Chapter 14

1.3K 40 0
                                    


Allison's P.O.V

After ng Review session at dinner namin ni Aiden ay napagpasyahan na nyang umuwi.

"Ahm A-Allison, Thankyou sa pagtuturo sakin at Sa Dinner na din. Sa Uulitin." Sabi nito sakin

"Tss. Ok Ingat" tipid kong sagot sabay talikod na.

"Ahm Alli" Tawag nito, ano na naman kayang kailangan nya?!

Lumingon ako sakanya na nakakunot ang noo

"Ahm t-totoo yung sinabi ko, Ang ganda mo" Hindi nako nito nilingon pa at Dali-dali ng sumakay sa motor nya at iniwang tulala.

What was that? Stupid shibs. A-alam ko namang maganda ako no. Bakit kailangan pa nyang sabihin tss. And then nag flashback din yung kaninang nangyari habang nag review. Nadidistract daw sya....Sa ganda ko. Well di nako magtataka since maganda talaga ako.

And D*mn, Why Am I feeling this way as if ngayon lang ako nasabihan ng maganda? Arghh , kinukulam ata ako ng tomboy na yon ah.

Nang makarecover nako sa pangyayare na non ay pumasok na ako ulit sa loob. Dumiretso nako sa kwarto ko at napagpasyahang maghilamos na.

Pagkatapos maghilamos, ay chineck ko ang panibagong padalang info ni tito Alfons sakin. Binuksan ko na ito..

Alam naman ni Tito kung anong dahilan bakit gustung gusto kong makilala ang taong ito. Well, sinabi ko lng naman is "Curiousity kills" simple as that.

Hmmm. So ang may-ari ng Dance central Bar ay Auntie ni Millenial D. Hmmm. I think malapit ko na talaga itong makilala. Good job Tito (smirk).

One of this days pag di na busy ay mag vivisit ulit ako sa Bar na yon. Itinago ko na ito at napagpasyahan na mahiga na.

Pumikit nako at biglang nalang nag pop up si Aiden
.
"Ahm t-totoo yung sinabi ko, Ang ganda mo"

What the?. Nagflashback na naman yung kanina. Arghhh! I'm seriously irritated now. Ano bang problema ko?! Why is she keeps on entering my mind?! How dare you Aiden!!! Let me Sleep!
.
.
.
.
Aiden's P.O.V

Achooooo!!!!!! bahing ko. Grabe. Kinukulam na ata yung picture ko. Haha.

Nandito nako sa bahay at Nadatnan ang Tiya ko.

"Oh iha , Kamusta naman ang pag rereview nyo?" tanong nito sakin

"Hi Tiya. Naku ok naman po, madami ako natutunan. Magaling kasi tutor ko e, maganda pa hehe" Sabi ko rito, mukhang sumobra ata yung sa maganda part.

"Aba iha , maganda? type mo ba yon? nililigawan mo ba? ay dapat lang na invite mo dito ng makilala ko naman iha, wala kanaman dinala dito bukod sa kaibigan mong si Jean" Sabi nito sakin

"Tiya hindi ko po type o nililigawan, naku hinding hindi yun magkakagusto sakin tiya ayaw na ayaw nun sa kagaya ko, dati pa nya sinabi yun sakin" Dipensa ko naman

"Ay ba? naku malay mo iha kainin non sinasabi nya, walang hindi nahuhulog sa charm ng mga Dela Cuesta Iha" Sabay pacute ni tiya. Minsan Talaga parang ate ko lang tiya ko haha.

"Ikaw talaga Tiya , nagbiro kananaman, haha wala po ako non" Sagot ko

"Ayan kana naman iha minamaliit mo na naman ang sarili mo, Alam mo------" Pinutol ko na sasabihin nito dahil alam ko na next na mangyayare, inakbayan ko na ito at nag open nalang ng bagong topic. Mahirap na.
.
.
.
.
.
.
Nasa kwarto nako ng biglang maka receive ako ng texts.

*2 Messages Received*

Ang isa galing kay Jean at ang isa naman kay Alysha.

Una ko munang binasa ang kay Alysha.

"Hi Ellie :), I'm Home and so exhausted. Pahinga lang ako saglit then hilamos after tulog na. Wala lang ininform lang kita haha, Goodnight :)"

Kinilig naman ako sa text nya, Second name ko pa ang ginamit nya. Parang Jowa lang ang peg. Sarap sa feeling ng ganito hays. Dali dali ko na itong nireplyan.

"Hi Aly. Ako din house na. Review session kasi sa house ng classmate ko, Pahinga ka na and Goodnight din :))" reply ko dito .

Next ko naman binasa ay yung kay Jean

"Tol Musta?, Haha sorry ah now lang nagparamdam ulit. Tol Pag may free time ka , punta tayo sa bar ni tita. May papakilala ako sayo, tropa ko, babae tol, dancer din, baka magustuhan mo pa yieeee haha, basta inform me agad bruhh Goodnight ^^."

Natawa naman ako sa text nya , talaga tong babaeng to, may irereto pa ata sakin e alam naman nya sino gusto ko. Nabanggit ko na din sakanya na sumasayaw ako sa Bar ni Tiya as Millenial D. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan si Jean.

"Ikaw talagang babae ka, ano na namang kalokohang balak mo? haha osya inform nalang kita, di pa pwede ngayon kasi e, busy pa, midterm is fast approaching :3, Goodnight Tol" Reply ko dito.

Naalala ko bigla yung nasabi ko kay Allison. Hays, kota kana talaga sa pagpapahiya sa sarili mo Aiden. Nakakahiya na. Ano nalang iisipin non.

Pero sabagay, Totoo naman sinasabi ko e. Kanina, Sobrang di ko talaga maintindihan pero kakaiba talaga feeling nung katabi ko ito. Ang ganda ganda nito kaya naman di ako makapag focus.

Inisip ko nalang na normal lang yon, tama normal lang naman yon, paghanga lang , dahil maganda at matalino. Tama..

Nakaramdam nako ng antok kaya naman agad nakong nakatulog.....
.
.

Kinabukasan, Maaga nakong nagising para makapagayos na para pumasok sa school. Pagkatapos, Nag abang nako ng masasakyan.

Nakarating nako sa school, habang naglalakad ay maraming pumapasok sa isip ko kaya naman di ko namalayan na may may nabangga na pala ako.

"S-sorry po" sabi ko sabay angat ng ulo ko . Patay

Si Courtney Reeves, Gaya ko, tomboy din sya with looks pero masama naman ugali. Isa din to sa mga nagpapahirap sa ibang studyante na sa tingin nya ay kaya nya gaya ko.

"ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO?!!!HOW DARE YOU?!!" Sigaw nito sakin, patay na. Kasama pa naman nya mga tropa nya.

"S-sorry, h-hindi ko talaga s-sinasadya" paumanhin ko, ayaw ko ng gulo sa totoo lang.

"You'll pay for this!!" sabi nya. Hinawakan ako ng dalawa nyang kasama. Gosh eto na. Mabubugbog nako.

Sinimulan na nya akong pagsusuntukin na parang punching bag ako. Tadyak dto tadyak doon. Sobrang sakit hanggang sa tumumba nako. Nagdidilim na ang nakikita ko. Naririnig ko nalang ang mga tawa nila sabay lakad papalayo.

"A-Aiden?! Oh Gosh!! Hey help me rush her to the clinic! Hurry!!!" sigaw ng isang tinig.
.
.
.
.
.
Yun nalang ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay....

A/N:
I'm sorry guys kung may typo man and please bear with my english and I'm not a pro po. So pagtyagaan nyo na. Vote and Comment guys. thanks in advance :).

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon