Chapter 33

1.2K 41 3
                                    


Aiden's P.O.V

Simula nung araw na nangyare yon ay hindi ko na ginulo pa si Allison. Ilang linggo na din ang lumipas. Nung una ay sobrang nahirapan akong gawin. Malaman ko lang nga na dumating na ito sa klase ay halos lumundag na ang puso ko. Hindi ko din maiwasan na tignan ito.

Pero kapag naalala ko ang mga sinasabi nito, tinitigil ko ang mga iyon. Kailangan ko ng labanan itong nararamdaman ko dahil wala na din namang silbi. Sakanya na din naman mismo nanggaling.

Gustuhin ko mang ipaglaban ang nararamdaman ko, may pag-asa ba ako kung sakali? diba wala din naman. Siguro nga ay kailangan ko na talagang tanggapin na hanggang dito lang talaga kami.

Simula nung araw na iyon, We became strangers...again...

Nasaktan ako ng sobra ng maisip ko iyon. Halos hindi ako makakain. Hindi ako makapag focus. Patago rin akong umiinom ng ilang araw. Hindi alam nila Jean iyon, dahil ayoko ng abalahin pa sila pero talagang matinik talaga ang bespren ko na iyon kaya naman binigyan ako ng malupit na sermon. Naalala ko ang mga bawat salita ni Jean nung araw na iyon.

*Flashback*

"Tol ano kaba naman! Naiintindihan kong nasasaktan ka pero sana wag mong gawing ganito ang buhay mo! Nag-aalala na kami sayo! Kahit manlang kami maisip mo yung nararamdaman namin! Tol kung hindi ikaw ang mahal nya then move on!" sabi nito sakin habang nakahawak sa magkabila kong balikan ang mga kamay nito.

"Tol please lang, umayos ka. Tanggapin nalang natin pero sana wag ganitong gawin mo sa buhay mo. Tandaan mo graduating na tayo. Diba nangako kapa sa tiya mo? Tol alam ko sobrang sakit para sa iyo yon. Alam kong hindi din madaling mag move on pero tol andito kami, tutulungan ka namin. Susuportahan ka namin kasi mahal ka namin eh. Kaya please lang tol, Gising" pagpapatuloy nito. Hindi ako kumibo pero alam ko sa sarili kong tinamaan ako ng husto sa mga sinabi nito. Tama naman sya eh, ano bang ginagawa ko sa buhay ko. Maging masaya nalang ako dahil kahit ganito ang nangyare, alam kong nasa mabuting kamay si Allison.

*End of Flashback*

Kaya naman pagkatapos akong masermon ni Jean ay inayos ko na ang sarili ko. Nag focus ako ng maigi sa studies ko. Pilit kong nilalabanan kahit nasa iisang klase lang kami ni Allison. Sobrang tiniis ko hanggang sa nakasanayan ko na.

Mabuti nalamang at andyan sila para sa akin. Hindi sila nagkulang na iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Kaya naman inayos ko ang aking sarili dahil alam kong pati sila ay nahirapan na din sa sitwasyon.

Kasalukuyan akong nasa klase na, hinihintay na lamang ang pagdating ng prof namin. Narinig ko naman na may bumanggit sa pangalan ni Allison pero hindi nako nagabalang lingunin pa ito. Bagkus, itinuon ko ang sarili ko sa paglalaro muna  ng "Mobile Legends". Pansin ko kasi na ito ang pinagkakaabalahan ng iba kaya naman sinubukan ko at nagustuhan ko naman.

Focus na focus ako sa laro kaya naman hindi ko napansin na andyan na pala ang prof namin.

Napatambol ako sa mesa ko ng victory ang game ko at tumaas na ang rank ko sa "Legend" .

"Sa wakas, nakaalis na din sa epic hays" nasabi ko sa sarili

"Ehem" napatingin ako at nanlaki ang mata ko na ang prof ko na pala iyon.

"H-hi Ma'am s-sorry po" paumanhin ko sabay tago ng phone ko. Patay talaga ito ang pinaka terror kong prof. Pinahamak ako ng ML huhu.

"Get.out.now" eto na nga ba ang sinasabi ko hays. (_ _").

Nagbulungan naman ang mga students at ang iba naman ay natatawa. Nakayuko lang ako habang papalabas na sa klase nito. Next class na tuloy ako makakapasok.

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon