Chapter 1

4.6K 78 0
                                    


Aiden's P.O.V

Nandito ako sa lilim ng isang puno nakaupo habang pinagmamasdan ko ang babaeng hinahangaan ko simula palang nung pagtungtong ko sa paaralang ito.

Ako nga pala si Aiden Ellie Dela Cuesta. 21 years old. Nag aaral sa isang All girls school na nagngangalang Valmond University. Ulila nako dahil namatay ang aking mga magulang sa isang aksidente. Ang tanging kumupkop nalang sakin ay ang aking tiya Maricel. Wala itong asawa't anak. Hindi ko alam bakit hindi na ito nagasawa dahil sa tuwing tatanungin ko ito ay ngingiti lang at iibahin na ang kwento.

Ang kinuha kong kurso ay Business Ad. Graduating nako. Isa akong Tomboy, Shiboli, Tboom o kung ano pang tawag nyo sa gaya namin. Hindi rin ako gwapo gaya ng mga contestants sa That's my tomboy kung yun ang inaakala nyo.

Ang babaeng tinutukoy ko ay si Alysha Mae Valmond. Anak ng may-ari ng paaralan na ito. Maganda, Matalino, Mabait , lahat nasa kanya na kaya hindi nakapag tatakang maraming humahanga sakanya mapababae man o lalaki.

*Bell ring*

Tumayo nako sa kinauupuan ko upang pumunta na sa susunod kong subject. Habang nasa Hallway ako ay di maiiwasan na mapatingin sila sakin at magtawanan. Sino nga bang hindi dahil bukod sa Pangit na, iba pa ako sa kanila kaya ako'y nasanay nalang.

Pagpasok ko palang sa classroom namin,

*Splash*

"Oops, bagay mo pala ang wet look Hahaha" Boses pa lamang ay alam ko na kung sino ang babaeng may gawa nito.

Walang iba kundi si Allison Jazmine Villafuerte. Ang Campus bully, Malakas ang loob nito dahil makapangyarihan din sa bansa ang kanyang ama. Maganda sana ito, matalino ngunit kabaliktaran ito ng kanyang ugali. Ako lang naman ang lagi nitong puntirya dahil hindi ako pumapatol kahit na ano pang gawin nya sa akin. Hindi ko kayang pumatol sa isang babae, kahit pa gano ito kasama sa akin ay hindi ko magagawang gumanti rito dahil nirerespeto ko padin ito.

Nagtawanan lahat ng kaklase ko at ako naman ay wala ng nagawa kundi ang pumunta sa Comfort room para ayusin ang aking sarili at magpalit ng damit.

Nang makapasok nako sa loob ng Cubicle ay umupo muna ako saglit at nagisip ng malalim. Nakalimutan kong wala nga pala akong dalang extrang damit kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil bukod sa basang basa ako ay sobrang nilalamig na ako.

Dahil sa malalim ang aking iniisip ay di ko agad napansin na may nakasampay na mga damit sa pinto ng cubicle at napansin kong may note ito:

"Use this"

Agad kong binuksan ang pinto at tinignan kung sino ang tumulong sakin ngunit bigo akong pumasok ulit sa loob dahil wala akong naabutan.

Sinuot ko na ang mga yon at napangiti dahil kahit papano pala ay may nagmamalasakit sa gaya ko..
.
.
.
.
.
.
.
.

Kung sino ka man ay nagpapasalamat ako sayo ng sobra at sana makilala kita.

A/N
I'm sorry guys kung maiksi lang per chapter from 1-9 but I promise sa mga susunod na chapter mahahaba na. Btw Yuri Kwon as Alysha on the media. :)

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon