Chapter 11

1.4K 49 1
                                    


Aiden's P.O.V

May pasok na naman sa school kaya maaga akong nagising para makapaghanda na.

"Good morning tiya" bati ko sabay kiss sakanya sa pisngi

"Goodmorning din iha, tara breakfast kana" Aya nito sakin

Kwentuhan lang kami ni tiya habang kumakain. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sakin dahil may aasikasuhin pa daw ito.

Palabas nako ng bahay ng makita ko ang gitara ko, hmm dahil namiss kong tumugtog kaya naman naisipan kong dalhin ito.

Dahil maaga pa kaya naisipan ko nalang na mag commute. Tamad din kasi akong mag maneho. Ginagamit ko lang naman yon pag malelate na talaga ako. Kaya naman nag para nako ng jeep.

May tumigil naman at medyo siksikan na sa loob pero ok naman dahil nakaupo pa naman ako ng maayos.

Nakababa nako ng jeep at naglalakad na papunta sa Main Gate ng school at dumiretso na sa classroom namin.

Ng makapasok na ay agad kong nakita si Allison. Napatingin din ito sakin pero agad din nyang inalis at tinuon ulit sa mga kaibigan nya.

Umupo nako sa kinauupuan ko at nag laro nalang ng games sa cellphone ko. Pagkaraan ng ilang minuto, dumating na din ang prof namin.

As usual, binati namin ang prof namin ng Goodmorning at nag simula na itong mag discuss.

Napatingin ako kay Allison, Nakafocus lang ito sa Prof namin. hays bakit bako tingin ng tingin. Nung hinatid ko sya sa bahay nila parang ibang Allison yung kaharap ko. Ang bait nito at nagpasalamat pa sa akin. Napansin ko din na hindi na nya ako masyadong ginugulo ngayon. Hmm bakit kaya

Pagkatapos ng klase namin ay may 1 hour break kami. Kaya naman napagpasyahan kong pumunta muna sa cafeteria para bumili ng sandwich at juice.

Pagpasok ko palang ay napatingin na ibang students sakin . Gaya ng dati makikita na puno iyon ng panghuhusga na di na bago sa akin. Hinayaan ko nalang ito.

Nakita ko din si Alysha na masayang nakikipagkwentuhan, Si Allison sa kabilang table namin na busy sa pagkain nya.

Matapos makabili ay dumiretso nako sa tambayan ko, Sa may ilalim ng Puno. Presko kasi dito kaya gustung gusto ko dito. Di kasi ako komportable sa cafeteria.

Kinain ko muna ang binili ko habang nakatingin lang sa paligid ko. Ng biglang...

"Hi Aiden , Kamusta? "

Lumingon ako at laking gulat ko kung sino iyon

"A-Alysha"

"Oh bat parang nakakita ka ng multo dyan haha," sabi nito sakin. Hindi multo kundi isang anghel. Aish corny

"Ay hindi naman hehe, N-nagulat lang a-ako"

"Sorry, so lagi kalang ba talaga magisa?" tanong nito

"Ahm oo e, pero ok lang naman, nasanay na din naman ako" sagot ko

"Hmm ok lang ba samahan kita ngayon?" sabi nito sakin. Hindi ako makapaniwala, Ang babaeng pantasya ko, kaharap ko na ngayon.

"Ahh ehh oo naman, pwedeng pwede" mabilis na sagot ko. Aish halata ka ata masyado Aiden

Ngumiti lang ito at parang napansin ang gitara sa likod ko

"Marunong ka pala mag gitara?," sabi nito

"Ahm oo, "tipid kong sagot

"Sample naman diyan oh" request nito

"Ha? Ah eh ano ahm di naman ako masyadong magaling hehe" nakakahiya kasi e hays, crush ko tong kaharap ko e,

Reaching You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon