Chapter 34

1.3K 39 0
                                    


Aiden's P.O.V

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Papangiti nalamang ako habang inaalala ang mga tagpo kani-kanina lang.

*Flashback*

"Will you be mine Allison?"

"Hey I know alam mong mahal kita pero hindi ako easy to get no? Ligawan moko" mataray na sabi nito na ikinatawa ko naman.

"Sabi ko nga po eh, manliligaw muna ako" sabi ko rito at niyakap ko uli ito. Wala eh, gustung-gusto kong yakap yakap sya. Namiss ko talaga ang babaeng to eh.

"Tara na, iuuwi na kita. May pasok pa tayo bukas" sabi ko rito. Gustuhin ko man na magstay pa kami sa ganung posisyon ay di na pwede dahil disoras na ng gabi.

"Iuuwi muna ako?" sabi nito na may pilyang ngiti. Iba ata naisip ko don. Bad

"Oo sa bahay nyo. Wag ka nga dyan, tara na" sabi ko rito at hinawakan ang kamay nito. HHWW ang peg namin ngayon.

Nakarating na kami sa bahay nito. Nakamotor naman kasi ako ngayon buti nalang talaga.

Gaya noon, inalalayan ko itong makababa. Inalis na din nito ang helmet at ibinalik sakin.

"Sooo, See you tomorrow ok?" sabi nito

"Opo, Dahil nililigawan na kita. Susunduin kita bukas ok lang ba?" sabi ko rito. Paano ba manligaw? :3

"You don't have to, maabala kalang" sagot naman nito.

"Hindi ah, kung para naman sayo hindi magiging abala yun" sabi ko naman. Aba totoo yun ah

Nakita kong napasmile ito saglit sabay sagot ng

"Ok then, You should go na, Salamat sa paghatid. See you" sabi nito at unti unting lumapit sa akin para halikan pala ako sa pisngi.

"Oh ano? sa pisngi palang muna, hindi pa kita sinasagot" mataray na sagot nito. Natawa naman ako. Nag kiss na kaya tayo sa lips tapos may pa ganyan kapang nalalaman.

"Alam ko yang iniisip mo ha?" Ibang klase talaga tong mahal ko oh. Mahal ko? Ang corny ko na tuloy...

"oo na po, Sunduin kita bukas ha? Goodnight Alli" sabi ko rito. Nagsmile naman kami sa isa't-isa at napagpasyahan ko ng magdrive pauwi..

*End of Flashback*

Napangiti nanaman ako uli. Hay inlove nga talaga ako sa babaeng yon. Hindi ko na maikakaila.

Bigla namang nagring ang phone ko. Agad akong napangiti ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hi. Home Already?" bungad nito sakin.

"Hi po. Opo kauwi napo ako. Bat hindi kapa natutulog?" tanong ko naman sakanya.

"Just making sure you got home safe. Matutulog na din ako nyan but can you sing me a song muna?" request naman nito.

"Hmm ano bang gusto mong kantahin ko?" syempre dahil request ng prinsesa ko, Kailangan pagbigyan ko.

"Ikaw na bahala Aiden" sagot nito. Nagisip naman ako ng kakantahin ko para sakanya.

"Handa ka na ba, maging aking sinisinta
Pasensya ka na, Parang trip ko ngayong ibigin ka...
'Wag kang mag-alala 'di naman ako manloloko
Gusto lang ay yung maso-solo kita...

Huwag ka ng humirit ni James Reid ang naisip kong kantahin. Ewan bigla nalamang ito ang naisip ko haha.

"Mamili ka na lang sa dal'wa, mamahalin mo ako o mamahalin kita...
Hindi ka pa ba nakakahalata
Sa akin wala kang kawala... Kaya...
'Wag ka nang humirit, no no gusto ko lang ngayon na tayo na.
'Wag ka nang mag pumilit, no no...
Papakipot ka pa ba?
'Pagkat bihira ang katulad mo,
'Di na pakakawalan,
'Wag ka nang humirit
'Wag ka nang humirit
Simula ngayon ay akin ka na lang
Oh, akin ka na lang

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon