nandito oh. Please sumama ka na, sagot ko na pamasahe mo pauwi sa unit mo, samahan mo lang ako"

"Okay, deal! pero hindi tayo magtatagal" pumayag agad ako, bawas gastos din yun.

"Mautak! Bwiset, ako yung Accountancy student pero nauutakan ako ng Engineering student" napapailing niyang sambit sa akin.

"Well, wala yan sa posisyon nasa pangangailangan yan" natatawa kong sambit sa kanya at tinapos na ang ginagawa ko.

Dumating ang hapon, nagpunta ako sa tabing dagat para panoorin ang paglubog ng araw. Pinapanood ko rin ang mga batang naglalaro sa low tide na tubig. Naalala ko tuloy ng kabataan ko, ganyan din gawain naming magpipinsan hanggang sa nangyari ang aksidenteng yun. Simula noon, ayoko na ng mga fiesta naaalala ko lang pagkawala ni papa, malaki rin ang naging epekto nun. Binalot kami ng takot at pangamba at masakit dahil marami ang nagbago. Nagkasira-sira ang dating maayos at nagkanya-kanya na.

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha ko sa alaalang yun. Masakit talaga maiwan at makalimutan ng mga taong pinahalagahan mo noon hanggang ngayon.

Ano kaya kami ngayon kung hindi nangyari ang mga yun, kung hindi lang naging pera ang dahilan panigurado masaya kaming lahat ngayon.

"Hey" nagulat ako ng may bumati sa sakin.

"Kuya, ginagawa mo rito? Tapos na trabaho mo?" pag-uusisa ko naman at hindi pinahalatang umiyak ako.

"Wag mo ba itago, nakita ko na. Wag mo na isipin yun, masaya na si papa kung nasaan siya at bumawi na lang tayo sa mga nawala noon. Balita ko babalik ang mga Sandoval dito" dere-deretsong sambit ni kuya at nginitian ako.

"Bakit naman?"

"Hindi ko alam pero isa lang sana ang hiling ko, ayusin mo ang dapat ayusin hindi ako makikialam. Malaki ka na, Senna"

Matapos nang pag-uusap namin ni Kuya, umalis na siya at bumalik sa trabaho niya. Bumalik na rin ako ng bahay para tulungan si mama maghanda ng hapunan.

May mga bagay talagang kailangan na lang tanggapin at ibaon sa limot para maghilom ang mga sugat dulot ng nakaraan.

Matapos ang hapunan, nagpahinga na ako agad. Kakauwi ko lang dito pero pakiramdam ko sobrang dami kong kailangan gawin. Hays






---

Summer LoveWhere stories live. Discover now