Chapter 12

1.3K 46 0
                                    


Allison's P.O.V

Nakatanaw lang ako kela Aiden at Alysha na masayang nakatingin sa isa't -isa habang nag gigitara at kumakanta si Aiden. Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ko gusto ang nakikita ko. Hindi, Mali ang iniisip nyo.

Nandidiri ako sa nakikita ko ok? Nandidiri ako. Itatak nyo yan sa isip nyo.

Umalis nako at napagpasyahang pumunta na sa next class ko. Nakarating nako ng Classroom at diretsong umupo sa pwesto ko at kinalikot ang cellphone ko.

"Girl where have you been? Bat bigla ka nalang umalis sa cafeteria kanina?" tanong ni Jess

"Wala naman may pinuntahan lang ako saglit." Sagot ko nalang

"Saan naman sis?" tanong ni Tiff

"Sa may field lang" tipid na sagot ko

"Hmmm ok" sagot nila

"Girl si Tomboy oh" sabi ni Tiff

Dali dali akong lumingon at nakita sya. Hindi ko alam pero bakit biglang nag slow mo? My gosh, naeengkanto na ata ako..

Iniwas ko agad ang tingin ko at tinuon ulit sa cellphone ko.

"Girl pansin ko lang ha, bakit hindi muna ginugulo si tomboy ngayon?" tanong ni Jess

"Ahm k-kasi nagsawa nako sakanya, oo tama, nagsawa nako" sagot ko

Nagkatinginan silang dalawa at tinignan ako na may halong pagtataka. Hindi ko nalang sila pinansin.

Dumating na ang Prof namin at nag discuss.

"Ok class, since papalapit na ang midterm exam nyo, Gusto ko lahat kayo ay makakakuha ng mataas na marka. So now , by partner, Tulungan kayo sa pag study ng mga previous lessons natin. Students who got high scores on midterm exam will be exempted on final exams. Are we clear?"

"Yes ma'am!!!" sagot ng mga kaklase ko

"Ok so now, I will announce if sino ang makakapareha ninyo"

Ginawa ni ma'am ay bunutan , may mga iba na natuwa , may iba naman hindi sa kapartner nila.

"Dela Cuesta, Aiden Ellie and........" at bumunot ito ulit

"Villafuerte, Allison Jazmine"

"WHAT?!!!!" Gulat na sigaw ko dito

"Why? Something wrong Ms. Villafuerte?"

"N-nothing ma'am, sorry..(tss)" Sagot ko nalang. Seriously? of all people? why her? Galing mo talaga prof.

"Ok Good, so now guys it's up to you kung kelan nyo iistart to but of course the sooner, the better right? Goodluck" sabi ng prof namin, hays great. so now what?

Natapos na ang Klase namin at kami nalang natira ni Aiden sa room. Pinauna ko na kasing paalisin sila Tiff at Jess

"So anong balak mo?-_-" tanong ko rito

"Ahm if ok lang tom natin start?" sabi nito sakin

"Why? Why not now hmm?" Pagtataray ko dito

"Ahm ano kasi m-may aasikasuhin ako, need kasi ako ng tita ko" sagot nito. hmmm I'm not convince but sge tom nalang nga.

"Hmmm ok, Tomorrow at my house 7pm sharp, Don't be late. I hate waiting" Sabi ko sabay labas na

Pumunta nako sa Parking lot at sumakay sa kotse ko, Nagstay muna ako don at kinuha ang isang folder na galing kay tito Alfons.

So Millenial D. is a Girl? hmmm. Eto palang nakakalap na info ni tito Alfons. Seriously, I thought he is a man. medyo nanghinayang ako but andito padin ang curiousity if anong itsura nya.

Yes. Tama kayo, I hired a private investigator para kay Millenial D. Si Mr. Alfons Castillo. The best private investigator in town. Napakamahal ng serbisyo nito dahil isa sya sa pinakamagaling na investigator sa bansa. Well lucky me, since bestfriend sya ni Dad kaya naman di ako nahirapan.

"Ok Millenial D. Get ready dahil malapit na kitang makilala. " sabi ko sa sarili sabay ngisi.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nag drive na pauwi.

Aiden's P.O.V

Ng makaalis na si Allison ay inayos ko na ang gamit ko at nilisan na ang classroom namin. Ang totoo niyan ay di pako ready na makasama sya magreview kaya napagdesisyunan kong bukas nalang.

"Aiden!"

Nilingon ko ito at nagulat ng mapagtantong si Alysha ito.

"A-Alysha, bakit? " tanong ko rito.

"Hmm wala naman, gusto ko lang sana ayain ka maglibot if ok lang sayo?"

"Ha? Ah eh o-oo naman hehe, "Nahihiyang sagot ko rito. Grabe si Alysha inaya akong lumabas? Ako'y nasa langit na. wooo

"Yes! , ok tara mall? " ngiti nito sakin at naglakad nakami papuntang parking lot.

Nakarating na kami sa mall at diretso kami sa arcade. Kung anu-ano nilaro namin, Car Racing, Indiana Jones, Whack it, Claw machines etc.

"Ok, pag natalo ka, manlilibre ka ha" sabi nito sakin, nasa may basketball kami ngayon at nakikipag deal ito sakin.

"Ok deal, pag ako nanalo, b-bigay mo sakin n-number mo" Lakas loob kong sabi sakanya. Kakapalan ko na mukha ko dito guys.

"Sus, Yun lang pala, Deal" Ngiti nitong sagot

Nagstart na ang game. Sobrang nagulat ako dahil hanep mag shoot ang babaeng to. As expected sa Athlete na gaya nya. Pero think positive para sa number nya

Nagfocus ako sa laro. Shoot lang ako ng shoot. Ginawa ko ang lahat wag lang ako madistract sa babaeng katabi ko ngayon.

Natapos na ang game at ang final score ay....
.
.
.
.
.
488-322...Siya ang nanalo. Sya na magaling sa larong to. Hays sayang naman. Pero ok lang din dahil nag enjoy ako.

Napagpasyahan na namin na kumain since napagod at gutom na din kami. Pumasok na kami sa restaurant. Nag order na kaming pareho at akmang magbabayad na sya pero inunahan ko na.

Nagpumilit pa na sya nalang daw pero makulit ako at hindi ko talaga sya pinagbayad. Hindi kasi ako sanay na may nanlilibre sa akin atsaka si Alysha ito kaya hinding hindi ko talaga ito pagbabayarin.

"Hays ang kulit mo. Next time ako naman ha?" sabi nito sakin

Tumango nalang ako para di na ito magreklamo pa

Kumain lang kami habang masayang nagkukwentuhan. Tawa dito, tawa doon. Ang saya ko kasi dati pangarap ko lang to pero ngayon nangyayari na. Hindi ko alam kung anong swerte ang nakuha ko pero ang swerte ko talaga ngayon.

Pagkatapos namin kumain ay Napagpasyahan na namin umuwi. Nang nasa kanila na kami ay bigla nalang.....

"Aiden Nasan ang phone mo?open mo at pahiram ako saglit" sabi nito

Nagtataka man ay inabot ko sakanya ito

may pinindot pindot sya rito at bigla nalang may nagring sa phone nya. Hmm hindi kaya?......

"Ok na, nandyan na number ko and I also have yours na" Sabi nito sakin na nakangiti

"Ahm T-thankyou Alysha, Salamat sa Oras mo, N-nag enjoy ako"

"No problem, Nagenjoy din naman akong kasama ka, so pano next time ulit ha? Thankyou and Ingat ka pauwi " sabi nito sakin.

Tumango nako at ngumiti na din sakanya. Hays Ang saya ko talaga ngayon.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakauwi nako samin. Nagbihis nako at naghilamos na din. Ng biglang tumunog ang phone ko

"Hi Aiden, Home already? :)" -Alysha

Omygas.

"Ahm Hi Aly . Yes po. Thankyou ulit sa time mo :)"-reply ko sakanya

"Mabuti naman kung ganun, No problem, Nagenjoy naman ako, O pano let's sleep? Goodnight Aiden :)"

"Thankyou Aly, Yes Pahinga na tayo. Goodnight din. Sweet dreams :)" -reply ko. Parang akong teenager kung kiligin ngayon. Hays..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sign na ba to para iparamdam kay Alysha ang nararamdaman ko para sakanya?.......

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon