Chapter 24

1.1K 41 3
                                    


Allison's P.O.V

"Again Aly. 1 2...3 4...5 6.........." Nasa Dance studio ako ngayon ni Nate. Nagpapractice for the upcoming dance competition ni Mr. Dawson. 2 Days nalang kasi before the event kaya naman puspusang practice kami ngayon.

So Far, Konting linis nalang samin. Fast learner naman kasi ako kaya naman di masyadong nahirapan si Nate sa pagturo sakin ng sayaw.

"8 7 6 5....4 3 2 1.. Wow nice Alli. Di talaga ako nagkamali ng napiling partner." Sabi naman nito. See? I told you guys mabilis akong matuto.

"Of course, Ako paba?" I smirk. Just you wait shibs. Gugulatin kita. Akala mo ikaw lang sumasayaw ha?

"Haha alright alright. Again Alli my princess, from the top ok? and 5 6 7 and....." At nagstart na ulit kaming mag practice........
.
.
.
.
.
.
.
"Ok so tomorrow will be our last practice so you need a lot of rest okay princess? " sabi naman ni Nate.

"Noted Nate. Thanks for this day. Namiss ko din sumayaw ha?" Nung bata pa kasi ako ay medyo active ako sa dancing non and nung High School din ako but natigil nung college since gusto kong mag focus sa studies non.

"See? I told you mag eenjoy kanaman e. Haha Tito Claude (My Father) also agreed na sumali ka din since namiss kana daw nyang makitang sumayaw same with Tita Rebecca (My Mother)." Yes close sya sa parents ko.

"Ok ok. Now Go. I'm so tired. I want to rest na. Bye  Nate. See you tom. Drive safely you Giant" sabi ko na ikinatawa nya naman.

"Ok princess bye. See you tom. "He said then kissed me on the forehead. Wala namang malisya sakin yon since friends kami kaya ok lang sakin.

Nag wave na ako sakanya at nagdrive na din ito papauwi.
.
.
.
.
After kong makaligo at makapagbihis ay dumeretso nako sa kama ko upang mahiga na. Di na kami masyado nagpapansinan ni Shibs as if she's distancing herself. Lalapitan ko palang ito ay parang lalayo na ito sakin. Nagtetext din ako but wala akong reply na natatanggap. D*mn you shibs how dare you.

Napagpasyahan ko na syang iwaksi sa isipan ko kahit mahirap. I need to sleep na because tomorrow is our last practice.

Just you wait shibs, Just you wait.............
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Aiden's P.O.V

"8 7 6 5...4 3 2 1....Nice nice nice!" Sabi ni Madelle since eto na ang last day ng practice namin. Nililinis na lang kasi ang mga steps at naging successful naman.

"Whoo kapagod pero worth it. Maganda kinalabasan" komento ko naman habang umiinom ng tubig.

"I agree Aiden, pahinga lang tayo then from the top tayo. Pag ok na, pwede na tayo umuwi para makapagpahinga na tayo since tom na ang event" sabi naman nito. Opo, bukas na ang event kaya bigla naman akong nakaramdam ng kaba. Mukhang napansin ito ni Madelle.

"Hey you ok? Is something bothering you? is this about the event Aiden?" mga tanong naman nito sakin

"Sorry, di ko maiwasan di kabahan e, first time ko kasi sa mga ganito. Pwede bang mag mask ako? mag ala Millenial D? Kinakabahan talaga ako " tanong ko naman.

"Aiden don't be. Magaling ka ok? so you have nothing to worry. Kasama moko. We're a great team you know. And kung gusto mong mag mask I won't stop you but I just want to say na mas maganda if hindi ka mag ma mask. Gusto ko kasing ipakita mo sa iba kung anong kaya mo hindi as Millenial D but ikaw mismo. " sabi naman nito na ikinangiti ko. Kahit papano nakatulong ito para mapagaan ang loob ko.

"Maraming salamat Madelle sa pag papalakas ng loob" Sincere kong pasasalamat sa kanya at nagsmile naman ito sakin.

"So shall we start again?" tanong nito. Nakangiti naman akong tumango.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon