Chapter 13

1.3K 49 3
                                    


Alysha's P.O.V

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa pictures namin kanina ni Aiden. Masaya pala itong kasama. Naalala ko din yung time na naggitara sya at kumanta. Ang galing lang niya and I think...Crush ko na sya.

Crush lang naman e. Paghanga lang since ang talented niya. I don't know pero bigla ko nalang naisip na ayain sya kanina pero worth it naman kaya mabuti na din na inaya ko sya.

Hindi ko din alam bakit binigay ko ang number ko sakanya, well honestly kasi kaunti lang ang nakakaalam sa number ko, mga close ko lang talaga at pinagkakatiwalaan ko kaya nagulat din talaga ako sa sarili ko bakit agad kong binigay sakanya but I know, mapagkakatiwalaan ko ito kaya why not?

bigla kong naisipan itext na ito.

"Hi Aiden, Home already? :)" -text ko sakanya

"Ahm Hi Aly . Yes po. Thankyou ulit sa time mo :)"-reply niya. Napangiti naman ako.

"Mabuti naman kung ganun, No problem, Nagenjoy naman ako, O pano let's sleep? Goodnight Aiden :)" -reply ko sakanya

"Thankyou Aly, Yes Pahinga na tayo. Goodnight din. Sweet dreams :)" -reply niya.

Napangiti nalang ako sa nabasa ko. She is really something talaga.
.
.
.
.
.
.
.
Aiden's P.O.V

After ng Klase namin ay umuwi na muna ako para makapagpahinga since 7pm pa naman ang usapan namin ni Allison.

Kasalukuyan akong nakahiga ng biglang makatanggap ako ng dalawang text messages.

"Hi Aiden :). bahay kana?"-Alysha

at ang isa naman kay Allison

"Hey, just want to remind you, 7pm SHARP, don't you dare be late or else!"

Nagpalitan kasi kami ng number ni Allison para may contact kami sa isa't-isa. para sa group study lang.

Nireplyan kong una si Alysha.

"Hi Aly. Ah oo, ikaw ? kauwi kana ba? :)" -reply ko

then next si Allison

"Hi Allison. Copy. Salamat :)" -reply ko, yan para di na masyadong ma beastmode sakin.

maya-maya ay may magreply na

"Good to know :) Ah not yet, Andami pang ginagawa e :(" -reply nito. Hindi nako magtataka dahil madami talaga itong ginagawa since anak sya ng may-ari. Kaya dapat lahat ng agenda ng school present sya dapat.

"Ganun ba, wag ka masyadong magpaka pagod dyan ha? Wag masyadong pa istress. Yakang yaka mo yan. Fighting! :)" -reply ko. Sana kahit papano gumaan naman pakiramdam nya. Kung pwede lang ay tutulungan ko ito para lang mabawasan mga gawain nya.

"Uy thankyou ah? need ko talaga yan :))" -Alysha

"Welcome , Basta ikaw :)" -reply ko. Parang anglandi ata ng dating? Aish

"Naks :) Thankyou ulit :) btw, Text you later ah? andito na iba, magstart na. Bye ^^"

"Ok sge . Ingat ka pauwi :)" ..Hays. Dream come true to para sakin. Ang swerte ko talaga. Chance ko na to

Napagpasyahan ko ng magayos para pumunta na kela Allison. Mahirap na baka malate ako at baka magalit pa yun sakin.Dumeretso nako sa garage at sumakay na sa Motor ko.
.
.
.
.
Nandito nako ngayon sa labas ng bahay nila laya naman tinawagan ko na ito

"Hello Allison. Nasa harap nako" sabi ko

"Ok. I'll be there in a bit"sagot nito

Ilang sandali pa ay lumabas na ito at......

Napatingin ako sakanya. Bakit parang rumarampa ito na parang model e nakapambahay lang ito. Grabe, iba talaga pag maganda at mayaman.

"O ano? Tutunganga kanalang ba sa kagandahan ko?" biglang salita nya nagpabalik sakin sa realidad

"H-ha? Ah o-oo sorry sorry" sagot ko nalang. Nakakahiya pre....Hays

Pumasok nako at binati ko ang mga kasama nya sa bahay or Mansion, ang laki talaga nitong bahay nila.

"Ahm nasan parents mo Allison?" Tanong ko. Di ko pa kasi sila nakikita

"Business trip, Ako at ang mga kasambahay lang ang nandito" sagot naman nito

Hindi nalang ako nagsalita at tumahimik nalang.

Pumasok na kami sa isang silid. Kwarto nya siguro ito dahil may mga nakadikit na portrait nya sa wall ng kwarto nito. Napakalaki nito. Rich Girl

Nireready na nito lahat ng kailangan namin para sa Pagrereview.

"Come here. Let's start" Tawag nito sakin kaya lumapit na ako

"Ahm Allison, meron kabang di naiintindihan sa lessons natin?" Tanong ko baka lang kasi may maitulong sakali?

"Tss. What do you think of me? Dumb? of course, alam ko na to lahat, baka ikaw ang dapat kong tanungin nyan" sabi nito. Hays Oo nga pala, matalino nga pala ito

"Ahm a-ah oo, m-meron nga akong di magets" Nakakahiya naman hays, pano kasi nung diniscuss yon di ako focus hays. Accounting nga naman na subject oh.

"Tss, stupid" bulong nito pero nadinig ko din. Nahiya ako lalo.

So nagstart nakong turuan ni Allison. Inaamin ko hindi ako makapag concentrate dahil bukod sa ang lapit namin sa isa't-isa , ay napaka ganda pa nito sa malapitan.

"Hey, are you listening?! Am I wasting my saliva here?!" Iritang sabi nito sakin.

"H-ha? Ahm s-sorry Allison, nadidistract kasi ako."

"Where?!" tanong nito

"Sa ganda mo" Napatakip ako sa bibig ko, patay na!

"Tsk! S-stupid" Sabi nito na bahagyang namula?

Itinuloy na nito ang pagtuturo at ako naman ay pilit na nagfofocus na. Kaya ko to

Matapos ang session namin ay nag-aya na kitang kumain. Habang kumakain ay tahimik lang kami na pasulyap sulyap sa isa't-isa. Minsan ay tatarayan lang ako nito.

Matapos ang hapunan ay nagpasya nakong umuwi dahil oras na din at hinahanap nako ng tiya ko.

"Ahm A-Allison, Thankyou sa pagtuturo sakin at Sa Dinner na din. Sa Uulitin." Sabi ko sakanya

"Tss. Ok Ingat" sabi nito at tumalikod na

"Ahm Alli" Tawag ko rito, Hindi ko alam anong sumapi sakin pero sasabihin ko na din.

Lumingon ito sakin na nakakunot ang noo

"Ahm t-totoo yung sinabi ko, Ang ganda mo" Hindi ko na ito nilingon pa at Dali-dali nakong sumakay sa motor ko at nagdrive na pauwi.
.
.
.
.
.
.
Hays ano bang nangyayare sayo Aiden? Yare tayo nito.......

A/N:
How's the story so far guys? Vote and comments.
Who wants Allison for Aiden?....








Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon