Chapter 38

1.4K 39 2
                                    


Aiden's P.O.V

"Call Allison, I have something to confess"

Pagkasabi ni Mr. Villafuerte non ay agad akong napatingin rito. Aaminin na nya ba ang naging deal namin kay Alli? Kung ganoon man ay ibig sabihin ba non ay matatanggap na nya ako para sa anak nya?

Nakita kong pababa na si Alli at kitang kitang nagdadabog ito.

"WHAT ARE YOU TWO DOING HERE?! ANG LAKAS NAMAN NG LOOB NYO!! GET OUT!!" sigaw nito sa amin. She's fuming mad and I can't blame her with that (_ _")

"Enough Allison, Hear me out. Walang kasalanan si Aiden dito" Panimula ni Mr. Villafuerte.

Napatingin naman sakanya si Allison na may halong pagtataka sa mukha.

"What are you talking about dad? Are you defending her?! Can't you see dad?! She cheated on me!" galit parin na turan ni Alli sakanyang ama.

"I ask Kianna to seduce Aiden" ano ? Tama ba ang narinig ko?

"What?!" Gulat na turan ni Allison. Maging ako ay nagulat din naman.

"I admit it, ginawa ko ang pinag uutos ni Mr. Villafuerte. Kagabi, sinubukan kong akitin si Aiden gaya ng plano namin ni Mr. Villafuerte pero alam mo ba kung ano ang naging sagot sakin ni Aiden? She can't do it because she loves you so much. Hindi nya kayang magtaksil sayo Alli. And Aiden, Remember I told you that you passed? This is what I'm talking about. Pasado ka sa naging pagsubok ni Mr. Villafuerte sayo in order to know if you are serious with her daughter. Again, I'm so sorry sa nagawa ko or namin sainyo. But believe me, I have no intention para agawin si Aiden sayo. " Gulat ako sa naging revelation ni Kianna ngayon. Totoo ba ito? Lahat ng ito ay planado nila?

"Is she telling the truth dad?! Tell me!" galit na galit na tanong ni Allison sa kanyang Ama.

"Yes, I ask Aiden to stay away from you for 1 month. Ginawa ko iyon para malaman kung hanggang saan ang kayang gawin nya para sayo. believe me iha, I did it for yo--" naputol ang sasabihin nito dahil nagsalitang muli si Allison.

"Alam mo din ba ito mom?!" tanong naman nito sa ina.

"I-Im sorry anak, ginawa lang namin ito para sayo" Mahinang turan naman ng kanyang ina.

"Why?! Para malaman nyo kung seryoso ba sya sa akin? O dahil ayaw nyo sya para sa akin? Alam nyo ba kung gaano kasakit sakin nung mga panahong iniiwasan nya ako?!" Nakita kong umiiyak na ngayon si Alli.

"I'm sorry Anak, Mahal na mahal ka namin ayaw lang namin na masaktan ka kaya namin iyon naga--"

"Pero sinaktan nyo ako! Kayo pa talaga na magulang ko!"

"Alli!" lakas loob kong tawag sakanya. Napalingon naman sya sa akin ngayon. Lumapit ako sakanya

"Please. Wag kanang magalit sa mga magulang mo. Hindi ako galit sakanila. Naiintindihan ko kung bakit nila nagawa iyon kaya please wag kanang magalit. Try to understand them. Mahal na mahal kalang talaga nila at ayaw ka nilang masaktan." sabi ko rito at nginitian ito. Totoo ang sinabi ko. Hindi ako galit sa ginawa nila samin. Naiintidihan ko sila. Humarap naman ako kela Mr. and Mrs. Villafuerte. Nag bow muna ako sakanila bago magsalita.

"Alam ko po kung bakit ninyo nagawa iyon. Naiintindihan ko po kayo. Hindi po ako galit. Gusto ko lang po malaman ninyo na mahal na mahal ko po talaga ang anak ninyo. Hindi ko po sya kayang saktan. Alam ko po sa mata ng nakakarami ay mali ito. Pero handa po akong ipaglaban ang anak ninyo sa lahat basta ba nasa tabi ko lamang sya palagi. Sana po ay pahintulutan niyo po akong patunayan sainyo na seryoso po ako sa anak ninyo, na handa po akong pasayahin, mahalin at alagaan sya habang nabubuhay po ako" lakas loob kong turan sa mga magulang ni Allison. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Allison. Na ngayon ay Nakatingin sa akin, nginitian ko lamang ito ng pagkatamis tamis.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon