"Around BGC lang din naman ang main building ng Firm ng tito mo at ang Eco Stae Firm kaya hatid na kita" saad ni Hendrix pagkakita namin sa front ng unit nila
Maaga akong kumilos para dumeretso sa firm nila tito para ipasa ang requirements ko at sakto naman paalis pa lang si Hendrix kaya inaya na niya akong sumabay.
"Do I have any choice?" tanong ko habang pasakay ng sasakyan niya
"Wala, hindi mo rin naman kabisado rito" saad niya
"Napakayabang mo, antayin mo kapag nakabisado ko ikot-ikot pa kita" pagmamayabang ko naman sa kanya
"Imposible" saad niya at sinulyapan niya ako sandali
Napailing na lang ako sa kanya at tumingin na lang sa labas. Malaki talaga ang pagkakaiba ng rural sa urban, masasabi kong mas gugustuhin kong manatali sa liblib na lugar kaysa sa maingay at mausok na rural.
"Final na talaga?" kapagkuwan ay tanong sa akin ni Drix
"Yah! And I think maiintindihan naman ako ng Eco State Firm" naiilang kong sagot sa kanya
"Don't mind them, focus on your goal" nakangiti niyang sambit habang pinapausad ang sasakyan.
Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin dahil makailang ulit kaming naipit sa traffic. Kahit anong aga mo, nanjan yung traffic laging naghihintay sayo. Maiirita ka na lanv sa sobrang tagal umusad eh.
"I'll just drop you by here, walking distance na lang naman yung firm nila" saad ni Hendrix ng tumigil ang sasakyan
"Oww sure... Thank you by the way" sambit ko sa kanya at ngumiti lang siya.
Bumaba na ako ng sasakyan niya at kumaway para magpaalam, umalis din naman siya agad. Naglakad ako sa gilid ng mga nagtataasang building, hinahanap kung saan yung building ng firm nila tito.
Nakakahiyang magtanong sa mga taong nandito, masyado silang nakaka-intimidate. Palinga-linga lang ako sa bawat building tinitignan ang mga pangalan nito.
Matapos ang mahabang lakaran ay nakita ko rin agad ang firm nila tito. Ilang kamag-anak pa namin ang nagta-trabaho rito kaya paniguradong makikilala nila ako.
"Hi, saan po ang HR? Mag-aapply po sana ako" tanong ko sa information desk pagkapasok ng building
"ahmm... hello, are you Ms. Guevara?" tanong niya sa akin na ikinapagtaka ko. I'm no longer Guevare since Dad adopted me.
"Ahh yes" naiilang kong sagot
"You can proceed po Ma'am to Mr. Sandoval, he's waiting for you" nakangiti niyang sambit at tinanguan ko lang siya.
Naglakad na ako papuntang elevator. Good thing sinabi na sa akin kung saan ang floor ng office ni Tito kaya hindi na ako mahihirapan. Pinindot ko na ang 14th floor at kalmadong nakasandal sa may dingding ng elevator.
Nagulat naman ako ng may nasipasukan sa elevator ng dumating ako sa 10th floor. Hindi naman sila nagmamadali pero parang mga kiti-kiti na may hinihintay kaya napadungaw naman ako. Laking gulat ko kung sino ang makita ko.
"Miguel?" tanging bulalas ko kaya may napalingon sa akin kaya tinakpan ko ang bibig ko at yumuko.
"Maybe he's working here. He's an Engineer after all"
Sambit ko sa isip ko at umiling para mawala iyon. Nakayuko akong lumabas ng elevator, hindi pa siya nakakalabas kaya sana hindi niya ako napansin.
Pagkalabas ko naman ay bumungad sa akin ang opisina ni tito. Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok sa loob. Pagpasok ay makikita agad ang halow wooden design ng paligid, iilang halaman at glass windows. Napupuno rin ito ng cabinets at papeles.
YOU ARE READING
Summer Love
Teen Fiction(Summer Series #2) Senna Guevara, a simple selfless province girl who doesn't care about the wealth of their family because she believes she don't own anything from that. She always depend on everyone told her and do it for them. So, when her cousin...