Chapter 32

1.2K 39 0
                                    

Allison's P.O.V

"I miss you......Allison"................

Bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig. N-namiss niya ako?

Napatingin naman ako rito na nakapikit padin. Nanaginip ba sya? Nasa panaginip ba nya ako? Stupid shibs. May iba kana pero nanaginip ka pa ng ibang babae. Babaero -_- tss.

Pero...I felt happy because somehow, miss nya din pala ako but hanggang dun nalang yon. She will never be mine.

I smiled bitterly. Enough Allison, I said to myself.
Lumabas nako at iniwan na si Aiden.

"Oh Alli ok na ba si Aiden?" tanong ni Nate sakin.

"Yes" tipid na sagot ko.

"Since it's late, why don't you stay the night nalang princess? ipapaayos ko pa yung isang guest room if you want" alok nito.

"No thanks Nate, I already called my driver. Besides, may kailangan din ako tapusin na project." palusot ko nalang pero ang totoo ay umiiwas lang ako kay Aiden.

Yes I'm being unfair to Nate. Pero, I'm trying to love him gaya dati baka sakaling sakanya na mabaling ang pagmamahal ko kay Aiden.

"Hmm ok I won't force you but text me once you get home okay? para hindi na ako mag-alala"sabi nito at tumango naman ako bilang sagot.

Maya maya pa ay narinig ko ang isang busina. Nandyan na ang driver ko.

"I will get going now Nate. Take care of those two for me okay?" bilin ko rito.

"I will princess. Take care" sabi nito at hinalikan na ako sa noo
.
.
.
.
.
Nakauwi na ako sa wakas. Naghilamos na din ako at nagpalit na din ako ng pantulog. Pabagsak akong nahiga sa kama ko. I'm so tired.

"I miss you......Allison" bigla ko na namang naalala ang sinabi ni Aiden kanina. Malungkot na napatingin ako sa mga pictures nito sa phone ko. Yes, I am secretly capturing stolen shots on Shibs.

You have no idea how much I miss you too Shibs. You have no Idea how much I'm hurting right now.  Seeing you with someone else, seeing you smiling because of someone else makes my heart shattered into pieces.

Anong nangyari? Bakit kasi hindi pwede? Bakit kasi hindi nalang ako?

Tuluyan naman akong napaiyak. Ang sakit. Ang sakit isiping hindi sya magiging akin.

Ang dati kong binubully. Ang dati kong pinapaiyak ngayon ay ako naman ang pinapaiyak. This is my karma then for hurting her too in the past.

"Hayaan muna akong mag move on please" nasabi ko sa aking sarili bago tuluyang nakatulog.......
.
.
.
.
.
.
.
.
Aiden's P.O.V

Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Ughh ano bang ginawa ko kagabi at ganito kasakit ang ulo ko? Buti nalamang at linggo ngayon kung hindi, hindi talaga ako papasok sa school.

Inaalala ko naman ang nangyare kagabi. Oo nga pala, nag- inuman kami ni Kevin at hindi kami nagpaawat na dalawa. Hanggang sa ayan, nalasing at ngayon hangover. (_ _")

Pinagmasdan ko naman ang paligid. Teka, hindi ito ang kwarto ko.

Dun ko nalang napagtanto na paano ako nakauwi? gayong tanda kong halos pareho na kaming K.O ni Kevin non.

Napatingin din ako sa suot ko, iba. Sino ang nagpalit sakin? Kung anu-ano na ang pumasok sa isip ko nung mga sandaling iyon kaya naman dali dali na akong naghilamos at lumabas para malaman kung kaninong bahay ito.

"Aiden bro, Good morning. I bet may hangover ka din gaya ni kuya so here take this and eat breakfast na" si Nate. So sakanilang bahay pala ito.

Napansin ko naman na nakapikit pa si Kevin. Mukhang masakit din ang ulo. Natawa naman ako sa isip ko. First time ko din atang malasing ng ganun?

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon