Chapter 31

1.1K 36 2
                                    


Aiden's P.O.V

"Kami na ni Allison officially................."

Halos gumuho ang mundo ko sa narinig. Napatingin naman ako sa gawi ni Allison na ngayon ay nakayuko. Akala ko ba gusto nya ako? Anong ibig sabihin nito?

Hinawakan naman ng mahigpit ni Alysha ang kamay ko dahilan para mapatingin naman ako rito. Ngumiti lamang ako ng pilit rito para hindi ito mag-alala.

"C-congratulations" sabi ko habang nakangiti ako sakanilang dalawa. Ang sakit. Ang sakit ng nadarama ko ngayon. Huli na. Huli na ako.....

"Ah eh Congratulations pre, kailan pa?" tanong naman ni Jean sakanila habang nakatingin sakin.

"Thankyou! ,Yesterday lang guys. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo" sabi nito at tinignan naman si Allison na may matamis na ngiti sa labi. Wag mo ng tignan Aiden. Masasaktan kalang....

"I'm H-happy for you guys hehe, wait lang ha? CR lang ako" hindi ko na sila hayaan makasagot at mabilis na tumayo at umalis sa table namin.

Naglakad nako papuntang Restroom na hindi man lang nagabalang tumingin pa sa likod. Wala sa sariling naglakad lamang ako hanggang sa marating ko na ang restroom.

Pagkapasok ay saktong walang tao. Pumasok ako sa isang cubicle at doon ko na nailabas ang kanina ko pa pinipigilang lumabas, Luha....

"Aiden?, please open this" boses ni Alysha.

"O-okay lang ako Aly, wag kang mag-alala. K-kaya ko to" sagot ko rito.

"Aiden just let it all out. I know nasaktan ka sa nalaman mo. Please hayaan mong damayan kita. Kaibigan mo ako" dun ko na binuksan at agad ko itong niyakap habang umiiyak. Napakahina kong tignan ngayon. Broken.

"Sshh, it's ok, I'm here. Ilabas mo lang lahat Ellie" sabi nito habang hinahagod naman ang likod ko.

Ilang minutong ganun lamang kami ng nagdesisyon akong tumahan na dahil baka magtaka na ang mga kasama namin.

Naghilamos muna ako bago humarap kay Aly ulit.

"Aly maraming salamat. Pasensya kana ang drama ko ngayon" paumanhin ko rito

"Silly, don't be. Alam ko ang nararamdaman mo. Please if you need me, nandito lang ako for you always remember that" sabi naman nito at niyakap ko nalamang ito bilang sagot.

Sinabi ko nalamang rito na ipagpaalam nalamang ako sakanila na mauuna nakong umuwi. Baka hindi ko na kasi kayanin kong makita ko pa ulit sila. Masyado kasi akong nasaktan sa nalaman.

Ang tanga mo Aiden para maniwalang magkaka happy ending ka........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Tol, ano kamusta na tiyan mo? sabi ni Alysha sumakit daw tiyan mo kaya nauna kana kagabi" nagaalang tanong ni Jean sakin. Nasa isang coffee shop kami ngayon kasama sina Alysha at Madelle.

"Sorry tol, ang totoo nyan hindi yon ang dahilan kung bakit ako biglang umalis kagabi" sabi ko at napansing napatingin sakin si Alysha na animo'y nagtatanong ang mga mata. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ha? Eh anong dahilan?" at kinwento ko na nga sakanila.

"Sabi ko na nga ba eh!" halos pasigaw na sabi ni Jean. Napatingin naman ang ilan sa gawi namin. Minsan talaga nakakahiyang kasama ang babaeng to.

"Ano ba Jean, hinaan mo nga boses mo, nakakahiya pinagtitinginan tayo" suway naman ni Mads sakanya.

"Oops sorry guys, pero seryoso, naisip ko na din yan kagabi eh at confirmed nga" sabi nito

"I agree with Jean, yun din ang naging tingin ko kagabi" sagot naman ni Mads. Nagulat naman kaming tatlo.

"Nakakatawa mga reactions nyo guys haha, Simula palang nung pinakilala ka ni Jean sakin Aiden, I know may something na sa mga tingin mo kay Allison. Lalo lang tumibay yung speculations ko nung nag outing tayo. And guess what? I'm right. Can't believe I'm good at this" paliwanag naman ni Mads samin. Seryoso?

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon