Chapter 9

1.4K 52 0
                                    


Aiden's P.O.V

Sabado ngayon at napagpasyahan kong pumunta ng mall para Maglibang at mamili ng mga gamit na din.

Nagpaalam nako sa tiya ko at pumunta na sa garahe para sumakay sa aking motor at mabilis na pinaandar ito papuntang mall.

Sanay naman na akong nagiisa pag gagala. Pero minsan ay kasama ko si Tiya pero ngayon ay may kailangan kasi syang asikasuhin kaya hindi nya ako masasamahan.

Nang makarating, ay dumeretso ako sa shoes store para mamili ng sapatos. Hilig ko kasi ang magkolekta ng sapatos dahil isa akong mananayaw.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa mga clothing lines para makapamili na din ng mga damit.
Pagkatapos makapamili ay nakaramdam nako ng gutom kaya napagpasyahan kong kumain na din.

Nasa isang fast food chain ako ngayon. nagorder ako ng chicken with spaghetti, burger and Orange Juice. Habang kumakain ay nagmamasid masid lng ako sa labas. Nang biglang parang may nakita ako na kakilala ko.

Pinakatignan kong mabuti ngunit nawala na ito. Hmm baka guni guni ko lng na nakita ko si Allison. Oo, Si Allison ang akala kong nakita ko.

Hays naalala ko na naman ang nangyare samin noong nakaraang araw. Hindi ko din alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ko. Nadala lang siguro ako dahil maganda talaga ito. Wala lang yon, tama.

"Ellie?"

Napalingon ako kung sino ang nagsalita. Isa lang ang tumatawag sakin ng ganun.

"Jean?!" Gulat kong bungad sakanya.

"Tol ikaw nga! Kamusta na? tagal nating di nagkita ah hahaha" Sabi nito sakin

Si Jean Basco, sya lang ang nagiisang kaibigan ko nung high school ako. Nagkahiwalay lang kami dahil kailangan nyang sumama sa parents nya abroad. Kagaya ko Dancer din sya. Sya ang kasundo ko pagdating sa sayaw. Isa din syang bisexual.

"Ok lng naman Jean, kailan kapa umuwi? namiss kita tol" Sabi ko

"Kahapon lang tol, balak nga kitang hanapin e. pero tignan mo nga naman haha. Sabay nako sayo ah" Umupo na ito at sabay na kaming kumain

Habang kumakain ay kwentuhan lang kami. Catching up ba.

"Tol after nito arcade tayo? Dating gawi" Sabi nito sakin

"Kaya mo paba ? baka nangangalawang kana ha?" Biro ko sakanya haha. alam ko kasi ang tinutukoy nya. Madalas pag nag aarcade kami ay madalas, sa Dance Central o Just dance kami.

"Tol baka magulat ka. Mas magaling nako sayo ngayon haha" Sagot nito sakin na ikinatawa ko.

Pagkatapos namin makapagpahinga ay dumiretso nakami sa Arcade. Bumili na kami ng token at dumiretso sa Dance Central.

"Tol ano game na? " Tanong nito sakin

"Game!" Masiglang sabi ko, namiss ko kasing kasama tong babaeng to lalo na sa sayaw.

Sya ang namili ng isasayaw namin ng una. Omg By Usher ang napili nya.

"Natatandaan mo pa ba to ellie?" Tanong nito sakin

"Siguro? haha, bahala na tol" Sagot ko rito

Nagsimula na ang game. Saglit akong nangapa sa steps since matagal nakong di nakapaglaro nito pero kalaunan e nakakasabay nako. Napatingin ako sa kasama ko at halatang ineenjoy nya ang sayaw.

May mangilan-ngilan ng nanonood samin at medyo nailang ako. Hindi ko nalang pinansin at kunwari, si jean lang ang kasama ko rito.

Pagkatapos ng sayaw ay may ibang pumapalakpak samin.

Next na napili nya is Hey Baby by T-pain.

"Tol, Solo mo yan ha?"

"Ha? Bakit? Tol alam mo namang hindi ako nakakasayaw sa madaming tao" bulong ko rito

"Sige na please. Pagbigyan mo na ko tol, ngayon mo lng ako nakasama ulit oh, sge na" Paawa nito sakin

"Aish, Oo na, pero mamaya ikaw naman magsolo, "

"Oo ba haha"

Kinakabahan ako kaya pumikit ako at palihim na pinapakalma ang sarili.

"Kaya mo to Aiden, isipin mong ikaw lang ang tao dito" sabi ko sa sarili

Nagsimula na ulit ang game at nagsayaw na. Iniisip na ako lang ang nandito. Gusto kong ienjoy ang sayaw. Kaya kinalma ko ang aking sarili at ngumiti. Lahat ng galaw ko ay todo at nakangiti ako the whole dance dahil ineenjoy ko talaga ito.

May ilan na sinasabayan nako kahit hindi talaga marunong sumayaw na ikinatuwa ko. Parang Dati lang. Namiss ko to.

Nakita ko naman si Jean na nag chicheer sa gilid. Babaeng to talaga haha

Natapos na ang sayaw at nagpalakpakan ang mga tao.

"Nice. Wala kapadin kupas tol" Sabi nito sakin

"Hoy, ikaw ng next"

"Chill lang tol haha, eto na nga e"

Napili nya ay moves like jagger. Magaling talagang sumayaw ang babaeng to kaya naman di na nakapagtatakang madami ang nagchicheer sakanya ngayon. Maganda din kasi si Jean.

Natapos na ang sayaw nya at nag bow ito sa harap ng mga tao. Ibang klase talaga ang babaeng to

"Tol namiss ko to. Nagenjoy ako ng sobra haha" Sabi nito sakin

"Ako din tol. Grabe andami mo na agad fans oh"

"Naku tol, mas marami nagcheer sayo kanina haha. Yung iba tulu laway na sayo" Biro nito sakin

"Loko loko ka talaga haha" Sagot ko nalang

After naming magsayaw ay naglaro kami ng kung anu-anong pwedeng laruin dito sa arcade. Pag kaming magkasama walang kaming kapaguran.

Hanggang sa..

"Tol tara try natin yon o, Jam tayo, tara" sabay hila nya sakin sa may Singing booth pero yung live style ba. Hay ano na naman bang trip ng babaeng to

Isa din kasi to sa ginagawa namin noon. Sakanya ako natutong mag gitara.

I'll Be by Edwin McCain. Favorite nya to e.

Nagsimula na kaming mag strum. Sya ang nag start

(Jean)
The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
Emeralds from mountains and thrust towards the sky
Never revealing their depth

Habang kumakanta ito ay nakatingin lang ako sa paligid. Laking gulat ko ng makita ko si Allison na nakatingin samin. Poker face lang ito. Ng mapansin nyang nakatingin ako sakanya ay tinaasan nya ako ng kilay kaya umiwas nako ng tingin. Ang sungit talaga

(Aiden)
Tell me, that we belong together
Dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips
Instead of the gallows of heartache that hang from above

Habang kumakanta ako ay tumitingin lang ako sa mga taong nanonood na naman samin at huli ay sakanya na nakatitig lang sakin. Ano ba yan. Bakit ganyan sya makatingin? At bakit nya kami pinapanood?

(Jean and Aiden)
I'll be your cryin' shoulder
I'll be love suicide
I'll be better when I'm older
I'll be the greatest fan of your life

Sabay kami ni Jean sa Chorus at nakatingin lang kami pareho sa isa't isa habang nakangiti, siguro dahil namiss talaga namin to at nahihiya na din kaming pareho. Hay nako. Ginusto mo tong babae ka e

Natapos na ang kanta at may nagrerequest pa na isa pa daw. Pero Umayaw nako, Nakakatakot na kasi ang tingin ni Allison sakin. Ano bang problema nya sakin.

Umalis na kami don at nagpalinga linga ngunit di ko sya makita.

"Looking for me?"
.
.
.
.
.
.
Napalingon ako sa likod at nagulat ako. Si Allison nga!

A/N: Hyoyeon as Jean on the media

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon